[ 7 ]

183 7 0
                                    

"Ataxia Sungit! Gumising ka na dyan dahil may mga padala para sayo. Dalian mo!" agad akong napabangon dahil sa sinabi ni Kuya. Nadinig ko nalang na sumarado ang pintuan kaya agad agad akong tumayo at nagtungo sa CR para maghilamos at magtooth brush. Mabilisan lang din ang pagligo ko.






Hindi ko muna sinuklay ang buhok ko at hinayaan nalang itong naka bun pero walang tali. Nagsuot lang ako ng v neck t-shirt na color gray at shorts na denim bago ako kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.






Lumapit ako kay Dad, dahil sya lang naman ang una kong nakita pagkababa ko ng hagdan, hinalikan ko sya sa pisngi. "Hey Dad! Goodmorning"






"Goodmoring too, Princess. Looks like may padala sayo ang Ninong Kazimir mo." Wait... yung pinsan ni Tita Isla! Si Tito Ninong?!?! Agad akong kumaripas ng takbo papunta doon sa living room dahil doon naman lagi nilalagay ang mga box or kahit anong padala saamin.







Pagkadating ko doon ay nakakita ako ng tatlong regalong malalaki na korteng box. Agad akong pumwesto sa sofa at binuksan ito.





"Omygod!!!!!" napatili ako ng makitang kumpleto ang lahat ng make-up set ni Kylie Jenner! Oo nga at hindi ako mahilig sa make up-i mean hindi ako mahilig mag lagay ng make up- pero mahilig ako mangolekta nito kahit di naman ako ang laging gumagamit.








Sunod kong binuksan ay ang blue ang kulay ng wrapper na box. Pagkabukas ko nito ay agad bumungad saakin ang lahat Complete Book Series ng Game of Thrones, Harry Potter and even Twilight Saga! Naiiyak ako sa tuwa. Kasi naman mga paborito ko itong stories! Oh god.






Itinabi ko ito sa may gilid at sunod na binuksan ay ang may kulay pink na wrapper na box. Mas medyo maliit sya di katulad noong sa mga nauna. Binuksan ko ito at talagang naiyak na ako. A collection of my favorite perfume brand and may pirma pa ng paborito kong Victoria Secret Model! Para akong batang umiiyak at nagulat doon sila Daddy pero nang makita ang hawak hawak ko ay natawa nalang din sila.







Binato ako ni kuya ng panyo, "Stop crying like a kid. Mukha kang dugyot" iniangat ko ang tingin ko pero naka alis na sya. Niyakap ko yung mga pabango at kulang nalang ay halik halikan ko ang mga ito.








Panigurado ay ididisplay ko lang ang mga ito sa kwarto ko at hindi ko na naman magagamit. Paano naman kasi! Mga pabango 'to na galing sa paborito kong brand tapos... tapos... may pirma pa ng paborito kong Victoria Secret Model?!?! Sige nga paano kumalma!?!?!








Nagpatulong ako sa mga katulong namin nakakatapos ang ang day-off kaya nandito na sila ngayon. Tinulungan nila akong dalhin ang mga ito papunta sa kwarto ko. Nilapag nila ito sa may higaan at pagkatapos ay nagpasalamat ako bago sila tuluyang lumabas ng kwarto ko.






Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ninong Kazimir.


"Hello?"




"Tito Ninong!!! Omygod!!! Thank you so much!! Umiyak na ako kanina at naiiyak na naman ako ngayon! I just can't believe it!! That the famous Victoria Secret Model named Kahlia Haisley Sbarca did signed every perfume na binigay mo saakin! Omygod! Tito Ninong!!! Thank you so so so much!!! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya" nadinig ko ang malakas na pagtawa sa kabilang linya.






"Thanks to your Tito Dale. He's the reason kung bakit may pirma yang mga yan. And wait, did you see the note? I mean, i think its a letter. Ate Kahlia's letter for you."




Ravishing Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon