Ica's P.O.V.
Nakarating na kami sa Paris at kasalukuyan kaming nasa Airport dala dala ang mga malalaki naming bagahe.
"Kylie, bakit pa kasi ako nakinig sayo na magdala ng maraming damit"
"Eh parang bakasyon na rin to, syempre mag bebeach tayo. Tiyaka ikaw lang bang naghihirap diyan, may dala din ako!"-Kylie
"Che! ",sabi ko at binilisan ang lakad kahit na halos madapa na ako sa kakadala ng mga malalaking bag na ito.
Nagulat ako nang may biglang kumuha ng malalaking bag na dala ko. Hyungwon, tsss! Ang epal talaga ng lalaking to.
"Ang babae, di dapat pinagdadala ng mga mabibigat na bagay",sabi ni Hyungwon habang nakatingin sa akin. At kumindat pa talaga ang gago.
"Ehem! So hindi pala ako babae noh? "-Kylie
Laugh trip tong babaeng to. Agad naman siyang tinulungan ni Hyungwon at dinala rin ang mga bag niya. Mukha na tuloy naming yaya si Hyungwon.
"Let's go!! "-Kylie
🌙
Jihoon's P. O. V.
"Hyung bili tayo ng pagkain~"
"Tumigil ka nga diyan Park Jihoon ang taba taba mo na"-Seongwoo
"Hmmp, di naman ah"
"Let's go!! ",rinig naming sigaw ng isang babae sa di naman masyadong kalayuan.
"Sila na yan Jisung Hyung"-Jaehwan
"Talaga? Sure ka? Baka mapahiya lang tayo Jaehwan ah, naku! Babatukan talaga kita"-Seongwoo
"Sila nga yan pramis po"-Jaehwan
"Tara puntahan natin"-Jisung
Naglakad kami papunta sa kanila at mukhang napansin naman nila kami.
"Jaehwan oppa, pinsan kong ugok"-Ica
"Wow! Ganda ng pam bungad mo sa akin insan ah"-Jaehwan
"PARK JIHOON?!!!?",sigaw ni Kylie. W-wait! kylie? As in Kylie Abegail Byun?!
"HOY GAGO BA'T KA NANDITO?!? ",sigaw niya.
"PWEDE BA? DI MO NAMAN KAILANGANG SUMIGAW! "
"Teka, bakit niyo kilala ang isa't isa? "-Ica
"Oo nga"-Guanlin
"Huwang niyong sabihing may past din kayo tulad nila Luna at Daniel? "-Seongwoo
"Eh kasi bes! Diba si mama, atat na ipa date ako sa isang lalaki? "-Kylie
"Oo, tapos? "-Ica
"Eh kasi siy-.... "-Kylie
"Ako yung pinapadate ng mommy niya sa kaniya. "
"May sinabi ba akong sumagot ka?"-Kylie
"So nag date nga kayo? May past pala talaga"-Jaehwan
"Hindi, di ako pumayag kasi alam ko yang style ni Mommy. Tapos ng date ,diretso na yan sa pag manage ng kasal alam mo na mga business partnership "-Kylie
"Yeah, pinipilit nga rin ako ni mommy na idate yang babaeng yan pero di rin ako pumayag noh! Ano siya hilo? Ang swerte niya naman sa akin"
"Yabang mo Alien"-Kylie
"Aba! Ikaw tong mukhang alien"
"Tama na yan! Pero teka ,paano niyo naman nalaman na siya jihoon at siya si kylie? "-Jisung
"Pictures"-sabay naming sagot ni Kylie.
Nang ma realize namin ang nangyari ay agad naming sinamaan ng tingin ang isa't isa.
"Wag ka ngang gaya gaya babae"
"Nahiya naman ako sa originality mo Park Jihoon"-Kylie sabay taray.
"Magiging ganito ba ang buong bakasyon natin? "-Guanlin
🌙
Luna's P.O.V.
Nagising ako dahil sa isang mahinang hilik. Lul! Nanaginip pa ba ako? Di naman ako humihilik ah.
Tatayo na sana ako ng ma realize kong may naka yakap sa akin. Agad akong napatayo at tinulak ang kung sino mang yumakap sa akin.
"Aray~",sinilip ko ang ibaba ng kama ko at nakita si Daniel na napapikit sa sakit. Daniel?!! Bakit siya nandito?
"Good morning ",sabi niya sabay tayo at kusot sa mata niya. Ang hot ng boses niya kapag bagong gising. Teka,ano ba tong iniisip ko?
"Morning",matipid na sagot ko at dumiretso sa C. R.
Wahhh!! Di ko kinaya yun. Ang hot. Nagpipigil lang ako ng tili dito. Napatigil ako ng may kumatok sa pintuan ng C.R.
"Luna? "-Daniel
"Ano bang kailangan mo Niel? ",nagulat ako sa pangalan na tinawag ko sa kaniya.
"Akala ko wala ka lang sa sarili mo kagabi kaya mo ako natawag na Niel. Pero ngayon -..."-Daniel
Di ko na siya pinatapos at agad na lumabas sa C.R.
Dire diretso akong naglakad papuntang garden ng Hotel.
Haay~ sobrang nakakarelax dito. Ang presko ng hangin at ang ganda ng view. Ilang minuto rin akong nag relax sa garden.
"Miss, baba na daw po kayo sabi ng boyfriend niyo. Ready na po ang breakfast ",sabi sa akin ng isang staff sa hotel na siya ring nag hatid sa akin ng breakfast kahapon.
"Boyfriend? Ayh ate baka nagkakamali po kayo ng tinawag, wala po akong boyfriend "
"Diba ikaw si Luna Kim? "-Staff
Tumango ako.
"Pinapababa na nga po kayo ng boyfriend niyo, si Mr. Daniel Kang"-Staff
Ano!?! Gageu. Sinong nag sabi sa kaniyang boypren ko yun? Ex ko yun ateeeeee jusko. Ex po di boypren.
"A-ah di ko yun boyfriend ",sagot ko habang kinakamot ang ulo ko.
"Huwag na po kayong mahiya Miss. Gwapo naman po ang boyfriend niyo eh"-Staff
Wow! Ang kuliiiit. Sabi ng di nga eh.
"Sige sige, bababa na ako pagkatapos kong maligo"
Di na ako nakipag away, di rin naman siya maniniwala kung sasabihin kong yung "gwapong" lalaki na sinasabi niya eh manloloko. Tss!
Bumalik na ako sa room ko at naligo.
~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Kang Daniel (ON HOLD)
ContoFixing a broken heart is not easy. But I will always find a way ,para sayo. -Agent Kang Daniel Series no. 1 #970 -short story Date started: April 13,2018 Date ended:
