CHAPTER 37: ROUND 3

1.6K 55 2
                                    

JEYDEIB POV

Nandito ako ngayon pauwi na ng unit.
Hindi na ako nakauwi sa unit kagabi dahil sa anak ko.
Oo, tanggap kong anak ko si DJ.

Pinaliwanag na sa akin ni Anerish ang buong pangyayari.
Ang laki laki ng pagkukulang ko sa kanya.
Pero ngayon babawi ako para na rin kay DJ.

Hanggang sa makarating na ako sa unit.
May narinig akong boses na nangagaling sa room ni Darling.
Dali-dali nagpunta ako dito at sinilip ko kung ano ang ginagawa nya.

"I love you, you love ,there's a happy family," kanta ni Darling.

Napangiti nalang ako.
Habang naglilinis sya sa kwarto nya nakanta pa sya.
Ang ganda ng boses nya.
Medyo sumasayaw sayaw pa nga sya.

Hanggang sa mabaling ang tingin nya sa akin.
Nagkatitigan kami, halata mong ilang siya.
Hindi pa pala ako nakakahingi ng tawad sa kanya.
Dahan dahan pumasok ako sa kwarto nya.

Dahan dahang lumalapit ako sa kanya at siya tulala lang sa akin.
Hanggang sa nasa harap na nya ako.

"Darling, Im sorry," paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

Imbes na umimik tumalikod sya sa akin at inaayos ang mga magazine sa mini table nya.

"Iniwan kita sa ere," muling usal ko.

Hindi pa rin sya umiimik patuloy pa rin sya sa ginagawa nya.

"Nasaktan ba kita?" naiusal ko ng wala sa sarili.

"Hahahahaha, Bakit mo naman ako masasaktan? Eh wala ka lang naman sa buhay ko," sambit nya na animoy naiiyak na.

Napatango nalang ako at napakagat sa aking labi.

"Alam ko namang trip mo lang akong saktan eh," muling sambit nya.

"Pero sorry ka hindi mo ako nasaktan," sambit ulit nya na medyo naiiyak na boses.

"Ang sarap kayang maligo sa ulan ang fresh sa pakiramdam," kwento nya na naiiyak na talaga.

Hindi ako nagsasalita.
Hindi ako makapagsalita, naguguilty ako dahil nasaktan ko nga sya.

"Yung feeling na nasa taas pa ang kaligayan ko tapos bigla mo akong binitawan," kwento nya in a frustrated tone.

"Sorry," naiusal ko na naiiyak na rin.

"Hindi, hindi talaga masakit yung pagkakabagsak ko. Hindi nga ako umiyak eh," pagpatuloy nya sa pagkukwento .

Hanggang sa isang iglap may humila at sumuntok sa akin.
At walang iba kung hindi si Beshiemon.
Napatumba ako sa  sobrang lakas ng suntok nya kumpara sa suntok nila Inigo, Alas at Quen

"Bessshieemon, " sambit ni Gale na umiiyak.

"Hoy Jeydeib kahit gwapo ka  kayang kaya kong basagin  yan peslak mo,"galit na usal sa akin ni Beshiemon.

Tumayo ako pero sinuntok ulit nya ako at sa puntong yun napatumba ulit ako.

"Bakla man ako pero kapag si Gale na ang nasasaktan handang handa akong makipagsuntukan, maipagtanggol lang si Gale," sambit nya.

Niyakap nya ng mahigpit  si Darling.
Samantalang ako, mas nakokonsensya nang dahil sa nagawa ko.

"Sumbong mo lang sa akin kung sino pang magpapaiyak sayo," malambing na sambit nya kay Darling.

"Tara iwan na natin yang gagong yan sisimulan na natin ang Round 3, " sambit ulit ni Beshiemon.

Tumango naman si Darling at aktong lalabas na sila pero tumigil si Beshiemon at humarap sya sa akin.

"Ikaw kung gusto mo pang ituloy ang panliligaw kay Gale go lang pero sa isa pang beses na saktan mo sya, ang baklang ito ang papatay sayo," muling banta nya sa akin kasabay ng paghila nya kay Darling palabas ng kwarto.

Naiwan ako sa loob at oo desidido akong ituloy ang laban.
Lalo na ngayon ramdam ko na mas mahal ko na si Darling.
Lumabas ako ng kwarto at nasa salas na sila Beshiemon, Darling at Alas.

"Ano laban o bawi? " tanong  ni Beshiemon sa akin with irap pa.

"Laban!" desididong sambit ko.

"Tapos ano mangiiwan ulit?" hirit ni Alas.

"Galingan mo naman para talagang masaktan mo na ako," sarkastikong sambit ni Darling.

At biglang dumating si Inigo at may benda ang kamao nya.
Nabaling ang atensyon naman sa kanya, pero ni isa walang nagtatangkang magtanong kung napano ba sya.
Marahil dahil batid naman naming masikreto syang tao kaya panigurado hindi nya rin sasabihin kung anong nangyari sa kanya.

"Kasali ko dyan diba? Lalaban pa ako," sambit nya sabay upo sa sofa.

Umupo na rin ako sa tabi ni Darling.
Pero nakatingin sya kay Inigo na parang depressed.
Halata mong nag-aala ala sya kay Inigo.

"Ganito ang Round 3 na pinamagatang THATS MY BOY," hirit ni Beshiemon.

Napatango nalang kami sa sinambit nya samantalang si Darling na kay Inigo pa rin ang atensyon.

"Ipapakita nyo kay Gale ang nararamdaman nyo pero using your talents," muling paliwanag ni  Beshiemon.

"At ikaw ang una Alas, Inigo sunod ka at ikaw Jeydeib ang huli," sambit sa amin ni Beshiemon.

"Kaya Go na pagisipan nyo na ang gagawin nyo at may tigda-dalawang oras kayo para sa round na ito," sambit ni Beshiemon.

Sa isip ko, This time ako ang magwawagi hindi man ako marunong sumayaw, panget din ang boses ko pero kaya kong mag spoken poetry performance.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now