Luna's P. O. V.
"Good morning Miss, this way"Sinunod ko naman ang isang staff kasi sabi niya this way eh.
Ano ba tong pupuntahan namin? Bakit parang ang dilim naman ata, namumulubi ba sila sa kuryente dito?
Pagkatapos ay hinawi niya ang mga dahon at doon nakita ko ang isang table at dalawang upuan. Napapalibutang ng mga rose petals.
"Enjoy",yan ang huling sinabi niya at umalis na.
"Hi",halos makalbo ko na si Daniel nang bigla na lang siyang magsalita sa likuran ko.
"S-sorry, ikaw naman kasi ba't mo ako ginugulat?! "
"Oo nga pala, ayaw mo nang ginugulat. Naalala ko dati ng ginulat kita, nahulog ka tuloy sa hagdan"-Daniel habang tumatawa.
Natahimik naman ako.
At parang napansin niya iyon kaya tumahimik din siya. Awkward. •_•
"Sorry, di ko sinasadya"-Daniel
Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Kain na tayo"-Daniel
Hinila niya ang isang upuan at pina upo ako doon at siya naman sa katapat ng inu-upuan ko.
Tahimik kaming kumain kasi walang naglalakas loob na mag open ng topic.
Ano ba yan? Mapapanis naman ang laway ko nito. Oh ayan ah, alam niyo na ang mangayayri pag pinag upsapan niyo ng ex niyo ang past niyo.
Nagulat ako ng biglang umubo si Daniel. Di yung ubo na gusto lang kumuha ng atensyon, kundi yung ubo na ubo talaga.
Agad akong kumuha ng tubig at ipina inom iyon sa kaniya habang hinihimas ang likod niya.
"Caring ka parin hanggang ngayon"-Daniel.
Ano ba tong lalaking to? Ba't gustong gusto na maging awkward ang atmosphere?
Agad kong tinanggal ang kamay ko sa likod niya at lalabas na sana sa lugar na iyon ng mag salita siya.
"Namiss kita Luna"-Daniel
Dire-diretso ang lakad ko habang nagpipigil na ng luha ko. P*nyeta naman Daniel eh! Pinahihirapan mo ako eh! Akala ko dati naka move on na ako sa'yo pero mukhang..........................................di pa pala.
Dati, gusto kong maging agent kasi gusto kitang makita. Nalaman kong agent ka.Kaya pala minsan kapag nag dedate tayo, nagpapaalam ka sa akin na aalis ka muna kasi may emergency, yun pala pinapatawag ka kasi may misyon na ipapagawa sa'yo.
At di naman ako nabigo dahil nakita nga kita isang araw habang nag tetraining ka . Pumunta kasi ako sa Agency niyo noong araw na iyon on behalf of Mr. Seo to settle some things with Miss Boa.
Pawis na pawis ka at pagod na pagod pero nagtetraining ka pa rin. Gusto kitang lapitan pero mukhang may mas na una pa sa akin.
Yung babaeng naging dahilan ng paghihiwalay natin.
Nilapitan ka niya at pinunasan ang mga pawis mo. Pina inom ka pa nga niya ng tubig at minasahe pa. Siguro nga kaya mo ako iniwan kasi di ko magawa ang mga ganyang bagay sa'yo.
Ano nga ba naman ang silbi ng isang highschool student sa isang top Agent? Tanga ako kasi naniwala pa ako sa mga sinabi mong 'ikaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko, siyempre pagkatapos kay mama' .
Umalis ako sa Agency niyo noong araw na iyon habang umiiyak. Ano nga ba namang magagawa ko? Mahal pa rin kita Kang Daniel eh.
Pero ngayon, di na ako magpapaloko sa'yo.
Dumiretso ako sa hotel room namin at pinunasan ang mga luha ko. Oo namin, dito na naman siya natutulog kasi 'nagaalala' siyang ma ulit ang nangyari kahapon.
"ANO BA PARK JIHOON!! "
"WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SA'YO BABAE"
"TUMIGIL NGA KAYO, KANINA PA YAN AH"
Nakarinig ako ng sigawan sa katabing room namin. Akala ko ba bakante yun. Baka naman ngayon lang sila dumating.
Pero bakit parang pamilyar ata ang boses ng babae? Tiyaka ,Park Jihoon? Korean name yun ah. Baka galing din silang Korea.
Hindi ko na lang iyon inisip at inilabas ang laptop ko. Ina-analyze ko ang info tungkol doon sa Blood Moon.
🌙
Jihoon's P. O. V.
Nandito na kami sa hotel at pinili talaga namin ang room na katabi nila hyung buti nalang ay umalis na ang naka check in doon. For VIP pala ang floor na to kaya may garden at kahit isang room lang kasya na kaming lahat.
Madaming kama ,sapat lang sa aming walo. Habang ang kanila Niel hyung naman ay isa lang, pero malaki.
"Psst tara pakinggan natin kung ano nang ginagawa nilang dalawa",pag aaya ni Guanlin
"Oo nga tara, baka may ginawa ng masama yung kaibigan niyo sa bespren namin"-Kylie
"Hoy babae, may respeto si Niel Hyung sa mga babae at lalong lalo na kay Luna" ,sagot ko sa kaniya at tinarayan lang ako.
Eto kami ngayon, parang mga sira. Nakadikit sa pader habang pinakikinggan kung ano na ang nangyagari sa loob.
Pero mga hikbi lang ang narinig namin, sino kaya tong umiiyak?
Sa sobrang focus namin sa pakikinig, di ko namalayang ang lapit na ng mukha namin ni Kylie, konti na lang at-.........
"ANO BA PARK JIHOON!! "-Kylie
Sobrang likot kasi nitong si Seongwoo hyung, ayan natulak niya si Kylie sa akin at nag dugtong ang mga labi namin.Nagsimulang uminit ang pisngi naming dalawa.
"WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SA'YO BABAE"
"TUMIGIL NGA KAYO, KANINA PA YAN AH"-Jisung
"Sorry po",at talagang sabay pa kaming nag sorry.
Bigla na lang siyang naglakad palabas ng room. Aba! Nagpapahabol.
Haay oo na nga, hahabulin na. Lumabas na rin ako sa room at sinundan si Kylie.
"Yan tuloy, mukhang narinig na tayo ni Luna "-Guanlin
"Walang galang to,mag noona ka kay luna "-Jaehwan
"Anong noona? Eh magka edad lang po kami hyung"-Guanlin
"What?!? Ish thish for real? "-Jaehwan
"Tama nga si Guanlin, ka edad niya lang kami nila Luna at Kylie"-Ica
"So ibig sabihin, 5 years ang agwat ni Luna at Daniel? OH MY GOD "-Seongwoo
***************
Ayo😂 kung medyo naguguluhan pa po kayo sa edad nila, here.Luna-17 (turning 18 . Malapit na po,ilang araw na lang kaya abangan😂)
Daniel -23(alam kong di pa 23 si danik pero let's imagine lang po)
Jihoon- 19 (Plus one😂)
Kylie-18
Ica-18
Hyungwon - 20 (di ko talaga alam yung edas ni Hyungwon kaya gawa-gawa ko lang po yan😂)

BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD)
Historia CortaFixing a broken heart is not easy. But I will always find a way ,para sayo. -Agent Kang Daniel Series no. 1 #970 -short story Date started: April 13,2018 Date ended: