Hindi pa man sumisikat ang bukang liwayway ay nakahanda na ang mga bagahe ko para sa pagalis ko. Kailangan ko talagang gawin 'to para sa sarili ko. Para mas lalo ko pang maintindihan ang sarili ko. Baka sakaling pag umalis ako mag isa at magliwaliw mag isa ay mas lalo ko pang maintindihan ang sarili ko at maaaring matutunan ko na ding mahalin ang sarili ko.
Pagkatapos ko magsulat ng letter ay inipit ko ito sa may vanity mirror ko. Maingat akong naglakad, dala dala ang maleta ko papalabas ng aking kwarto. Lumingon lingon pa ako at sinuri ko ang paligid kung may tao ba. Nang nasigurado kong wala ngang mga tao ay agad akong naglakad pababa ng hagdan. Mabilis kong nilakad papunta sa main door ng bahay.
Maingat kong iniikot ang door knob at maingat kong binuksan ang pintuan para hindi makagawang kahit anong ingay. Nang mabuksan ko na ito ng tuluyan, lumabas na ako at nagtatakbo bitbit ang maleta ko papunta sa garahe.
Mabilis kong ipinasok ang aking maleta sa loob ng kotse. Umikot ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Inistart ko ang engine at tuluyan ng pinaandar ang kotse ko papalayo.
Habang nagdadrive ako, ang tanging nasa isip ko lamang ay, sana, sana maging maganda ang kalalabasan ng gagawin kong ito. Sana mas lalo ko nang makilala ang sarili ko. Sana matutuhan ko ng mahalin ang sarili ko, dahil ito ang kulang saakin. Sana... sana matanggap ko na ang totoong ako. Kung sino talaga ako. at Sana matutuhan ko na din na makuntento sa sarili ko at mga kaya kong gawin.
Sana din pagbalik ko sa pamilya ko ay tuluyan na sanang nasagot lahat ng bakit sa sarili ko. Lahat ng aking katanungan. Sana mas lalo na akong malinawan tungkol sa mga bagay bagay, lalong lalo na tungkol sa sarili ko.
Dumaan ako sa express way papuntang Baguio. Mas gugustuhin kong pumunta doon dahil maraming mga pwedeng puntahang nakaka relax na lugar doon. Mabuti na lamang at marunong ako mag off ng GPS kung sakaling itry man nilang sundan ako.
Inabot ako ng ilang oras sa pagdadrive hanggang sa may nadaanan akong isang mini store. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa may gilid at bumba. Kinuha ko ang pera at ang phone ko. Nilock ko ang door ng sasakyan ko, dinoble check ko pa ito kung nakalock bago ako tuluyang pumasok sa loob ng store.
Kumuha ako ng small yellow basket at nagtungo sa snacks section. Kung ano ano lang ang mga pinagkukuha ko, pero majority puro instant noodles at mga instant na pagkain ang binili ko. Bumili din ako ng ilang galloon ng ice cream pati na din ng tubig.
Nagbayad na ako sa counter at napatitig saakin ang kahero, "Ang ganda nyo naman ho ma'am.... Para kayong hulog ng langit.... Nawala lahat ng kabadtripan ko don sa isang customer ng kayo na yung pumalit...." nalukot ang aking mukha at hindi nalang sya pinansin.
Nilagay ko nalang sa harapan nya ang mga pinamili ko. Siguro ay napansin nyang wala akong pakialam sa sinabi nya ay agad na nyang inasikaso ang mga pinamili ko.
"1,200 ho lahat ma'am" halatang halata sa boses nya na nanlalandi sya. Napairap ako at kumuha nalang ng pera sa wallet ko. Inabutan ko sya ng 2,00 at kinuha na ng mga pinamili ko.
Kahit madami ang pinamili ko ay kaya ko naman itong bitbitin. "Ma'am! Yung sukli nyo!" sigaw nya pero hindi na ako nagabala pang lumingon. Bagkus ay sumigaw nalang ako pabalik.
"Keep the change, flirt!" pagkatapos ay lumabas na ako ng store at nilagay sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ko. Pumasok na ako ulit sa sasakyan at naupo na sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Ravishing Serenity
Romance"It's all about yourself that matters the most. It's all about yourself. It's all about you." Copyright © 2019