Luna's P. O. V.
(Continuation - 11:12 A.M.)
Magiisang oras na mula noong nag walk out ako sa breakfast namin ni Daniel, at hanggang ngayon wala pa siya.
Sino na naman kaya tong kumakatok?
Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang lalaki na staff ng hotel.
"Miss pinapabigay ng lalaki kanina",sabi niya sabay abot sa akin ng isang envelope.
"Si Daniel na naman ba nag bigay nito? "
"Hindi po"-staff
Tumango na lang ako at pumasok na sa loob habang di pa rin inaalis ang tingin ko sa envelope.
Bubuksan ko na sana ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Daniel na namumula ang mata at ang ilong.
Umiyak ba siya? Please, sana di to dahil sa ginawa ko kanina.
Di niya ako pinansin at dumiretso sa couch.
"Uhmm Daniel, may nagpadala ng envelope sa atin",sabi ko para naman mabasag na tong katahimikan.
Di pa rin siya sumasagot kaya nilapitan ko na siya. Ang cutee niya, tulog pala kaya di sumasagot eh.
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya. Ginawa ko itong lock screen sa phone ko. Abot tenga na ang ngiti nitong lola niyo.
"Luna? "
Agad kong tinago ang phone ko at tiningnan siya.
"Hmm? "
"May kailangan ka ba? "-Daniel
"Huh? Ano? Wala naman "
"Bakit ka nakayakap sa akin? "-Daniel
"Ano?! ",agad naman akong humiwalay sa kaniya. Ayh mali matagal na pala kaming hiwalay.
"E-eh kasi D-daniel ,may nagpadala sa atin ng envelope",sinimulan ko na lang magsalita para mawala na tong awkwardness.
"Envelope? Kanino daw galing? "-Daniel
"Di ko rin alam, akala ko nga sayo galing eh"
"Anong laman? "-Daniel
"Yan ang di ko pa alam, gusto ko sanang sabay nating buksan"
"S-sige"-Daniel
Isang invitation sa isang party. Formal party to be exact. Sino namang siraulong magpapadala ng invitation sa gitna ng misyon namin?
"Kailangan tong malaman ni Miss Boa at Mr. Seo"-Daniel
Sumangayon naman ako sa kaniya . In-open ko na ang laptop ko at hinawakan ang mouse nang may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko.
"S-sorry, di k-ko sinasadya. Sige ikaw na mag send ng picture sa kanila",sabi niya sabay kamot sa ulo niya.
Nakatanggap agad kami ng reply galing sa agency ni Daniel.
Luna, Niel. Iniimbitahan kayo ng leader ng blood moon sa isang formal party ng mga blood moon members.
Nalaman kasi nilang pumunta pa talaga kayo sa paris para lang mahanap sila.
Next week pa yung party kaya marami pa kayong panahon para maghanda. Magiingat kayo at maging alerto sa mga posibleng mangyari.
Ipapadala namin ang troop 6 ng The Zodiacs sa araw ng party for back up.
-Boa
Maaring ginagamit lang nila tong party nato as bitag sa aming dalawa ni Daniel.
"Mukhang mapapaaway na talaga tayo. Yung totoong away na talaga"-Daniel
"Oo nga, ilang araw ko nang namimiss na makipag away"
"Ako ba, di mo namimiss? "-Daniel
Nagulat ako sa sinabi ni Daniel. At mukhang pati siya rin.
A W K W A R D
"Mag Ccr lang ako"
"Lalabas muna ako",at talagang sabay pa kaming nagsalita.
Di ko na kaya to kaya agad akong tumakbo papunta sa CR pero napatigil sa gitna ng daan.
Pati rin si Daniel, napatigil.
"KYAHHH PAMBIHIRA, ANG CORNY!!"
Rinig naming sigaw ng lalaking nasa kabilang kwarto.
Nagkatitigan kaming dalawa.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko? "- Daniel
"Hmm mukhang pareha nga tayo ng iniisip. Mukhang sinundan tayo ng mga tukmol nating kaibigan"
"Hindi yun"-Daniel
"Eh ano palang iniisip mo? "
"Ikaw"-Daniel
Naks naman, ayan na naman ang mga linyahan niya. Yan ang dahilan ko kung bakit unti-unti ko na siyang nagustuhan noon. Mabulaklak masyado mag salita, yung tipong madadala ka talaga.
