Teach him 33

19 1 0
                                    

Most unforgettable birthday


Fukiko's POV

Hapon na nang makarating ako sa tapat ng malaki naming gate, halos takbuhin ko nalang mula sa bahay nila Azeela dahil sa takot na mahuli niya na sinusundan ko siya kapag ginamit ko ang sasakyan ko.

Bumuga ako ng hangin at matamlay na pumasok sa loob nang buksan ng guard ang gate

My birthday, my special day neither yet, I feel so damn broken.

"Where's Mom and Dad?" Tanong ko kay manang Awring, isa sa mga maid namin nang makapasok sa bahay.

"Wala pa ho, pero parating na daw sila, may aasikasuhin lang at uuwi na agad" Sagot naman nito kaya tumango tango ako at nagpasalamat bago nagdiretso sa sala

Inilapag ko sa coffee table ang mga gamit ko tsaka umupo at sumandal sa sofa para makapag pahinga

"Bro, kamusta?" Tanong ni Bryce nang makita ako nito tsaka umupo sa tabi ko

"Fucked up, real shit" sagot ko nang hindi siya nililingon at pumikit. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito na ikinakunot ng noo ko

"You've changed, hindi ko na alam kong ikaw pa ba 'yung kapatid kong takot na takot sa ipis" biro niya

I didn't laugh. Wala akong ganang makipag biruan ngayon.

Mukhang napansin niya naman iyon kaya natigil siya sa pagtawa, pero maya maya lang ay wala nanamang preno ang bibig.

"Is she coming?"

"I don't know, shut up"

"Kasama niya nanaman si Ah?"

"Don't ask me, I'm not him"

"Nagseselos ka?"

"Shut up--"

"You shut up, dude. Tanong ako ng tanong sagot ka naman ng sagot, tse!" Reklamo niya bago padabog na tumayo sa sofa at umalis

Napa-iling nalang ako dahil sa kasiraan ng ulo ng isang iyon. Mukhang hindi talaga titigil hanggat hindi nakakakuha ng impormasyon.

*blag!*

Naidilat ko ang mga mata ko nang makarinig ng ingay mula sa loob ng kusina, tumayo ako sa pagkaka-upo para puntahan at silipin iyon.

"Manang, Amelia. Hindi po kasi ganiyan ang paghiwa ng carrots, ganito oh"

Sapilitang kinuha ni Bryce ang sangkalan at kutsilyo kay Manang Amelia kahit ayaw nitong ibigay pero naagaw niya pa rin. Ipinakita nito kong paanong tadtarin ang carrots at pukpukin iyon.

Para siyang demonyo na nakadila pa habang ginagawa iyon kaya wala akong nagawa kundi matawa at umalis na bago pa sumabog si Manang Amelia.

Umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko para umidlip sandali, nagpaalam naman ako kanina na gisingin nalang ako kapag handa na ang lahat.

Kapag okay na

Kinuskos ko ang mga mata ko nang maalimpungatan dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba. Mukhang handa na nga ang lahat

Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinilip ang orasan sa tabi ng lampshade ko.

"Shit. 7:57 pm na?" Gulat na sambit ko at nagmamadaling bumangon para pumasok sa banyo at makapag handa na.

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now