[ 16 ]

155 8 0
                                    

Halos tatlong linggo na ang lumipas, it means halos nakakalahati na itong buwan hindi pa din ako kinakausap ni Jaxzien. Tinatry ko sya lapitan pero ano? Umiiwas sya, lumalayo sya.




Katulad nalang ngayon. Nakita nya akong naglalakad papunta sa pwesto nya kasama ang mga kaibigan nya, bigla nalang syang nagpaalam sa mga kaibigan nya at umalis. Pinipilit kong isiksik sa utak ko na give him time dahil baka iyon ang gusto nya.




O di kaya baka may problema sya na ayaw nyang sabihin saakin kaya ganoon. Ilang beses ko na din inutusan sila Misha na ihatid at ibigay sakanya iyong mga cupcakes na ginagawa ko every morning bago ako pumasok sa school, pero olats pa din, hindi nya tinatanggap kaya bumabalik saakin.




Sinabi nila Misha na kausapin ko daw. Puntahan ko daw sakanila, akala ba nila di ko ginawa yon? Akala ba nila di ko man lang naisip gawin yon? Naisip ko yon ano! Pero wala eh, tinatakasan nya ako. Lagi nalang. Naglakad nalang ako pabalik kela Misha at inis na umupo sa bench kung saan doon din nakaupo sila Zanea.




"O, ganda, bat ka nakabusangot dyan?" saad ni Zaylee. Nakakasanayan na nilang tawagin akong ganda dahil iyan na ang tawag saakin kahit sinong nilalang dito sa school.




Umiling ako sakanya at sumandig sa balikat nya. Ilang beses ako nagpakawala ng malalalim na hininga bago ko muling iminulat ang aking mga mata. "Kalmado ka na ba?" sinulyapan ko si Misha na nasa unahan ko at malapit ang mukha saakin.




Nginitian ko sya at tumango, "Okay good! Umuwi na tayo dahil anong oras na! Dami ko pang gagawin na assignments! Nakakaloka." binitbit na nya ang bag nya. Tinapik ni Zaylee ang hita ko kaya inalis ko na ang pagkakahandig ng ulo ko sa balikat nya. Tumayo na silang lahat at nakatingin silang lahat saakin.




"Alam nyo naman ang rason kung bakit sya nagkakaganyan diba? Bakit di nyo nalang sabihin saakin para alam ko kung anong kailangan kong gawin." pagsusumamo ko sakanila. Tinapik ni Zanea ang ulo ko.




"Kailangan mong pagsumikapan ang lahat ng bagay para makamit mo ito, at kailangan mong magsimula dito. Tutulungan ka naman namin eh. Pero it doesn't mean na sasabihin namin sayo. Kailangan mo kasi munang dumaan sa hirap bago mo maranasan ang tagumpay. Hindi ko alam kung konektado pa ba sa nangyayari ang sinasabi ko pero, who carea anyway? Tara na nga umuwi na tayo!" nagtawanan silang apat at napanguso na lamang ako bago ko isukbit ang bag ko sa balikat ko.




Hindi ako agad nagpadiretso sa bahay. Nagtambay muna ako dito sa park ng village, nasabihan ko naman si Mommy na dito muna ako. Natapos ko na din naman ang mga homeworks ko sa school. Dahil nga graduating super hectic ng schedule namin kahit first month palang ng classes.





Nag lean ako forward at ipinatong ko ang dalawa kong siko sa magkabilaan kong hita at sinalo naman ng mga palad ko ang aking baba. Huminga ako ng malalim at dinama ang hampas ng hangin saaking balat at mukha.




Unti unti na din namang sumisilay ang buwan. Ito ang pinakagusto ko kapag mag gagabi na. Napangiti ako ng lumabas na ang kalahati ng buwan at sobra nitong liwanag. Nakakaramdam talaga ako ng kalmadong pakiramdam sa tuwing makikita ko ang buwan.




Nagmumuni muni ako ng tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ito at binasa ang mensahe.


Mommeh 💖:
Go home now darling. Your Ate Zara is here with her kids. Come on now. They're all waiting for you!





Agad kong sinukbit sa balikat ko ang bag ko at tumayo na. Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay. Ano kayang meron at naisipan ni Ate Zara na magpunta sa bahay namin at bumisita? Wala namang kahit anong okasyon ngayon ah? O, di kaya baka, nag request ang mga anak nya? Or worse, nagkwento sila Zanea? Either of the two. Kinakabahan ako kung ano talaga ang dahilan ng pag punta nya.




Ravishing Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon