Ilang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang mga sagot sa aking katananungan. Marahil ay nagagawa ko na ngang mahalin ang aking sarili at tanggapin ang totoong ako. Ngunit hindi pa din ito buo.
Huminga ako ng malalim at dinama ang hampas ng hangin. Nandito ako ngayon sa isang playground. Hindi ko alam kung saan itong parte pero dito pa din sya sa Baguio pero malayo sa Hotel na tinutuluyan ko.
Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng aking mga paa. Basta nagising nalang ako kanina at naglakad lakad tapos ay dinala dito. Siguro masyadong lumilipad ang utak ko habang naglalakad kanina kaya hindi ko na namalayan na dinadala na pala ako ng aking paglalakbay sa malayong lugar.
Ilang araw na din akong hindi inaatake ng Migraine ko. Isa ngang himala ang nangyari eh. Umiinom pa din naman ako ng gamot ko para hindi ito biglaang umatake. Nagiexercise din naman ako sa loob ng Room na tinutuluyan ko. Ayoko magpunta sa gym ng mismong hotel. Maiirita lang ako sa mga lalaking mga haliparot doon.
Sa nagdaan pang mga araw, napagtanto ko na... Tama nga ang sinabi nila. Na kaya ganoon ang mga sinabi ko towards kay Jaxzien dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na ako yung ganon sa sarili ko. Totoo ngang wala syang ginawa kundi mahalin ako. In short, wala syang kasalanan. Hindi ko na inisip yung parte kung bakit nya ako binago dahil kung tutuusin hindi nya talaga ako binago. Nagsuggest lang sya non at ginawa ko naman. Ang totoo nyan hindi naman talaga nya ako pinilit. At tsaka pwede ko namang hindi gawin yon pero ginawa ko dahil gusto ko din.
Pinagsinungalingan ko ang sarili ko. Nagpanggap ako. Sinisi ko pa sya at nasaktan ko pa sya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng marealize ang mga kagagahan na pinaggagawa ko. Ako ang may kasalanan at hindi sya. Wala syang kasalanan dahil ako itong nagpupumilit na isiksik ang sarili ko sa society.
Ako itong may kagustuhan na baguhin ang sarili ko. Ako lang itong may kasalanan. Ako itong nagbago sa sarili ko. Ako lang.
Ngayon alam mo na kung bakit ako nasasaktan. Kung anong mga sagot sa sarili kong katanungan. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit na nadarama at sa hindi magkanda mayaw na mga luha.
Napakapit ako sa dulo ng bench ng magsimulang sumakit ang aking ulo. Impit an pag iyak ko dahil ayoko makakuha ng atensyon ng ibang tao. Hapon na at marami pa ding mga batang naglalaro dito sa may park.
Marami pa ding mga taong nandito sa park kaya pinigilan kong lumakas ang pagiyak ko kahit na sobrang sakit na ng aking ulo. Para itong binibiyak at hindi ko man lang makayanan imulat ang aking mga mata.
Nagdadasal nalang ako na sana mawala na ang pagsakit nito dahil hindi ko dala ang gamot ko. Mawala na sana ang pagsakit nito dahil walang nandyan sa tabi ko para alalayan ako. Mawala na sana ang sakit nito dahil baka kung ano pa ang mangyari saakin at panigurado magaalala ang mga taong nagmamahal at importante saakin. Mawala na sana ang sakit na ito dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang nararamdaman kong sakit. Hindi lang ng ulo ko kundi na din ng puso ko.
Tuloy tuloy lang sa pag agos ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari saakin. Hindi ko na din magawang madinig ang nasa paligid ko. Wala akong madinig kahit ano. Parang isang mahabang buzz ang nadidini ko at sobrang sakit ng aking ulo.
Para syang binibiyak at parang may hinahalukay ang loob. Parang pinipiga at parang pinanggigilan. Mas lalo ko nalang ipinikit ang aking mga mata at hindi dilim ang aking nakikita kundi liwanag.
BINABASA MO ANG
Ravishing Serenity
Romance"It's all about yourself that matters the most. It's all about yourself. It's all about you." Copyright © 2019