[ 3 ]

332 7 1
                                    

"Let us all welcome, The Governer and His Family!" bagot na bagot akong nakaupo at pumapalakpak habang nakatingin sa may stage.




May pa welcome back ang pamilya nila Jaxzien dahil ang daddy nya ang nanalo ngayong governor sa lugar namin. At dahil alas tres palang ng hapon, sobrang init talaga. Nandito pa kami sa open field naka pwesto at kahit may bubong pero transparent naman ito, malamang ay damang dama namin ang init sa aming mga balat.




Kaya kong kumalma pero sa pagkakataong ito nagiinit na talaga ang ulo ko. Iritado akong tumayo at umalis sa pwesto ko. Naramdaman ko kung paano ako sundan ng tingin ni Jaxzien kahit pa sya ay nasa stage at nakikipag kamay sa mga teachers doon at abala.




Malay ko din sa school kung bakit may paganito pa eh. Kainis. Nagdire-diretso akong lakad hanggang sa marating ko ang cafeteria. Pumasok ako sa loob at humanap ng mauupuan. Umupo lang ako sa may malapit sa pintuan para kapag natapos na ang kaartehan ng school ay makalabas na ako agad.



Tinext ko si Misha.

To Mishatot:
    Nasa may cafeteria ako. Puntahan nyo nalang ako dito, ayt? Malapit lang naman ako sa may pintuan kaya makikita nyo agad ang Ravishing beauty ko, kuno. 🙄



Pinindot ko ang send at inilagay na ang phone sa bag ko. Tumunganga lang ako sa loob ng. cafeteria at inililibot ko lang naman ang paningin ko. Tumingin ako sa labas at napa dako ang paningin ko sa may stage. Nakita ko kung paano ako tingnan ni Jaxzien na nasa stage at nakaupo sa upuan na nandoon at katabi ang kanyang Ina.




Umiwas naman ako ng tingin pagkatapos ay maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Misha kasama si Zanea.




Lumapit silang dalawa saakin at umupo sa may unahan ko, "Ahhh finally! Hindi na mainit!" ibinagsak ni Zanea ang likod nya sa may sandalan ng upuan.



"Parang masusunog na balat ko don! Putcha." angal naman ni Misha. Napailing nalang ako at isinandig ang ulo ko sa may glass wall. Pinaglaruan ko ang dulo ng buhok ko tapos ay tinatap sa lamesa ang aking isang kamay.




"Hindi namin alam kung good mood ka o bad mood o kung ano eh" maarteng sabi ni Zanea. Sinulyapan ko sya at nginisian.





"Both" saad ko tsaka ipinikit ang aking mata. Ang saya saya makipag plastikan kay Jaxzien. Sa sobrang saya ang sarap manapak. Hindi kasi kami okay nyan, paano kasi, ah basta nagaway kami nyan, peste.




"Palibhasa mag kaaway sila ng jowaers nya" idinilat ko ang mata ko para makita ko ang mukha ni Misha. Tama ang hinala ko dahil naka ngisi sya habang sinabi ito. Langhiya.





"Kung manahimik ka nalang kaya? Darn! Youre so noisy! Psh." nadinig ko ang pagtawa ng dalawa.




"Kalmado nga ang mukha. Naguumapaw naman sa init ang ulo. Saan ka pa?! Serenity and Chaos all in one!" Tuluyan ko ng idinilat ang mata ko at sinamaan sila ng tingin.





"Mga peste." tumayo ako at sinukbit ko sa balikat ko ang bag tsaka sila nilayasan doon.




Kaya ganoon nalang ang kaayaw ko na sabihin nula saakin yang Ravishing Serenity na yan dahil alam ko sa sarili ko na, okay fine maganda ako pero hindi naman ako ganoon kaganda okay?! Anong kinagandang sobra nang isang babaeng may itim at mahabang buhok na parang kumikintab at sa tuwing hinahampas ng hangin ay para bang may sarili itong rhythmo dahil para itong sumasayaw sa hangin.




Ravishing Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon