Chapter 6 •

29 4 0
                                    


Daniel's P.O.V.

"Alam nating dalawa Daniel kung bakit ko ginawa yun",sabi niya at tuluyan ng nag lakad papalayo.

"Luna te-.. ",naputol ang pagsasalita ko nang nag ring ang phone ko. Si Jisung hyung pala.

"Hello hyung",sabi ko na medyo naiirita. Bakit ba kasi ngayon pa tumawag?  Kailangan ko pang habulin si Luna.

"Oh bakit parang naiirita ka diyan?  Ipapaalala ko lang Niel ha, na ikaw ang may gusto nito. By the way alam ko na kung bakit nag agent si Luna"-Jisung

"Sorry po Hyung, bakit daw hyung? "

"Niel, diba kapatid niya yung Agent Virgo?  Noong grumaduate si Luna, dumiretso na siya sa The Zodiacs at tiyaka Niel, gusto ka talaga niyang makita. Nabalitaan niya kasing Agent ka din daw"-Jisung

"G-gusto niya akong m-makita? "

"Oo, yan ang lumabas sa research na ginawa ko"- Jisung

"Thank you talaga Hyung"

"Sige, kahit ano para sayo Niel. Bye ingat kayo diyan"-Jisung

"Opo hyung, bye "

Gusto niya akong makita? Akala ko ba galit siya sa akin? Teka oo nga pala, nasan na ang babaeng yon?

"Luna? Luna!! " ,nalibot ko na lahat ng sulok dito sa kalye na to pero di ko parin siya makita. Imposibleng makalayo siya, di naman to pamilyar sa kaniya.

"LUNA!! ",wala na akong paki alam kung marami ng tao ang nakatingin sa akin. Gusto ko lang siyang makita.

Namumuo na ang mga luha sa mata ko. Tinawagan ko si Minhyun Hyung

"Hyung",mahinang sambit ko kasi naiiyak na talaga ako.

"Oh Niel, anong nangyari? "

"H-hyung *hikbi* nawawala si Luna *hikbi* di ko siya mahanap"

"Shh tanan na Niel,wag kang magalala may GPS naman ang phone niya. Mahahanap din natin siya. Tawagan ka nalang namin kung may nakuha na kami"

"Sige Hyung",napa upo na lang ako sa gilid ng kalsada at ginulo ang buhok ko. Hindi pa rin ma awat ang pagpatak ng nga luha ko.

"Daniel!! Kang Daniel! ",agad akong tumayo at tumingin sa direksyon na iyon. Nakita ko siya, tumatakbo.

Bigla niya akong niyakap at umiyak ng malakas. Hinaplos ko naman ang likod niya.  Tiningnan ko naman ang ayos niya.

Ang kaninang long sleeves niya ay parang naging t-shirt na, halatang halata na pinunit. Ang dami niya ring galos at gasgas sa braso niya.

"Niel",tawag niya sa akin habang nakasubsub ang mukha niya sa dibdib ko.

"Shhh tahan na"

"Niel, m-muntik na nila a-akong ma-.... ",di niya na natuloy ang sinabi niya at niyakap ako ulit.

"Shhh nandito lang ako, wag ka ng matakot"

Di na ako magtatanong kung anong nangyari sa kaniya kasi alam kong na trauma siya. Kahit Agent tong si Luna, di naman natin maitatangging bata pa siya para harapin ang mapusok nating mundo. Tiyaka medyo nagulat rin ako ng tawagin niya akong Niel.

                                🌙

Nandito na kami ngayon sa Hotel na tinutuluyan niya.

"Uminom ka muna ng tubig",sabi ko at inabot sa kaniya ang isang cup ng tubig.

"Thank you"-Luna

Kanina pa siya tahimik at tulala. Mukhang kailangan niya muna ng space para makapag isip isip.

"Luna, aalis na ako. Kung may problema tawagan mo lang ako. Pupunta agad ako dito",pagpapaalam ko at lalabas na sana ng mag salita siya.

"Dito ka lang"-Luna

Totoo ba tong naririnig ko?  Gusto niya akong mag stay?

"Please Niel",matagal ko na ring di naririnig to sa kaniya. Simula nang mag break kami, di niya na ako tinatawag na Niel.

"Okay, sige matulog ka na. Nandito lang ako, magbabantay sayo"

"Niel, pwede mo ba akong tabihan? "-Luna

Si Luna ba talaga to?  Daniel mag papabebe ka pa ba?  Di na siyempre

Tinabihan ko nga siya at nagulat ako nang sumobsub ulit siya sa dibdib ko. Kaya nilagay ko na ang magkabilang braso ko sa katawan niya.

Namiss ko to.

Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon