GEORGINA POV
"Doc, Ano ba?" pagsusumamo ulit ni Alas.
Bakas sa mga mukha nila ang kaba at ang pag-aalala.
Maging ako rin naman ay nababalot na ng pangamba."Mr. Chen is now safe," nakangiting sambit ni Doc.
"WHOOOOOOHHH!!!!" sigaw ni Alas habang nagpapahid ng kanyang luha.
"Good Job Kuys Quen," naiusal ni JD na alam mong pagod na pero bakas pa rin sa kanya ang sayang nararamdaman.
Samantalang tahimik lang si Inigo pero ramdam ko sobrang saya rin nya.
"Isang milagro po ang naganap," dagdag na sambit ni Doc.
"G, Thank you, thank you" naiusal ko habang taimtim na nagpapasalamat kay G.
"BOSS, I LOVE YOU, SALAMAT SALAMAT!!!" sisigaw ni ni Alas na hindi mapigilan ang emosyon sa sobrang pagkagalak.
"Lord, sobrang salamat po, sobra, thank you po talaga," sambit ni JD habang nakatingin sa taas na animoy kinakausap si G.
"Panginoon , ang galing ang bait nyo po talaga. Salamat po," naiiyak na naiusal ni Inigo sa kawalan.
"Group hug tayo mga Kuys," sambit ni Alas.
Nagsilapitan si Inigo at JD kay Alas at nagyakapan sila.
Bumaling ng tingin sa akin si Inigo."Gale halika, sali ka," nakangiting sambit nya sa akin.
Ngumiti ako at marahang lumapit sa kanila.
Pero bago pa ako tuluyang makalapit ay agad namang kumalas si JD sa group hug nila.Nagkatitigan nalang kaming lahat.
Batid kong galit nga pala sa akin si JD at si Alas.
Hanggang sa ilang sandali pa isang katahimikan ang nagganap.
Hanggang sa may isang babae ang dumating."Jeydeib, Alas and Inigo!!! Where's my son?" nag-aalalang tanong ng babaeng bagong dating na pakiwari ko'y ay syang Ina ni Quenito.
Lahat kami ay bumaling ng tingin sa kanya.
"Tita, Quen is now safe,"sambit ni Alas.
" Oh God, Thank you Lord,"mangiyak-ngiyak na pasasalamat ng Ina ni Quenito.
"Pero ano bang nangyari?" nag-aalala pa ring tanong nya.
"Nabangga po sya tita,"tugon ni JD.
"Paanong nabangga?" nalilitong tanong ng Ina ni Quenito.
Isang katahimikan ang naganap.
Walang nagsasalita sa kanila.
Bakit ba ayaw nilang sabihin na ako ang may kasalanan."Dahil po sa akin," naiusal ko ng wala sa sarili.
"What?" nagtatakang tanong ng Ina ni Quenito sa akin..
"Niligtas po nya ako. Imbes na ako ang mabangga itinulak nya ako at sya po ang nahagip ng sasakyan," naiiyak na kwento ko.
Isang tingin na puno ng galit ang binigay nya sa akin.
Unti-unti ay lumapit sya sa akin .
At sa isang iglap isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya."TITA!!!",gulat na sambit ni Inigo.
Lumapit si Inigo sa likuran ko at hinawakan ako sa balikat na animoy kinocomfort ako.
Samantalang nakatitig lamang sa akin si JD at si Alas ngunit bakas pa rin sa mga mukha nila ang pag-aalala para sa akin."Are you ok?" natatarantang sambit ni Inigo.
"Ikaw sa oras na may mangyari kay Quen hindi lang yan ang matatanggap mo mula sa akin," galit na paninisi sa akin ng Ina ni Quenito.
YOU ARE READING
MY 4 BAD BOSSES
RomanceThis story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or a...