Jealous
Azeela's POV
"U-ugh" ungot ko nang maidilat ko ang mga mata ko.
Napaupo ako mula sa sahig tsaka sinapo ang ulo ko nang maramdamang kumirot 'yon.
"Punyeta, sinong nakauntugan ko!?" Sigaw ko maya maya nang maalala ang nangyari kanina pero agad ding natigilan nang mapansing wala na ako sa loob ng horror house.
Ilang oras akong nawalan nang malay? Mga bugok na 'yon, mga kumag na kulang sa aruga! Arr!
"Awake?" Tanong nang isang pamilyar na boses mula sa gilid kaya nilingon ko 'yon.
"Hindi, tulog pa'ko. Kaya nga gising ako, e" Sarkastikong aniya ko sa kanya.
Naka-mask 'to nang itim habang ang suot ay puti.
"Stupid" Dinig kong aniya ni'to
Aba? Nage-english pala ang kidnapper?
Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa isang kwarto ako, may kama naman pero bakit sa sahig nila ako inilapag? Tss, ungas
Muli kong ipinihit sa kanya ang paningin ko staka nagsalita "Sino ka? Nasaan ako? Bakit kulay pink 'yang sapatos mo tapos blue ang medyas mo?"
Nakita ko namang natigilan ito saglit pero kapagkuwan ay sinamaan ako nang tingin.
"Shut up, kong gusto mo pang mabuhay" May diin na sambit ni'to tsaka tumalikod at marahas na isinara ang pinto
What--- teka! Asan sila Jace!?
"Hoy mamang panot!. Nasaan mga kapatid ko!?" Sigaw ko na umaasang maririnig nya ako pero, wala na akong ibang narinig kundi ang pag-utot ko.
Grabeng seener ni kuya, feeling famous. Upakan ko 'yon, e.
Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo tsaka umupo sa kama.
Nasaan ba talaga ako? Parang familiar talaga 'to e---- shooot!
Agad akong tumayo tsaka tumakbo palapit sa pinto at sinubukang bulsan 'yon. Ang mga tangang kidnapper hindi ni-lock kaya naman agad akong nakalabas
Alam ko kung nasaan ako---
"Hoy, punyeta kayong mga ungas!" Sigaw ko nang madatnan sila sa sala at masayang nagtatawanan
"Oh, gising ka na pala. Nasa rooftop si Fukiko" Aniya ni Jeth tsaka kumindat
"Gagu, wala tayong rooftop!" Sagot ko naman. Napaikot ko nalang ang mata ko dahil sa inis. Tinitigan ko silang lahat at napagtantong wala si Fukiko--teka
"Ano'ng oras na?" Biglang tanong ko sa kanila. Nilingon naman ako ni Samara na naka-upo sa couch habang kumakain ng ice cream
"Hmm? Its already 9:00 pm" aniya nya tsaka sumubo
H-ha?
"Bakit narito pa kayo? Hindi ba kayo uuwi?" Takang tanong ko
"Sleep over sila dito, Az" singit ni Yaseen pero tinarayan ko lang sya.
Bwisit, kawarto nya kanina 'yung pinasukan ko. Ngayon alam ko na kung bakit sa sahig ako nakahiga imbis na sa kama.
Buti pinayagan 'tong mga 'to?
"Nagugutom ka?" Tanong naman ni Jace habang naglalaro sila ni Grey ng video game.
Dapat nagpapahinga na 'tong dalawang 'to, ah? Tss, mga isip bata talaga.
YOU ARE READING
Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)
Teen FictionTeach him. Serve him. Appreciate him. Nor love him, are not enough and never will. Dahil sa hindi inaasahan, isang sakit ang babago sa kanilang tadhana. You have a chance to choose, but you chose was to let go. Naguguluhan sya, she can't take the pa...