[ 5 ]

269 7 0
                                    

Our supposed to be date turns out to be a double date. I wanna rip his ribs because of that. Paano kasi, kasama namin yung pinsan nya na babae, ka close ko naman pero ayaw ko kasi doon sa jowa non kasi mukhang manyakis na parang laging nakainom na ewan.






Okay lang sana kung yung pinsan nya kasama tapos bonding kaming tatlo kahit di na kami mag date ni Jaxzien. Ang kaso lang may sabit, at iyong tinutukoy ko na sabit? Yung jowa ng pinsan.





Nilapitan ko si Giana at hinila sya palayo sa jowa nyang mukhang, ugh! "Pwede bang layo ka muna sa jowa mo tapos bonding tayo?" hindi ko nalang sinabi na ayoko lang makita pagmumukha ng jowa nya.




Hindi naman ako mapanghusga sa kapwa, okay? Hindi ako pinalaki nila Mommy na ganon. Sadya lang kasi nagsasabi ako ng totoo. Ayoko na idescribe dahil jusmio, nangingilabot lang ako.





"Huh? Okay sige." nginitian nya ko kaya nakahinga ko ng maluwag. Buti nalang at sumang-ayon sya.





Naglakad sya palapit kela Jaxzien habang si Jaxzien ay nakakunot ang noo habang nakatingin saakin. Nagkibit balikat lang ako tapos ay mas lalong kumunot ang noo nya nang lumapit na saakin si Giana. Siguro ay ayaw nya pumayag pero wala naman syang magagawa.




Kinuha ko ang phone at tinext sya,


To My Jaxzien 💖:
Ayusin mo nga yang noo mo. Magbabonding lang kami ng pinsan mo, 'kay? Love you! 💓




Pagkatapos kong i-send ang text ko sakanya ay itinago ko na ang phone ko sa loob ng bag ko tsaka kami naglakad na papalayo ni Giana. Hindi ko na nilingon si Jaxzien dahil panigurado ay nabadtrip na naman ang isang iyon.





Susuyuin ko nalang yon kung mabadtrip man sya. Pero sigurado naman na hindi naman sya mababadtrip. Naramdaman kong may tumapik sa braso ko kaya napabaling ako sa side ko.




"Girl, punta tayo sa salon. Balak ko mag patrim ng hair eh" tumango tango nalang ako kay Giana. Agad kaming naglakad papunta sa David's Salon. Pagkapasok namin sa loob ay umupo ako doon sa may gilid.






Hanggang sa naisip ko na magpagupit ako at magpakulay ng hair. Kaya naman umupo ako don sa tabi nyang upuan at sinabihan ko yung magaassist saakin na magpapa gupit ako ng hair. Short hair tapos papalagyan ko ng highlights na color brown.





Pinagupitan ko lang naman ang buhok ko hanggang sa balikat at sinimulan na nilang kulayan ang hair ko. Inabot kami ng halos dalawa't kalahating oras pero worth it naman. Nagbayad na ako at sumulyap ako sa labas ng salon dahil sabi ko antayin nalang ako ni Giana sa labas.





Pagkalabas ko ay tinawag ko sya, "Let's go. Next stop natin ay sa Forever 21" sinabi ko sakanya 'to habang nagkakalikot ng bag ko kaya hindi ko nakita ang reakstob nya.





Nagulat ako ng hawakan nya ang mukha ko, "OMYGOD?!?! ANG GANDA MO?!?! HOY?!?!" natawa ako sa reaksyon nya at tinanggal ang kamay nya sa mukha ko.






"Thank you?? hahaha tara na nga!" hinila ko sya papunta sa Forever 21.





Pagpunta namin doon ay kung ano ano ang pinagbibigay at pinapasukat nya saaking damit. Jusko. Wala akong nagawa kundi kuhanin ang mga iyon at bitbitin. Bagay naman din kasi saakin, kaya naman binili ko nalang din. Sayang din ang effort nya sa pagpili nito kapag nagkataon. Pagkatapos namin magbayad ay biglang nagbeep ang phone ko.





Binasa ko ang message habang naglalakad kami,


From My Jaxzien 💖:
   Nasa Bonchon kami. Dito nalang kayo kumain at utang na loob babe ilayo mo ko dito sa lalaki na 'to. Bakit mo ba ko iniwan dito? 🙂


Ravishing Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon