Nagising nalang ako na may nakabalot saaking kumot. Inilibot ko ang paningin ko at nagtaka kung paano ako nakarating dito sa kwarto ko kung nasa school ako nawalan ng malay? Pero ang tanong pa din dito ay sino ang naghatid saakin dito pauwi?
Possible na si Maki ang naghatid saakin pauwi kasi sya ang huli kong kasama. Tinry kong umupo at nagulat ako ng may gumalaw sa gilid ko. Agad akong napatingin doon.
"Gising ka na pala. Tawagin ko lang si Tita sa labas." si Maki ang nagsalita. Agad syang tumayo at naglakad papunta sa pintuan tapos ay lumabas. Mabilis lang naman syang nawala tapos ay bumalik din naman agad kasama na sila Mommy at sila Misha.
Halatang nagaalala sila saakin dahil halatang halata sa kanilang mga mata at kanilang mga mukha. Lumapit sila saakin at niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. Si Daddy ay nakatayo lang sa gilid ni Mommy at hawak hawak ang baba nya. Habang si Kuya naman ay nakatayo sa harap ng pintuan. Ang mga kaibigan ko naman ay nakatayo sa may likod gilid ni Mommy.
"Anong pakiramdam mo anak?" naiiyak sya. alam ko. Halatang halata sa kanyang mga mata.
"Ayos naman na ang pakiramdam ko Mom" nginitian ko sya at hinaplos nya ang aking mukha.
"Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" umiling lamang ako dahil iyon naman talaga ang katotohanan.
"Sigurado ka ba anak?" tumango ako sakanya.
"Ano na naman ba ang nangyari Mom?" nakita ko kung paano tingnan ni Mommy si Daddy.
"Ano anak... Nagpass out ka lang kanina anak. Sigurado ka bang ininom mo ang gamot na inireseta sayo at sinusunod mo ba kung ilang beses ito ititake kada araw?" tumango ako sakanya at huminga sya ng malalim.
"Kung ganoon ay baka nalipasan ka ng gutom kaya ka nagpass out. Sumakit ba ang ulo mo ng mawalan ka ng malay?" inalala ko ang nangyari at oo, sumakit ang ulo ko non bago ako mawalan ng malay.
"Sumakit ng kaunti ang ulo ko non bago ako tuluyang mawalan ng malay." pagsabi ko ng totoo kay Mommy. Mapait nya akong nginitian tapos ay hinalikan ang noo ko bago tumayo.
"Sige anak. Kakausapin lamang namin si Doctor Gotesco tapos ay pagbalik ko dito ay kakain ka na ng kanin okay? Isang oras ka lang naman nakatulog." ngumiti sya saaking muli bago lumabas ng kwarto ko.
Hindi naman nagpahuli ang mga kaibigan ko at kanya kanya silang upo sa palibot ng kama ko. "Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Kung hindi pa sumigaw si Maki kanina sa labas ng Students Council Room hindi pa namin malalaman kung ano ng nangyari sayo. Nag-alala kami ng bongga na naman. Kotang kota ka na ha! Hilig mo kaming pakabahin." hindi ko alam pero parang pumiyok si Ryanne habang sinasabi nya ito pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin.
"Sorry na. Napapadalas na nga din ang pag pass out ko at ang pagsakit ng ulo ko eh. Kaya nga parang hindi naman talaga umiepekto ang gamot para sa Migraine, kaya minsan di nyo ko masisisi kung ayaw ko yon inumin dahil parang halos araw araw na ding sumasakit ang ulo ko na para bang binibiyak." nagkatinginan sila sandali tapos ay inirapan nila ako ng sabay sabay.
"Mas masakit kung wala kang ulo. Wag mo kasi masyadong istress ang brain cells mo kaya ka nagkakaganyan eh! Think less, live more! Ika ng ni Kathryn Bernardo sa Bio nya sa IG nya!" hindi ko alam kung nanggigil ba itong si Zaylee o talagang ganyan lang ang boses nya ngayon?
BINABASA MO ANG
Ravishing Serenity
Romance"It's all about yourself that matters the most. It's all about yourself. It's all about you." Copyright © 2019