Chapter 10 •

17 4 0
                                    


Daniel's P.O.V.

Eto ako ngayon, naka upo habang tinitingnan siyang maglakad papalayo sa akin.

Yumuko na lang ako at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mahal ko siya, mahal na mahal. At di ko na alam ang gagawin ko ngayong kinamumuhian niya na ako.

Naaalala ko pa dati, noong una ko siyang makita. Sobrang lapad ng mga ngiti niya, yung tipong abot tenga.

Flashback
(2 years ago)

"Tutal natapos na natin ang misyon natin, mag relax muna tayo"-Jisung

Nagsisigawan naman tong mga kasama ko sa tuwa. Syempre natuwa rin ako. Minsan lang kasi kami mag relax.

"So saan tayo? "-Sungwoon

"Tara, may alam akong Cafe malapit dito"-Jihoon

"Haay, Jihoon. Basta pagkain talaga alam na alam mo kung saan pupunta"-Seongwoo

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Seongwoo hyung .

Nakarating na nga kami sa Cafe na sinasabi ni Jihoon.

Maganda, kompotable ,wala masyadong tao at higit sa lahat ay-....

"Hi Ate Rea, asan po sila mom at dad? ",bati ng isang napaka cute na babaeng kakapasok lang.

Naka uniporme pa siya, halatang galing sa school.  Tinitingnan ko siya habang kinakausap niya ang babaeng nasa counter.

Yung ngiti niya, nakakahawa. Hindi ko na namalayang nakatingin na pala ako sa kaniya ng matagal.

"Sino ba tong tinitingnan ni Niel? ",bulong ni Minhyun hyung.

Agad ko namang ibinaling ang atensyon ko sa menu na nasa harap namin.

"Psst Niel, sino ba yung tinitingnan mo kanina?  Yung babae ba sa counter? "-Jisung

"Or yung babaeng kakapasok lang kanina? "-Woojin

"A-ano ba k-kayo, di ko naman type yung babae sa counter tiyaka yung babaeng kakapasok lang kanina, sobrang bata pa nun"

"Okay sabi mo eh",sabi ni Woojin na may halong panunukso.

Lumapit ang babaeng nasa counter at kinuha ang order namin.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakita ko si miss smile na may suot na apron at papunta siya sa table namin na may hawak na tray.

"Eto na po ang order niyo sir",sabi niya at inilapag sa mesa ang mga order namin. Hindi pa rin nawawala sa  labi niya ang mga matatamis niyang ngiti.

"Miss, meron ba kayong gamot dito? "-Woojin

"Bakit po sir? May nagkasakit po ba sa inyo? "-miss smile

"Oo eh, may kasama kami ditong di maawat ang tingin sa'yo. Mukhang kailangan talaga ng gamot"-Woojin

Bigla naman siyang napalingon sa gawi ko at yun ang first eye contact naming dalawa. Sobrang natameme ako at napako ako sa kinauupuan ko.

"Oy Niel, tinatanong ka",sabi ni Jisung hyung at tinapik ang balikat ko. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya na parang baliw.

Nakakahiya ka Niel, sobra.

"Uulitin ko po, may kailangan pa po ba kayo sir? "-Miss smile

"A-ah wala na",sagot ko at agad na isinubo ang pagkain na inorder namin.

Napasigaw ako sa sobrang init ng pancake. Pero mas nagulat ako ng may umabot sa akin ng tubig habang hinihimas ang likod ko.

Siya yun, si miss smile. Ang caring niya naman masyado kahit na di niya pa ako kilala.

Bakas sa mukha niya ang pagaalala. Ang cute.

"Okay na po ba kayo sir? "-Miss smile

Tumango na lang ako dahil di ko na magawang makapagsalita pa. Ang init naman kasi ng pancake na yun. Nasunog ata dila ko.

Bumalik na si Miss smile sa kitchen at agad namang akong tinukso ng buong Wanna one.

Si Woojin, nagkunwaring nabulunan at inabutan ni Jihoon ng tubig habang hinihimas ang likod niya.

"Okay lang po ba kayo sir? ",tanong ni jihoon kay woojin at talagang iniba niya pa ang boses niya para magmukhang pambabae.

"Eihhh!  Nakakadiri ka Jihoon! "-Jaehwan

At ayun nga, tapos na kaming kumain at magbayad  pero bigla nila akong tinulak sa counter kung nasaan siya.

"H-hi",bati ko na medyo nauutal pa.

"Hello po sir, ano pong kailangan niyo? "

"Ikaw",diretsong sagot ko sa tanong niya.

Nakita ko naman siyang namumula. Ang cute talaga.

"Okay lang ba kung hihingi ako ng number mo? Miss..... " ,sabi ko at tiningnan ang name tag niya bago itinuloy ang pagsasalita ko. "Luna? "

"Oh sure" ,sagot niya at binigyan ako ng papel na may number niya.

"Salamat dito Luna,I'll see you soon",sabi ko at kinindatan siya bago lumabas ng cafe.

"Ewww hyung ,di bagay sayo yung wink." -Jihoon

"Tumigil ka nga Jihoon, tara na mukhang nakapag relax na tayo "-Jisung

"Lalo na si Niel hyung oh, RELAX na RELAX ",panunukso ni Woojin.

"So hyung, ano dawng pangalan niya? "-Guanlin

"Secret "

"Aba! Marunong ka na ah. Wala na bang OngNiel ?"-Seongwoo

Napatawa nalang kaming lahat sa kadramahan ni hyung.

(end of flashback)

                                🌙

Kailan ko kaya ulit makikita ang mga ngiti niya? 

Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad papunta sa room namin. Ano ba yan ,nagiging iyakin ako pagdating sa kaniya.

Bakit ba ako umiiyak?  Kasalanan ko rin naman to eh. Kung sa simula pa lang, pinagtabuyan ko na si Sandra, hindi sana aabot sa ganitong punto.

Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon