"Di ako makapaniwala na sa The Zodiacs binigay ang mission na yun", pagrereklamo ng binata."Niel naman okay lang yan, di ka ba napapagod? Ang dami na ngang trabaho dito sa Base tapos gusto mo pang dagdagan",sagot ng isa ring binata.
"Oo nga Niel, tama si Seongwoo. Tiyaka di dapat magtanim ng galit sa kapwa nating mga Agent kasi tayo lang din naman ang magtutulungan sa huli"
Tumango ang lahat ng mga binata na ibig sabihin ay sumasang-ayon sila sa sinabi ng nakakatanda nilang Hyung. Habang si Niel ay medyo di pa rin okay.
"Agent Daniel please proceed to Head's Office " ,nagulat silang lahat ng may nagsalita sa speaker na halos nasa lahat ng sulok ng HQ nila.
"Sige una muna ako sa inyo " ,pagpapaalam niya at diretsong pumunta sa Head's Office.
"Haaay si Niel nga naman, napaka workaholic "
"Oo nga Minhyun hyung eh"- Woojin
"Nagsimula lahat yan noong nag break sila ng ex niya"-Jihoon
"Ex niya? Yun ba yung babaeng highschool student na palaging binibilhan ni Niel ng ice cream noon? " -Jaehwan
"Oo pero 2 years na ang nakalipas at sure akong graduate na ng highschool yun"-Jisung
"Bakit nga ba sila nag break? "-Jinyoung
"Ewan basta ang alam ko, nakita nung babae si Niel na nakikipagdate kay Sandra at ayun di man lang daw siya binigyan ng pagkakataon na mag explain"-Jisung
"Ah so nag paka lulong na lang siya sa trabaho niya? At teka, alam ba ng ex niya na....ganito ang trabaho ni hyung? "- Guanlin
"Ang alam ko, hindi sinabi ni Niel sa kaniya eh. " -Jisung
"Grabe pala, di ko ma imagine si hyung na nag ka girlfriend ng isang highschool student, parang Romance Novel lang ang peg"-Daehwi
"Umiiral na naman yang kabaklaan mo Hwi"-Sungwoon.
🌙
Daniel's P. O. V.
"Congratulations Agent Daniel for being the rank 1 again" , bati sa akin ni Miss Boa ,head ng Produce 101 na siya namang Agency namin.
"Thank you po Miss Boa, mas pagbubutihin ko pa po sa susunod"
"Sobrang sipag mo talaga Daniel, sorry nga pala sa anak kong si Sandra. Alam kong naiirita ka na sa kaniya, hindi naman sa hindi kita gusto para sa kaniya in fact, gustong gusto nga sana pero alam kong may iba kang gusto. Kaya pasensiya na talaga" -Boa
"Okay lang po Miss"
"Pwede ka nang lumabas"-Boa
"Choding congrats! "- Seongwoo
"Ano ba yan ang iingay niyo", sabi ko sa kanila kasi nahihiya na ako sa mga taong nakatingin sa amin.
"Niel hyung congrats po" ,bati sa akin ng paborito kong dongsaeng na si Lee Woojin.
"Thank you, tiyaka musta ang Medical team? "
"Okay lang po kami Hyung, tiyaka pag nagkakamali po ako, tinuturuan ako ni Jonghyun Hyung"-L. Woojin
"Mabuti naman" ,sabi ko sabay ginulo nag buhok niya.
"Minhyun hyung congrats! Congrats din Niel hyung! Congrats sa inyong lahat! " ,sigaw ni Seonho at kumapit kay Minhyun hyung na parang koala.
"Thank you Seonho".
Umingay ang paligid ng biglang tumunog ang alarm at nagsitakbuhan ang mga tao sa HQ.
Nagkatinginan kaming 11 at diretsong tumakbo sa Base 4 kung nasaan ang security team.
"Haknyeon anong nangyayari? ",tanong ko sa leader ng security team.
"Agent Daniel mukhang may nakapasok sa base at ninakaw ang mga files natin" natatarantang sagot ni Haknyeon.
"Tara" , matipid na utos ko at agad namang sumunod sa akin ang sampung mga kasama ko.
Tumakbo kami palabas ng HQ namin at pumunta sa Base 3 kung saan nasaan ang Tech Team.
"Dapa!! Ibigay niyo sa amin ang mga files! " ,rinig naming sigaw ng isang lalaki sa labas ng Tech Room.
Aatake na sana sila Jisung hyung pero pinigilan ko sila at sinabihang makinig muna para malaman namin kung anong pakay nila.
"A-anong file b-ba ang k-kailangan niyo? ",nanginginig na tanong ni Euiwoong.
"Yung files tungkol sa kita ng Korea"
"W-wala kami n-nun"- justin
"Wag kang mag sinungaling!",sigaw na naman ng lalaki.
"Tol bilisan natin baka maabutan tayo ng Wanna One dito yari tayo kay boss",rinig naming sabi ng isa pa niyang kasama.
"Ibigay niyo na kasi! "
Di na naming mapigilang makinig lang at agad na pumasok. Hinatak ko ang kamay ng isang lalaki at inikot ito hanggang sa sumigaw siya sa sakit .
Ipinasa ni Jisung hyung ang baril niya sa akin at tinutok ko ito sa lalaking hawak ko.
"Sinong nag utos sa inyo? ", tanong ko at binigyan siya ng nakakatakot na tingin.
"W-wala",naginginig na sagot niya.
"Sasagot ka o mamatay kayo ng kasama niyo"
"lumabas na kayo diyan Lester at Jay, may nakuha na kami sa president's office"
Sabi ng boses na nanggagaling sa earpiece ng dalawang lalaki.
"So nanakawin niyo pala ang kita ng buong Korea huh? " , tanong ko at tumawa ng bahagya. Ang lakas ng loob. Alam kong di madaling gawin to kaya sigurado akong may malaking tao sa likod nito.
"Sasabihin na namin kung sinong nag utos sa amin"
"Mabuti naman"
"Blood Moon" ,iyon ang huling sinabi niya at kumawala sa pagka hawak ko. Tumakbo sila at di na namin sila pinigilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/148653610-288-k528349.jpg)
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD)
Short StoryFixing a broken heart is not easy. But I will always find a way ,para sayo. -Agent Kang Daniel Series no. 1 #970 -short story Date started: April 13,2018 Date ended: