Daniel's P. O.V.Bakit ba ang cold niya sa akin? Di naman siya ganyan dati ah, sobrang ingay niya pa nga. Siguro nga nag bago siya dahil sakin. Pero teka, pano siya naging Agent?
Tinawagan ko si Jisung hyung para alamin kung bakit nag agent si Luna.
"Hyung"
"Oh choding bakit? "-Jisung
"Hyung pwede mo bang alamin kung bakit nag agent si Luna? "
"Choding baka malaman niya to ah at ako ang mapagalitan"-Jisung
"Di yan hyung, please naman"
"Sige na nga, kamusta diyan? Wala namang away? "-Jisung
"Ayun nag walk out kasi pinaalala ko na dati kinukulit niya pa ako na pumunta ng Paris"
"Mukhang mas mahirap pa nga yang sitwasyon niyo kesa sa misyon niyo"-Jisung
"Hyung,si Niel hyung ba yan? "-Daehwi
"oo Hwi"-Jisung
"Hyung!! Dalhan mo ako ng pasalubong lotion, shampoo, face cream, bod-.. "-Daehwi
"Sige na Niel bye muna,ang kukulit niyo talaga"-Jisung
Napangiti ako sa kakulitan ni Daehwi. Haaay~ mag titiis na lang muna ako sa ugali niya.
🌙
Luna's P.O.V.
Muntik na yun. Buti na lang magaling akong artista. Bakit niya pa ba pinaalala?! Nakakainis siya. Eto mag kasama nga kami sa Paris ngayon pero di naman mag ka sundo.
Naglakad lakad muna ako garden ng buong Hotel kasi ayaw ko pang makita siya. Sabi na eh, di ito magiging magandang ideya,ang pag samahin kami ulit.
Gabi na, at mukhang kailangan ko ng pumasok.
Pagpasok ko sa loob, wala akong nakitang Daniel. Pati ang ibang mga gamit niya, wala rin dito. Ah bahala siya. Malaki na siya, alam niya naman ang daan pauwi. Mag shoshower na lang muna ako.
Tapos na akong magshower at mag bihis. Matutulog na sana ako pero bakit wala siya? Saan ba siya pumunta? Chineck ko ang oras at nakitang 11:50 P.M. na.
Nasaan ba yung lalaking yun? Isa lang kaya tong kama dito sa Room kaya pag ako nakatulog, naku! Ewan ko kung saan siya matutulog, mahilig pa naman akong mag stretching kung tulog ako.
(12:10 P. M.)
Bweset! Ba't ko ba siya hinihintay? Gusto ko nang matulog.
Napalingon ako sa table na nasa gilid ng higaan at nakita ang isang papel.
Alam ko namang di ka komportable na katabi mo akong matulog kaya maghahanap na lang muna ako ng ibang hotel, puno na rin kasi tong Hotel na to.
-KDNIEl
Gago ba siya? Sa ganitong oras? May mahahanap pa ba siyang Hotel? Pano kung may masamang mangayari sa kaniya? Ayan kasi Luna, pabebe ka pa.
Bukas ko na lang to poproblemahin.
🌙
Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ng room ko.
Binuksan ko ito at nakita ang isang staff ng Hotel.
"Good morning po maam, pinapahatid po ito ng lalaki na nasa baba",sabi niya at sabay ipinasok ang mga pagkaing dala niya . Aba may pa bulaklak pa.
"Thank you",sabi ko.Pag katapos niyang ilatag ang lahat sa isang table ay umalis na siya.
Sino namang magbibigay ng ganito sa akin? Wala naman akong kakilala dito. Baka nagkamali lang sila.
Nilapitan ko ang bulaklak at nakakita ng isang note.
Delicious breakfast for a gorgeous lady.
Good morning Luna. Pagkatapos mong kumain,bumaba ka dito, may pupuntahan tayo.-KDNiel
Wow! May pabreakfast si Mayor! Ayoko tong kainan, baka may lason pa to.
Naligo na ako at nag bihis. Habang nag sususklay ako ay biglang tumunog ang tiyan ko. "Gutom na ako"
Napatingin sa breakfast na hinanda niya. Di naman siguro ako mamatay kung itry ko diba?
Alam niyo na kung anong nangyari, siyempre na ubos ko po lahat.
Bumaba na nga ako at tinanong ang receptionist kung nasaan ang lalaking nandito kanina. Sabi niya na sa garden daw kaya pumunta ako doon.
"Good morning Luna",bati niya sa akin. Ang cute niya talaga. Nawawala ang mga mata niya pag ngumingiti siya.
"So tara na? "-Daniel
"Saan tayo pupunta? "
"Sa misyon natin"-Daniel
"A-ah oo nga pala"
🌙
Sumakay kami sa sports car na binigay sa amin ng Agency. Siyempre, siya yung nag drive ako naman sa passenger seat.
"Nagustuhan mo ba ang breakfast? " ,tanong niya ng nakangiti habang nakatingin sa daan.
"Di mo naman kailangan gawin yun", sagot ko at nakita kong nawala ang mga ngiti niya. "Pero thank you, nagustuhan ko",bulong ko pero alam kong narinig niya kasi ngumiti ulit yung gago.
🌙
"Shhh dito muna tayo",bulong ko sa kaniya habang hawak hawak ang baril ko.
"Bakit ba? Pwede naman natin siyang sugurin agad para di na makawala! ",sigaw ni Daniel na halatang naiirita na.
Nandito kami ngayon sa isang madilim na sulok na kung saan nasa harap ito ng sinasabing bahay daw ng isang member ng Blood Moon.
"Ano ka ba Daniel! Di pa nga tayo sure kung member ba talaga siya, gusto mo bang makapatay ng Inosente? ",sigaw ko pabalik kasi naiirita na rin ako sa kaniya.
"Aish ako na nga ma una",sabi niya at gumulong papunta sa gilid ng bahay.
"Ayan na naman siya, gusto niya talaga siya ang nasususnod",bulong ko sa sarili ko.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Nang chineck namin ang bahay, walang tao.
"Bakit walang tao? "
"Baka umalis, yan kasi sabi ng dapat kanina pa para na abutan pa sana natin"-Daniel
Pigilan niyo ako, niinis na ako. May nakita akong matandang babae na nagwawalis sa labas ng bahay niya kaya nilapitan ko na at tinanong tungkol sa mga nakatira sa bahay na iyon.
"Daniel tara na, wala na daw tao diyan. Kahapon pa daw umalis. Oh diba, kung sumugod ka kanina mukha ka sanang engot! "
"Sorry na po boss"-Daniel
"Yan kasing problema sayo, palaging dapat gusto mong nasusunod"
"Yan ba ang dahilan kung bakit umayaw ka na sa akin 2 years ago? "-Daniel
Napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
"Alam nating dalawa Daniel kung bakit na ako umayaw sa'yo 2 years ago",sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD)
Short StoryFixing a broken heart is not easy. But I will always find a way ,para sayo. -Agent Kang Daniel Series no. 1 #970 -short story Date started: April 13,2018 Date ended: