ALAS POV
Ang tagal naman nila.
Saan kaya dinala ni Jeydeib ang Baby ko?
Nakauwi na nga sila Anerish at yung anak nya at gising na rin si Inigo pero sila wala pa rin.
Kanina pa akong hindi mapakali sa kahihintay kay Baby."Bakit ba kasi hinayaan mo si Gale este si Georgina na isama sya ni Jeydeib?" inis na tanong ni Inigo.
"Gusto ko lang bigyan ng chance si Baby na makapagpaliwanag kay Jeydeib," paliwanag ko.
Hanggang sa bumukas ang pinto.
Pumasok si Baby na animoy may labang naganap dahil punit punit ang damit nya.
Kasabay sa pagpasok nya si Jeydeib na animoy umiyak."Georgina, Bakit ganan ang itsura mo?" nagtatakang tanong ni Inigo.
Hindi sya umimik bagkus hinila sya ni Jeydeib.
Si Jeydeib ay nasa una ni Baby habang si Baby ay nasa likod nya."Anong ginawa mo?" seryosong tanong ko kay Jeydeib.
Ang lakas ng pakiramdam kong may kagaguhan syang ginawa kay Baby.
Hindi sumasagot ang ungas kaya lumapit ako sa kanya at mabilis ko syang kinuwelyuhan."Anong ginawa mo sa Baby ko?" galit na sambit ko.
Nakipagtitigan sya sa akin.
Mga titig palang nya batid kong may ginawa talaga syang kagaguhan."Wala syang ginawa," sambit ni Baby habang inaalis ang kamay kong hawak ang kwelyo ni Jeydeib.
"Kuys, kalma tama na," awat din ni Inigo.
Labag sa loob kong binitawan si Jeydeib.
"Bakit ganito ang itsura ni Baby?"galit na tanong ko ulit.
"Ang sundalong ito ay pinagtangkaang gahasain ang pinakamamahal nya," seryosong sambit nya.
Sa sinambit nyang yun naguluhan ako, sundalo sino?
"Kuys pwede ba umayos ka anong sinasabi mo?" inis na tanong na rin ni Inigo.
Bumaling ako ng tingin kay Baby.
Batid kong may nangyaring di maganda at batid ko ring pinagtatakpan nya si Jeydeib."Wala nag-usap lang kami," pagsisinungaling ni Baby.
Sa totoo lang naiinis ako dahil nagsisinungaling sya para kay Jeydeib.
Nagsisinungaling sya sa akin at kay Inigo para sa kagaguhan ni Jeydeib."Tang ina naman Baby, nasasaktan ako kasi pinagtatakpan mo sya. Nasasaktan ako kasi parang mas pinipili mo pang kampihan ang gagong ito na walang ginawa kung hindi paulit-ulit na saktan ka," sambit ko in a frustrated tone.
Tinitigan ko si Baby.
Ramdam kong naguguilty sya."Muntikan ko na syang marape," seryosong sambit ni Jeydeib.
Nagulat ako.
Nagulantang ang mundo ko.
Kaya wala pa sa isang iglap
Sinuntok ko sya."Papatayin kita!!!" sambit ko kay Jeydeib habang patuloy ko syang sinusuntok.
"Tama na please Baby, napatawad ko na sya," pagsusumamo ni Baby.
Napatigil ako sa pagsuntok dahil nakikita kong nasasaktan si Baby.
At ayoko nun hindi ko kayang makita syang nasasaktan.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya."Sorry Baby," pagsusumamo ko.
Hanggang sa isang iglap, si Inigo naman ang sumapak kay Jeydeib.
"Kuys, ilang beses mo ba syang sasaktan?" galit na sambit ni Inigo.
Nakalupage na sa sahig si Jeydeib.
Halata mong wala syang planong lumaban.
Hanggang sa nilapitan sya ni Baby.
Sobra syang nag-aalala sya para kay Jeydeib.
YOU ARE READING
MY 4 BAD BOSSES
RomanceThis story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or a...