Teach him 25

22 3 0
                                    

The plan




Azeela's POV




Naalimpungatan ako nang maramdamang may nakamasid sa akin habang natutulog kaya naman naidilat ko ang mga mata ko.

"You're awake" Aniya ni Ah at nakita siya sa tapat 'di kalayuan sa kama ko.

Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong narito nanaman ako sa Hospital.

Napabunting hininga nalang ako at napaupo sa kama. Nakita kong tumayo si Ah at kumuha ng mansanas sa bedside table na sa tingin ko ay binili niya kanina. Iniabot niya sa akin 'yon at sinenyasan na kumain.

"How are you?" Tanong niya. Kumagat naman muna ako sa mansanas bago siya sagutin.

"Okay lang. Ano na bang oras?"

"It's already 6:00 in the evening" Diretsong wika nito na nagpa-gulat sa akin dahilan para mabilaukan ako

"A-ano!?" Sigaw ko tsaka tumayo. Natapon ko tuloy ang mansanas nang wala sa oras.

Agad na akong nag-ayos at kinuha ang bag para umalis. Nagdire diretso ako palabas at hindi na nag-aksaya pa ng oras.

"Azeela, wait!" Dinig kong sigaw ni Ah pero hindi ko na siya pinansin. Kinapa ko ang phone ko sa dibdib ko pero natigilan nang hindi ko makapa 'yon. Kinalkal ko ang bag ko pero wala rin doon.

"H-here" hinihingal na ibinigay sa akin ni Ah ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nagmadaling buksan 'yon.

Puro text at missed call 'yon na halos kay Fukiko galing. Ibabalik ko na sana ito sa bra ko nang may maalala

Nilingon ko si Ah "Did you just..."

"N--no. Na-nasa bag mo 'yan kanina. I just took it dahil ring ng ring" Dependsa nito kaya naman napatango ako. Muling naglakad hanggang sa makarating sa parking at mahanap ang sasakyan ni Ah.

Nang makarating sa tapat ng bahay, agad akong nagpasalamat at nagpaalam kay Ah. Nang makapasok, nagulat ako nang makita sina Fukiko kasama ang mga kapatid ko at nag-uusap. Agad napatayo si Fukiko sa pagkakaupo nang makita  at pinagmasdan ako . Nagdadalawang isip ko naman silang nilapitan.

"Ba-bakit ka narito?" Tanong ko na ang tinutukoy ay si Fukiko. Malungkot at maga ang mga mata nito. Umiyak ba siya?.

Parang may tumusok naman na karayom sa puso ko dahil doon. Mukhang hindi ko kayang makita siyang ganoon.

"A-are you ok--... Where were you?" Tanong ni nito. Naramdaman ko namang umalis sila Jace, mukhang gusto nilang mag-usap kami.

"Umm.. A-ano... Ka-kasi" walang lumalabas na paliwanag sa bibig ko. Anong gagawin ko?

"Why are you with him?" Malungkot na saad nito dahilan para manghina ako

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat at magpaliwanag. Gusto kong malaman niya ang totoo pero ayokong mag-alala sila at maging pabigat ako. Ayokong madagdagan pa ang problema nila.

"Pa-paano mo nalaman?" Kinakabahang tanong ko nang maalala ang sinabi ni Ah kanina. Mukhang siya ang sumagot ng tawag.

"He answered my calls" simpleng sagot nito na sinabayan nang pagpiyok. Nakita ko ang panggigilid ng luha niya na mas lalong nagpahina sa akin. Lalapitan ko sana siya para punasan iyon pero naunahan na niya ako.

Hanggat maaari ayokong umiyak, ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya.

"Si-sinamahan niya lang ako" paliwanag ko at napasinghap ng malalim para mapigilan ang pagluha ko.

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now