After a few weeks, nalaman ko nalang na may court trial na. Wala eh, dinala na sa korte ang paghihiwalay ni Ate Zara at nang asawa nya kaya ilang araw na din saamin ang tatlong anak nya.
Nagaalala nga kaming lahat kasi bukod sa buntis si Ate Zara ay mahina ang kapit ng bata. These last few weeks, super stressed sya and all. Kaya pinapainom sya ni Tita Isla ng mga gamot na pangpakapit sa bata pero iinom nya lang ito thrice a week kasi baka maapektuhan daw ang bata pag labas.
Today is Wednesday. Nakatunganga kami ngayon at nakikinig sa physics teacher namin. "May naiintindihan ka ba, Ataxia?" nilingon ko ang si Ryanne at umiling.
Bumusangot sya at halos humiga na sa upuan nya. Para ngang malalaglag na ang pwet nya sa upuan eh. Sunod naman nagtanong saakin ay si Zanea. "May Vicks ka ba dyan? Lalagay ko lang sa gilid ng eyes ko. Inaantok na ako mare" kinalkal ko ang bag ko at tsaka dismayadong umiling sakanya.
"Ama namin sumalangit nawa talaga. Matutulog nalang muna ako. Sana di nya ako mahuli." at agad isinubsob ni Zanea ang mukha nya sa armchair nya.
Nagslouch ako at nakinig nalang sa teacher namin kahit miski ako ay inaantok na. Ilang beses nya din akong pina recite kanina dahil walang nagri recite kaya ako na naman ang nakita. I dont have a choice but to answer all of his question.
He's the most terror teacher here in our school. Kaya ko syang paamuhin sabi nila, kahit sino naman daw kasi kaya kong paamuhin pero wala akong sa mood, ilang araw na para mag paamo ng mga lion at tigre na teachers dito sa school.
Kaya everytime na nagagalit ang teacher namin saamin, sa section namin. Nananahimik nalang ako at hindi umiimik. Miski titigan sila o ano hindi ko ginawa. Dahil hanggang ngayon di pa din ako pinapansin at kinakausap ng magaling kong boyfriend at kaninang umaga spotted sya sa may parking lot may kasamang hot chick na taga ABM Department at nagawa nya pang makipag ngitian don. Habang ang girlfriend nya ilang linggo nang hindi mapakali ang utak kakaisip kung ano ba talaga ang ginawa nito.
"Class Dismissed." agad na anunsyo ng teacher namin. Ginising ko na si Zanea at inayos na namin ang gamit namin.
"Ms. Zanea Margot Garner, You're going to come with me in my office. We'll talk about your behavior these past few days in my class. Stand up and bring your things. By the way, Ms. Zaylee Mindy Garner, i would like to tell you that , please, bring your parents tomorrow. I need to talk to them about your grades this semester. Ms. Zanea, let's go." inambahan na babatuhin ni Zanea ng libro ang teacher namin sa Physics. Nagdadabog sya habang nagaayos ng gamit. Napailing na lamang ako at tsaka naunang tumayo.
"Mauna ka nalang umuwi kambal. Si panot kasi daming alam eh. Napaka epal sa bohai estudyante ko! nako talaga! yang panot na yan, may kalalagyan yan saakin!" inis na sabi ni Zanea habang nagdadabog na inilalagay sa bag nya ang mga gamit nya. Tumayo na din sya at tumayo na din sila Ryanne.
"Ipapasundo nalang kita mamaya kay Kuya Zachary. He's home naman eh and he's not busy too. Goodluck sayo kambal. Sana di ka parusahan ni Panotchi" inirapan ni Zanea ang kakambal nya bago makipag beso beso saamin at nauna nang maglakad palabas ng kwarto.
"Hey, Ataxia.... you okay?" nginitian ko si Misha at tsaka tumango.
"I'm fine. Just that.. masakit lang ang ulo ko." agad napahinto si Zaylee sa ginagawa nya.
"Kung masakit ulo mo wag ka na muna umattend sa Students Council Meeting. Baka mapano ka pa nyan eh. Wala ding susundo sayo ngayon! Wala ang Mommy mo dahil nasa States. Si Tito naman magistay yon sa company nila. While your kuya, nasa Thailand para sa OJT nya." iwinagayway ko ang kamay ko sa ere at matamis na ngumiti sakanya.
BINABASA MO ANG
Ravishing Serenity
Romance"It's all about yourself that matters the most. It's all about yourself. It's all about you." Copyright © 2019