"Ang kailangan nalang natin ay mga plastic bottles at mga newspapers and yung mga yarns. That's all?" nililinaw ko lang sakanila yung mga kulang pa. Kasi yung ibang kailangan ay nahanap namin sa tambakan ng gamit dito sa schools and syempre madaming papers na hindi na kailangan at yung mga testpapers ng mga estudyante na itatapon na nila ay kinuha namin at irirecycle.
"Kailangan natin ng mga karton din para maging suporta sa mga papel. Kasi kapag nabasa sila ng paint panigurado, malaki ang posibilidad na mapunit yung mga yon." tumango tango ako at inilista ang kailangan pa.
"Kailan ba ang opening ng Strand Month? May oras pa naman para maghanda ang kada Department diba?" may binuklat si Maria. Ang secretary namin.
"Next next week ang opening para sa Strand Month. Pero gigrade-dan ang mga designs sa kada building next week. Aabot kaya tayo? Ilang floors din eh. Ang lalawak pa ng mga hallways." bumusangot si Maria at umiling iling ako ng aking ulo. Hinampas ko ang mesa kaya lahat sila ay gulat na napatingin saakin.
"Guys! Listen! Keep your chill and concentrate! Think positive! Wag kayong nega! Kaya natin 'to at aabot tayo! Alam ko naman nakasalalay dito ang grades natin at ito na ang magsisilbi nating ojt dahil karamihan sa mga estudyante ay masyadong walang confidence at panigurado ay marami ang babagsak sa ojt. Kaya hiling ko sainyo, please, concentrate and dont pressure yourselves. Kaya natin 'to basta magtutulong tulong tayo. Okay?" nginitian ko sila. Nagaalinlangan pa silang tumango pero sumigaw din naman sila ng 'okay' pagkatapos.
"Ganito nalang, imanage natin ang time at ang gagawin natin. Bukas ay wala naman ng mga lessons kaya nakakabwelo tayo sa pag gawa. Wag nyong sundin yung mga sinabi nilang, yung mga inassign lang kada classrooms na mga estudyante ang tutulong saatin. Lahat tayo magtutulong tulungan. Bigyan ng gawain ang kada kaklase ninyo dahil ganoon din ang gagawin ko sa mga kaklase ko. Bawat estudyante sa STEM ay tutulong satin. Kung hindi naman kakayanin, hatiin ang estudyante sa kada section para yung ibang kalahati ang magasikaso sa kanya kanyang booth. Makakaya naman natin 'to kung may cooperation at time management. Yan ang pinaka importante. And for sure malaki ang expectations saating mga STEM, lagi naman hindi ba? Kasi nga STEM tayo. Mga matatalino at disiplinado. Pero hindi naman nila alam na hindi lahat ay matatalino kundi karamihan ay mga sipag at tyaga lang." nagthumbs up silang lahat kaya natawa ako. Dahil totoo naman talaga. Lagi nilang sinasabi na ang mga STEM ay matatalino. Peeo ang totoo, hindi naman lahat matatalino, oo mayroong mga matatalino pero ang majority talaga ay mga masisipag at matatyaga. Pero hindi sila naniniwala don at wala naman na kaming magagawa kung ganoon ang paniniwala ng ibang tao saamin.
Ang kaso lang saamin ay yung ang tataas ng expectation nila at kapag hindi namin iyon na meet, wala, parang isa kaming napakalaking disappointment sa buong university. Nakakainis talaga yung ganong mindset peeo yun nga, wala ngang magagawa. We cannot please everybody, ika nga nila.
"Bukas dadalhin ko itong mga kakailanganin. Magpaalam na din kayo sa mga magulang nyo na kung pwede ay magoovertime tayo dito sa school dahil dito nakasasalalay ang grades natin at ang graduation natin. Take note guys, cooperation at time management, yan ang pinaka importante para mapagtagumpayan mo ang isang bagay na gusto mong makamit. Sige na at yung ibang gusto nang umuwi, may mga strict ang parents, di kaya malalayo pa ang bahay/tinitirhan at yung may mga jowa na dyan sa labas ng room o sa labas ng school nagiintay, sige na umuwi na kayo. Bukas nalang kayo bumwelo sa pagtulong dito." nagpakiramdaman pa yata sila bago isa isang tumayo. Natawa ako ng nagaalinlangan pa silang magpaalam saakin.
BINABASA MO ANG
Ravishing Serenity
Romance"It's all about yourself that matters the most. It's all about yourself. It's all about you." Copyright © 2019