BESHIEMON POV
"Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ay mali pala wala palang maganda sa tanghali, wala ring magandang sasalubong sa akin mamaya. Sigurado ako na wala ring magandang bukas. Hindi ko alam kung kailan ulit gaganda ang bawat umaga at bawat gabi ko ngayong iniwan na ako ng Queen G ko hmmm," umiiyak na sambit ko.
Kasalukuyang nandito kami sa libingan nila Mr.Alexander at Elle.
Dito ilalagak ang katawan ni Queen G.
At ngayon nagbibigay kami ng huling mensahe, pamamaalam para kay Queen G.Bahagya akong lumapit sa kabaong ni Queen G.
Tinitigan ko ang napakaganda nyang mukha.
Para lang syang natutulog ngunit wala ng gisingan."Queen G ko durog na durog ako ngayon. Nawalan ako ng anak. Iniwan ako ng kapatid at kakambal ko. Namatayan ako ng isang napakabuting kaibigan. Namatayan ako ng isang taong ginampanan ang lahat lahat sa buhay ko hmm," umiiyak na sambit ko.
Marahang kong hinaplos ang mukha ni Queen G.
Bawat detalye ng mukha nya sinasaulo ko sapagkat ayaw ko itong makalimutan."Queen G gumising ka na. Queen G please come home miss na miss na miss na kita," umaatungal na sambit ko habang nakaakap sa kabaong ni Queen G.
Hanggang sa naramdaman kong may marahang humahagod sa likuran ko..
"Pssssssttttt wag ganan huh.Iniwan tayo ni Georgina para mailigtas tayo. Hindi nya gustong makita na unti unti tayong mamatay nang dahil sa pagkamatay nya. Wag natin sayangin yung buhay na ibinuwis nya huh kaya lalaban tayo patuloy tayong mabubuhay para kay Georgina, " naiiyak na sambit ni Tita Queeny.
Tama sya nagbuwis ng buhay si Queen G para mailigtas kami.
Sinakripisyo nya ang buhay nya para sa amin.
Kailangan naming lumaban para hindi masayang ang sinakripisyo ng Queen G ko."Sorry kung nababakla ako ngayon. Sorry kung nanghihina ako ngayon pero sige Queen G lalaban kami kahit gaano kahirap at kasakit. Lalaban kami para sayo Queen G. Kaya ikaw pahinga ka na dyan ,mag enjoy ka dyan wag mo na kaming alalahanin. Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal na mahal ka ng baklang ito. Nakatanim ka na dito sa puso ko at kahit kailan man hinding hindi ka na mabubura Queen G ko," emosyonal na sambit ko.
Muling kong tinitigan ang bawat detalye ng mukha ni Queen G.
Hanggang sa marahan ko syang hinalikan sa noo nya.
Ito na ang huling halik ko sa kanya.
Ito na ang huling haplos ko sa kanya."I love you, Queen G ko," bulong ko kay Queen G.
Marahang akong umalis sa pagkakahalik ko sa kanya.
Muli kong tinitigan ang nahihimlay nyang katawan.
Hanggang sa umupo na ako sa may upuan dahil si Tita Queeny naman ang magmemensahe para kay Queen G."Si Georgina po ay isang napakabuting tao. Napakamasayahin po nya yung tipong akala mo wala syang problema. Sabi ko nga sa kanya gusto ko syang maging daughter in law. Kaya pinaligawan ko sya sa Bunsoy ko hanggang sa nainlove na rin ang Bunsoy ko sa kanya," emosyonal na sambit ni Tita Queeny.
Habang sya ay nagsasalita nakatitig lamang sya kay Alas.
"Hhhhmmmmmmmhhhhhhmm," iyakan ng bawat isa.
"Pero ngayon wala ka na.Paano pa kayo ikakasal ng bunsoy ko? Paano nyo pa ako bibigyan ng apo kung iniwan mo na kaming lahat," umiiyak na sambit ni Tita Queeny.
Hanggang sa bumaling naman sya ng tingin sa kabaong ni Queen G.
Katulad ng ginawa ko tinitigan din nya ang bawat detalye ng mukha ni Queen G."Pero sige anak mapayapa ka ng makakapagpahinga. Ako na ang bahala sa kanila. Magpapakaina ako sa kanilang lahat. Gagabayan ko sila sa bawat araw na lilipas na wala ka sa tabi namin. Magiging malakas ako sa bawat oras na nanghihina sila. Kaya anak sige pahinga kana huh wag ka ng umiyak dyan sa langit ako na ang bahala sa kanila hmmm," umaatungal na sambit ni Tita Queeny.
YOU ARE READING
MY 4 BAD BOSSES
RomanceThis story is unedited This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or a...