CHAPTER 33: SPECIAL CHAPTER

1.5K 68 1
                                    

ALAS POV

Nakahiga na ako ngayon sa akin kama iniisip ang mga nangyari kanina.
Kung paanong ang mga kamao namin ay dumapo sa mukha ni Jeydeib.
Inaamin ko nililigawan ko si Gale dahil gusto ni Mommy.
Pero mahalaga na rin sya sa akin napalapit sya sa akin nang dahil sa kabaliwan nya.

Loko loko ako at sya naman ay baliw.
Panget man sya sa panglabas.
Pero bawing bawi sya sa pangloob.
Hindi nya deserve ang masaktan kahit na sa kamay pa ng kaibigan ko.

Isa lang ang alam ko ngayon .
Mahalaga na rin sa akin si Gale.
At kapag mahalaga ang tao sayo.
Ipakita mong pinahahalagahan mo sya.
At yan ang dapat kong gawin, wala akong pakialam kahit na mahulog pa ako sa kanya.
Wala akong pakialam kahit na makalaban ko pa si Inigo at Jeydeib.

JEYDEIB POV

Inaamin ko masakit ang mukha ko.
Pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.
Litong lito na ako.
Mahal ko nga ba si Gale o mahal ko pa rin si Anerish?

Dapat ko pa nga bang ligawan si Gale?
Ngayong nasasaktan ko lang sya.
Dapat ko pa nga ba syang ipaglaban?
O mas tamang isuko ko nalang sya.

INIGO POV

Ang kapal ng mukha ko.
Sinaktan ko si Jeydeib ng dahil sa iniwan nya si Gale.
Ngayong alam ko namang mas masahol pa ako sa kanya.
Sa oras na maipa-DNA  test ko ang buhok nya.

Sa oras na lumabas ang result.
Sa oras na magpositive ito .
Yun din ang oras na dapat ibalik ko sya kay Marky.
Yun din ang oras na ako naman ang makakatikim ng galit nila Jeydeib at Alas .

Pero ayokong ibalik si Gale.
Ayokong isuko sya pero kailangan eh.
Kapalit nya ang buhay ng pamilya ko.
Isang buhay kapalit ng buhay ni Papa ni Mama at ng kapatid ko.

Gale sana hindi ikaw si Georgina 
Dahil alam ko mahal na kita.
Minamahal na kita.
At patuloy kitang mamahalin .

QUEN POV

Nagkasala na naman ako kay Athena.
Nakipag-date ako sa isang bipolar na Hipon.
Hon kasi umuwi kana.
Para mayakap na kita at mahagkan ka .

Pero ngayon isa lang ang napatunayan ko.
Totoo na hindi sya si Gale Andres.
Habang tinitigan ko ang mukha nyang basa kanina.
Pansin kong parang may mga mali sa natural na mukha.

Gale sabi mo tumakas ka ng dahil ayaw mong magpakasal.
Sabi mo ibinenta ka ng mga magulang mo.
Sabi mo pagod ka na.
At ang sabi ko pangako secret lang yun.

Wala akong planong ibuking ka.
Plano ko lang tuparin yung pangako ko.
Pero alam ko masasaktan si Alas ,si Inigo at lalong lalo na si Jeydeib kapag nalaman nilang nagpapanggap ka.

Pero alam ko alam mo sa lahat ikaw ang pinakamasasaktan dahil ramdam ko mahalaga na rin kami sayo.
Kaya sana umamin kana kung sino ka man Gale habang maaga pa.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now