Chapter 3

35 4 0
                                        


Luna's P.O.V.

"Agent Leo nahatid niyo na ba ang president sa airport? ",tanong ni Mr. Seo na katawag ko ngayon.

"Yes sir, maayos naman po ang visit nila at walang mga sudden attacks "

"Mabuti naman, pakatapos niyo diyan ay dumiretso kayo sa HQ ng produce 101"-Mr. Seo

"Bakit po? "

"Doon ko na lang ipapaliwanag"-Mr. Seo

At yun na nga ang huling sinabi niya bago ako binabaan ng telepono.

"Kuya sabi ni Mr. Seo, diretso daw tayo sa HQ ng Produce 101".

"Sige ako na lang ang pupunta ipapahati-..." -Jin

"Kuya okay lang ako",sabi ko at hinaplos ang kamay niya . Pero ang totoo niyan, di talaga ako okay.

Di pa ako handa. Pero sige trabaho lang naman to eh, di dapat ma involve ang personal lives.

                                 🌙 

Nakarating na kami sa HQ ng Produce 101 at kasalukuyan na kaming nasa elevator papunta sa Head's Office. Sabi kasi ni Mr. Seo na doon daw kami magkita.

Dahan dahan akong kumatok. Pinihit naman ni kuya ang doorknob at pumasok habang ako naman, mukhang masusuka na sa nerbyos.

"Agent Leo, ano pa bang hinihintay mo?  Pasok na" -Mr. Seo

Bakit ang dami naman masyadong tao sa loob?  Teka sila ba yung wanna one? 

Napag desisyunan ko ng pumasok. Naglakad ako galing sa pinto papunta sa tabi ni kuya ng walang ibang tinitignan kundi si Miss Boa.

   
"Hi Agent Leo, nagkita na rin tayo sa wakas. By the way ,sila ang wanna one",pagpapakilala ni Miss Boa sa kanila .Tumayo silang lahat at nag bow. 

"Kung ang The Zodiacs mayroong Agent Leo, dito sa Produce 101 mayroon naman kaming Agent Daniel"-Miss Boa

Dahan dahang tumayo ang lalaking nasa harap ko ng hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

"H-hi I'm A-agent D-daniel" , wow! May pa utal effect pa siyang nalalaman.

"What's wrong Daniel?  Bakit bigla kang nauutal?  Nahihiya ka ba?  Naku mas mabuti pang kalimutan mo muna yang hiya na yan kasi magiging partners kayo sa misyon na to"-Miss Boa.

Lumaki bigla ang mata ko na para bang kitang kita ko na lahat sa paligid ko.  Ano daw?  Partners?  Jusko naman!  Ayoko pa pong mamatay.

Mukhang napansin ni Kuya na medyo nagpapanic ako kaya hinaplos niya ang likod ko. "Ako na lang po ang papalit kay Luna"-Jin

"Luna?  Teka diba siya yung ex ni-"-Daehwi

"Shh daehwi"-Jisung

"O to the M to the G ,I'm shipping this"-Daehwi

Rinig kong bulong bulongan ng mga ka member nya. So alam pala nila. Kilala nila pala ako. Tsss!  Baka naman ako ang nagmukhang kontrabida sa version niya sa mga kaibigan niya. Haay ano pa nga bang aasahan ko?  After all manloloko naman talaga yang Daniel na yan.

"Jin, alam naming nag aalala ka sa kapatid mo kasi medyo delikado nga itong misyon na ito pero wag kang magalala, nandiyan naman si Daniel"-Mr Seo.

Dahil sa sinabi ni Mr. Seo ay bigla nalang naging awkward ang atmosphere.

"So I suggest, wag na kayong mahiya sa isa't isa"-Mr. Seo

"So eto nga pala ang misyon niyo, nalaman naming ang Blood moon na tinutukoy ng mga batang nahuli namin ay isang international crime group na nagnanakaw ng mga porsyento sa overall income ng isang Bansa. At dahil dito, humingi ng tulong ang ating presidente na maibalik ang porsyentong nawala sa ating bansa. Malaki laki rin yon.  At tiyaka, gusto rin naming matuntun niyo ang HQ ng Blood Moon na ito dahil matagal na silang pinaghahanap ng  Peace Agency "-Miss Boa

"Ano po yung Peace Agency? " -Jin

"Peace Agency ay parang isang malaking agency na parehas nung sa atin , tulad natin mayroon din silang mga agents ,hackers at iba pa. Sila ang humuhuli sa mga taong di kayang mahuli ng mga pulis"-Miss Boa

"Ang plano namin ay,lilipad kayo ni Daniel sa Paris dahil may nakuha kaming info na may member daw ng Blood Moon ang nakatira roon. Sa ngayon ito pa lang ang nakukuha namin"-Mr. Seo

"Kailan po ba? " ,tanong ko sa kanila kasi naku mas mabuti ng handa. Alam mo naman tong si Mr. Seo ang daming sorpresa kay-...

"Bukas"-Mr. Seo

Oh diba!  Sabi na eh! 

"Okay so, that's all ",sabi ni Miss Boa at tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

Naunang lumabas sila Mr. Seo, Miss Boa at kuya Jin. Ang ibang members ng Wanna one ay nag sitayuan na rin at akmang lalabas na.

Lalabas na rin sana ako ng may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko.

"Luna", mahinang sambit niya.

"Yes?  Agent Daniel? " , sagot ko habang pinipigilan ang sarili kong yakapin siya.  Magsisinungaling nga naman ako kung sasabihin kong di ko siya na miss. Pero bigla na lang pumapasaok sa isip ko ang ginawa niya sa akin.

"I-I'm sorry" , naluluhang sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Past na yun, and let's be professional here. Wag nating dalhin ang private life natin, trabaho kung trabaho", sagot ko at tinanggal ang kamay niya .

Napalingon ako sa gilid at nakita ang 10 na members ng Wanna one na kanina pa nakatitig sa amin.

Nakakahiya naman to. Agad akong lumabas at hinanap si kuya Jin. Siya lang ang laging nakakaintindi sa akin.

"Kuya" ,tawag ko sa kaniya at agad siyang niyakap. At doon na lumabas lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Shhh tahan na, nandito lang si Kuya"-Jin

Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon