Chapter 13 •

14 4 0
                                    


Luna's P. O. V.

Nagising ako ng may naramdaman akong malambot sa noo ko. Idinilat ko ang mata ko at nakita si Daniel, kahit medyo malabo ay alam kong siya yun. Hinalikan niya ba ang noo ko? Aba! Chinachansingan ako, porket tulog.

Teka, bakit humuhikbi siya?  Umiiyak ba siya?

"Luna,gising ka na pala",sabi niya at medyo lumayo sa akin.

"A-ah oo, ano nga palang nangyari? "

"Nasobrahan ka sa pressure at stress. Alam mo na, di pwede sa'yo yun"-Daniel

"Ah ganun ba?"

A W K W A R D

"Eto may prutas nga pala dito, kain ka muna"-Daniel at binigyan ako ng apple.

Napangiti ako habang tinitingnan ang apple. May naalala lang ako.

Flashback

"Tara Niel oppa, doon tayo ",sabi ko sabay turo sa isang fruit stand.

"Ate, may grapes pa po ba kayo? "

"Wala na ija, pasensya ka na. Apple na lang."-Tindera

"Ah wag na po"

"Sige na, eto na lang ang bilhin mo"-Tindera

"Sige na nga po",sagot ko at bumili ng 2 apple.

"Eto sa'yo, eto akin",at ibinigay ang isa kay Niel oppa.

"Luna Baby, di ako kumakain niyan"-Daniel

"Ang arte mo po, akin na nga lang 'to",sabi ko sabay pout at walk out.

"Uy eto naman, sige na nga. Akin na yung isa"-Daniel habang humahabol sa akin.

                               🌙

"Masaya ka na?  Na ubos ko na yung akin. Yung sa'yo di pa nangangalahati"-Daniel

"Kasalanan ko bang malakas kang kumain? "

"Aba!"-Daniel at kiniliti ako.

"Ano papalag ka pa? "-Daniel

"Di na po Niel oppa"-sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Ang swerte ko sa'yo, mahal kita Luna, tandaan mo yan"-Daniel

"Swerte?  Anong swerte sa isang highschool student? "

"Di ka lang naman isang highschool student, ikaw si Luna na girlfriend ko. Mahal kita at wala ng iba. Pangako ko, pag nasa tamang edad ka na, papakasalan kita. "-Daniel habang isinisiksik sa daliri ko ang isang singsing.

"N-niel oppa, d-di mo naman kailangan bumili pa ng singsing"

"Kailangan, basta ikaw. Wag mo 'tong iwawala ah. Meron din ako niyan.",sabi niya at ipinakita ang singsing niya na katulad na katulad nung sa akin.

"Paano kung iiwan mo ako?  Di mo na matutupad yung pangako mo"

"Matutupad yun, saksi 'tong apple na kinakain mo sa pangako ko. "-Daniel at ngumiti ng malapad.

"Sige oppa, aasahan ko yan. Apple ko narinig mo yung sinabi ni Niel oppa ha?  Pag di niya yun tutuparin, bugbugin natin siya"

Flashback ends

"A-ah sorry, di mo pala gusto 'tong apple, grapes nga pala yung paborito mo"-Daniel

"Okay lang, may naalala lang kasi ak-..... Wala, wala yun",sabi ko ng ma realize kong muntik ko nang masabi yung tungkol sa pangako niya .

Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon