QUEN PON
Nandito ako ngayon sa isang malaking isawan.
As usual napagutusan na naman ako ni Jeydeib na dalhin dito si Hipon.
Favorite na kainan daw ito ni Hipon kaya dito nya napiling magperform.
Umpisa palang tumanggi ako pero lumuhod pa ang mokong na iyon sa harap ko.Actually kanina pa kami dito.
Kanina pa sana ako umalis kaso ayaw kong iwan si Hipon.
Nag-eenjoy sya sa pagkain ng mga exotic food ata ito."Oh kain," sambit nya sabay lagay ng parang bulate sa plato ko.
"Hindi ako nakain ng bulate," supladong sambit ko.
Napangiti naman sya.
"Quenito hindi yan bulate, Susubuan kita o susubuan kita?" pananakot nya.
Awtomatikong napanganga ako dahil alam ko naman kasing baliw itong babaeng ito.
Sinubuan nya ako at nang makagat ko ito masarap pala lalo na yung malagkit sa gitna nito."Uyyyy ang sweet naman," kantyawan ng mga tao.
"Ano masarap ba?" seryosong tanong nya.
Tumango na lang ako bilang tugon sa tanong nya.
"Hahaha sabi sayo ganan kasarap ang bituka lalo na yung mga taeng hindi nasasaid," sambit nya sabay tawa.
Halos masamid ako sa narinig ko bituka ito at tae yung ahhhh kadiri.
Hanggang sa may kinuha na naman syang chocolate na mainit isinawsaw sa suka at sauce."Nga nga ulit," pautos na sambit nya.
Ngumanga ako dahil chocolate lang naman yun.
Sinubuan nya ulit ako at tinikman ko ang sarap hindi sya lasang chocolate."Kamusta masarap ba?" seryosong tanong nya.
"Oo anong brand ng chocolate ito?" seryosong tanong ko.
Plano ko sanang padalhan si Athena eh.
"Hahahha!!! Quenito tanga ka talaga, hindi ito chocolate," natatawang sambit nya.
Halos pagpawisan ako dun sa sinambit nya.
Kanina bituka na may tae yung pinakain nya tapos ito ano kaya ito?"Ano yan...?" nauutal na tanong ko.
"Beta max dugo in shor,t" sambit nya.
Nakahinga ako dun at least dugo lang ito mas masahol pa rin yung bituka.
"Kaso nga lang madumi ang pagkakagawa dyan. Yung tipong dinadapuan ito ng madaming langaw kung saan saan nakalagay, tapos ito pa ang pangunahing sanhi ng Hepa," seryosong kwento nya.
Sa isip ko, Hayop ka talaga Hipon masyado mong binubully ang Quenitong laging sumasalo sayo.
"Ayoko na aalis na ako," sambit ko kay Hipon.
"Sasama na ako sa iyo," sambit nya.
"Hintayin mo si Jeydeib yung ang bilin nya," inis na sambit ko.
"Paglalaruan nya lang ako di ba nga iniwan nya ako," sambit nya na animoy nalulungkot.
Sa isip ko, Tama hirap na syang magtiwala kay Jeydeib pero kilala ko si Jeydeib alam ko hindi nya na ulit sasaktan pa si Hipon.
"Uuwi na nga ako," sambit nya
Aktong paalis na sya pero pinigilan ko sya.
"Teka lang Hipon tatawagan ko si Jeydeib," sambit ko habang pinipigilan sya.
"Sige In 5 minutes kapag hindi pa nagsimula yung performance nya uuwi na ako," sambit nya.
Tumango ako at dali dali tinawagan ko si Jeydeib.
YOU ARE READING
MY 4 BAD BOSSES
RomansaThis story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or a...