ALAS POV
Nandito kami ngayon ni Gale sa Cr which is yung pinakamaliit na Cr namin yung tipong toilet bowl lang laman nito.
"Hahahahahhahaha!!!" si Gale kanina pa tumatawa na parang baliw.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko na parang bata.
"Ikaw!!! Hahahha paiyak iyak ka pa," sambit nya sabay halakhak pa.
Magkaharap kami ngayon ni Gale pareho kaming nakaupo at nakasandal sa pader, parang square shaped ang Cr ako sa kaliwa at sya sa kanan, yung pinto sa bandang una at yung cubicle sa bandang dulo, may gripo timba at tabo rin naman.
"Gaga !!! Paano yan? Hiindi tayo makakalabas dito,"asar na sambit ko sabay pahid ng luha.
Isang pilyang ngiti ang nanggaling kay Gale na animoy may naisip na namang kalokohan.
"Edi gumawa tayo ng baby," sambit nya sa nangaakit na paraan.
Sa isip ko, anak ba ni Mommy si Gale at Beshiemon?
Pare pareho silang mga baliw."Kadiri ka manahimik ka na lang," nandidiring angal ko.
"Kadiri ka dyan hinalikan mo nga ako kanina eh," mapangasar na sambit nya.
"Napilitan lang ako," matipid na sagot ko.
"Kaya pala parang gusto mo pa," pabebeng sambit nya with naniningkit na mga mata pa.
"Kapal mo anong gusto?" mariing kontra ko.
"Sigurado ka ayaw mo?" sambit nya na animoy nangaakit na naman.
Hindi ko alam na ang panget na ito eh medyo may pagkawild na tapos isama mo pa ang kabaliwan nya.
Unti unti lumapit sya patungo sa akin.
"Gale anong ginagawa mo?" kinakabahang sambit ko.
Hindi sya sumagot bagkus lumapit pa sya sa akin.
At ako naman ito nakakaramdam ng kilabot kasabay ng pagpatak ng aking mga pawis.
Hanggang sa nasa harap ko na ang mukha nya.Dahan dahan nyang hinaplos ang noo ko patungo sa ilong ko hanggang sa labi ko .
Ako naninigas lamang at hindi makaangal sa ginagawa nya sa akin."Gale naman tigilan mo yan," puno ng takot na sambit ko.
Hindi ako makagalaw dahil konting maling galaw ko lang mahahalikan ko na sya.
Patuloy ang aking katawan sa paninigas at panlalamig na dulot ng kabaliwan ng babaeng ito."Baby Alas, sabi ni Mommy gusto nya ng Baby " mapanuksong sambit nya kasabay ng pagkagat nya sa kanyang labi.
Naramdaman ko nalang yung kamay nya ay hinahagod ang aking dibdib hanggang sa dumako ang kamay nya sa aking mga abs.
Mas lalo akong pinagpawisan sa ginagawa nya mukha ngang gagahasain nga ako ng babaeng ito.
"Hahaha, Gale papatayin ka ni Beshiemon kapag nalaman nya ito," nauutal na banta ko sa kanya.
Hindi sya umimik bagkus isang pilyang ngiti lang ang isinukli nya sa sa akin.
Unti unti nagdampi ang aming mga noo, at nagdampi na rin ang aming mga ilong.
At sa isang iglap hindi ko namalayang naipikit ko na pala ang aking mga mata at inaantay ang labi nya na dumampi sa labi ko.Hanggang sa 1, 2,3,4,5,6,7,8 ,9,10 .
Sampung segundo akong naghintay ng halik ngunit walang dumating.
Nang imulat ko ang aking mga mata.
Si Gale na nasa harap ko ay nagpipigil ng tawa dahil pinagtripan nya lang pala ako."Hahahahha!!! Akala ko ba ayaw mo? May papikit pikit ka pang nalalaman," tuwang tuwang sambit nya.
Hanggang sa bumalik na sya sa dati nyang pweto.
Sa isip ko mamatay ako sa babaeng ito.
YOU ARE READING
MY 4 BAD BOSSES
RomanceThis story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or a...