"Tigilan mo nga yan Daniel, di ako nakikipaglokohan sa'yo"
"Di rin naman ako nakikipaglokohan ah? "-Daniel
"Ah talaga? Di mo ako niloko? Eh anong tawag mo sa ginawa mo noon? Nagjojoke ka lang ba? Nag lalaro ka lang ba? O baka naman marami talaga kami sa buhay mo. Di imposible kasi gwapo na ka naman at top agent pa. ",sabi ko at medyo namumuo na ang mga luha sa mata ko.
"Luna naman eh, eto na naman tayo"-Daniel
"Daniel hanggat di ko alam kung bakit mo ginawa sa akin yun, di ako matatahimik. Alam ko namang maraming kulang sa akin dahil siyempre, isa lang naman akong highschool student noon na anak ng may-ari ng cafe na lagi niyong tinatamabayan. ",at di ko na nga napigilan ang mga luha ko na isa-isa ng bumagsak. Ayokong mag mukhang desperada na ex sa harap niya, pero p*ta naman.
Pagkatapos niya akong pa andaran ng mga corny niyang linya, di niya man lang masagot ang mga tanong ko.
"Luna, hindi isang highschool student lang ang tingin ko sa'yo. "- Daniel
"Ano? Baby girl no. 3? No. 5 ?"
"Luna naman, ako nga dapat magalit dito eh. Nakipag hiwalay ka na lang sa akin ng di mo ko binibigyan ng pagkakataon na mag explain"-Daniel
"Aba! Ako pa talaga ang di nag bigay ng pagkakataon? Ang pag kakaalam ko kasi Mr. Kang, chinat pa nga kita pagkatapos ng pangayayri na yun at sinabihan pa kitang bibigyan kita ng chance na mag explain kung bakit mo yun nagawa. Sinabi ko pa nga na magkita tayo sa entrance ng mall 7PM at kung di ka interesado, okay lang. Memorize ko noh? Ikaw ba naman Daniel, 2 years mong titigan yung last message na sinend mo sa taong minahal mo ng sobra" ,gusto ko ng maglaho pag katapos nito.
"Wala naman akong natanggap na chat galing sa'yo, naghihintay nga ako na mag message ka sa akin pero wala" -Daniel
"Kung gusto mong mag palusot, humanap ka naman ng mas magandang rason"
"Di ako nagpalalusot"-Daniel
"DANIEL! KITANG-KITA KO. SINEEN MO! NAGHINTAY AKO DOON DANIEL KASI AKALA KO AKO ANG PIPILIIN MO KAYSA DOON SA IMPAKTANG YUN. AKALA KO MAG EEXPLAIN KA SA AKIN. AKALA KO MINAHAL MO AKO. AKALA KO LANG PALA YUN. NAABUTAN NA LANG AKO NG UMAGA DOON DANIEL PERO NI ANINO MO, DI KO NAKITA DOON!! "
At mas lumakas pa ang pag iyak ko.
"Wala talaga akong natanggap na chat,maniwala ka please"-Daniel at pinakita sa akin na ang huling chinat ko sa kaniya ay yung 'Sige baby, papunta na ako diyan' bago ko pa sila nahuli ni Sandra na mag kasama at may pa kiss pa sa cheeks.
Dapat kasi noong araw na yun, mag ce-celebrate kami ng 5th month namin. Pero tingnan mo nga naman ang tadhana. Pagdating na pagdating ko, yun agad ang nasaksihan ko.
Pinakita ko naman ang huling message na sinend ko sa kaniya ,yung magkita kami sa Mall. Pinakita ko pa nga na sineen niya.
Pareha kaming gulat. Pero bigla na lang akong napa upo sa sahig habang umiiyak ng malakas.
Isa lang pala tong malaking misunderstanding. Nasalba pa sana namin ang relasyon namin dati. Di sana kami naghirap ng 2 taon.
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD)
NouvellesFixing a broken heart is not easy. But I will always find a way ,para sayo. -Agent Kang Daniel Series no. 1 #970 -short story Date started: April 13,2018 Date ended:
