Chapter 12 •

21 3 0
                                        


Daniel's P. O. V.

Kitang-kita ko kung paano nanghina ang tuhod ni Luna at tuluyang napa upo sa sahig.

Agad ko naman siyang nilapitan at hinimas ang likod niya. Di pa naman to pwedeng ma stress ng masyado.

"Bakit mo ba to ginagawa sa akin?  Sobrang sakit na please naman, ayoko na. Make it stop. MAKE IT STOP! ",sigaw niya at umiyak pa ng mas malakas.

Gusto ko siyang yakapin. Pero noong gagawin ko na, bigla na lang siyang tumayo.

"Bakit parang umiikot ang buong paligid? ",tanong niya 

Tumayo ako at tiningnan siya.

"Bakit parang umiikot ka daniel? "-Luna

"Di naman tayo umiikot ah",sagot ko sa kaniya.

"Nahihilo ako",at bigla na lang siyang nahimatay buti na lang at nasalo ko siya.

"Luna!  Luna Gising! ",sigaw ko pero di pa rin siya gumigising. Ano bang gagawin ko?  Di ko na alam!  Saan ako tatawag ng tulong? Tatawagan ko ba ang Agency?  O baka pwedeng manghingibng tulong sa hotel?  Or pwedeng sa-....

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Jisung hyung, Seongwoo hyung ,Jaehwan,Jihoon,Guanlin,isang lalaki na di ko kilala at dalawang babae.

"LUNA!  JUSKO! ",sigaw nung babaeng straight yung buhok at tumakbo papunta kay Luna.

"Ano bang ginawa mo sa Luna namin?!",sigaw naman nung isa na naka tirintas ang buhok.

"Sabi nang di to mapagkakatiwalaan eh! "

"Bitawan mo nga si Luna! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Ikaw naman lagi eh! "

"Tama na Ica, di rin naman niya maiintindihan",dinala nila si Luna sa kabilang kwarto sa tulong nung isang lalaki.

"Niel, as much as gusto ka naming ipagtanggol pero di namin magawa. Pagkatapos naming marinig lahat ng yun. Binigyan ka naman pala niya ng chance na mag explain. "-Jisung

"Oo nga and di ko rin gustong mag hiwalay ang OngNiel, pero rinig na rinig ko sa sigaw niya Niel na mahal na mahal ka niya"-Seongwoo

"Di naman siya magagalit sa'yo kung di ka niya mahal"-Jaehwan

"Bakit ba kasi di mo natanggap yung message niya hyung?  Eh sineen mo nga daw eh"-Jihoon

"Di ko rin alam",sagot ko habang nakatingin pa rin sa pinto kung saan kanina lang ,dumaan sila Luna.

"Sino bang kasama mo noong araw na yun hyung? "-Guanlin

"Si Sandra. Pagkatapos makita ni Luna ang lahat,gusto ko siyang habulin pero pinigilan ako ni Sandra. Sabi niya na hayaan ko lang daw muna siya, bukas okay na daw yun. "

"Uhm pinakialaman niya ba ang phone mo hyung? "-Guanlin

"Di ko alam Guanlin, nag coffee muna kasi kami sa isang cafe at naki cr na rin ako. Nilagay ko lang ang phone ko sa table "

"So yung babaitang yun ang kasama mo?  Habang ang girlfriend mo nag hihintay na pala sa'yo"-Jisung

"Saang cafe ba yan Hyung? "-Jihoon

"Doon sa Lilac cafe"

"Ayh alam ko to, kilala ko ang may ari nito"-Jihoon

"Anong gagawin niyo? "

"Secret,leave this to Detectives Lin lin and Winky"-Guanlin

"Siguraduhin niyo lang ni di kabulastugan yang gagawin niyo ah?"-Seongwoo

"opo hyung"-Jihoon/Guanlin

"Teka, di ka man lang nagulat na nandito kami? "-Jisung

"Paanong hindi? kung ang lakas ba naman ng boses nitong si Seongwoo kanina."

"Di ako yung sumigaw kanina "-Seongwoo

"Kita mo na, wala pa nga akong sinasabing yung sumigaw kanina ang tinutukoy ko"

"P*nyeta ka talaga Seongwoo! Ayan di na tuloy surprise.",sabi ni Jisung hyung at pinalo si Seongwoo.

"Tara icheck natin si Luna"-Jaehwan

                                🌙

"Okay na siya, na stress lang. Alam naman nating na prepressure na siya sa mga kailangan niyang gawin, dumagdag pa 'to. "-Kylie

Oo, kilala ko na sila ngayon. Yung nag salita kanina si Kylie, yung katabi niya naman si Ica. At yung lalaki si Hyungwon o mas kilala bilang Agent Taurus.

Hanggang ngayon, di pa rin gumigising si Luna.

"Alam mo to diba?  Na marami inaalala tapos dinagdagan mo pa. Noong di mo nga siya sinipot sa mall, halos mamatay na siya sa lamig kakaantay lang sayo sa labas ng mall"-Ica

Ayokong nasasaktan siya, ayokong nakikitang naghihirap siya. Pero ako pala ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at nahihirapan. Wala ka talagang kwenta Daniel.

Hinimas naman ni Seongwoo hyung ang likod ko kasi dahan-dahan,isa-isa ng tumulo ang luha ko habang naka tingin lang sa maamo niyang mukha.

"Kung alam lang namin na mangyayari to, pinigilan sana namin si Luna. "-Kylie

"Sorry", yun lang ang nasabi ko sa kabila ng lahat ng gusto kong sabibin.

"Mukha ba kaming naniniwala sa'yo Agent Daniel? "-Kylie

"Minsan mo na siyang niloko, mahirap ng mag tiwala ulit"- Ica at sabay silang lumabas ni Kylie.

"A girl like Luna? Niloko mo? Ang tindi mo bro"-Hyungwon sabay tapik sa balikat ko at sumunod kay Ica at Kylie.

"Gusto ko siyang yakapin hyung"

"Yakapin mo, di naman yan tatakbo. "-Jisung

"Natatakot ako na baka masaktan ko lang siya kung gagawin ko yun"

"Niel, naiintindihan ka namin.  Huwag kang matakot"-Jaehwan

"Huwag kang magalala hyung, magiimbestiga na kami"-Guanlin

"Salamat sa inyong lahat, dahil sa kabila ng mga narinig niyo kanina na pati ako ay di ko alam, di niyo parin ako iniwan"

"Huwag ng madrama Niel"-Seongwoo

Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon