Prologue ✔

481 110 57
                                    

Prologue:

Takbo. Takbo.

Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo at kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Puno ng sugat ang buong katawan ko. Pero hindi ko ito iniinda na para bang sanay na ako dito.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang mga humahabol sa akin. Hindi isa at hindi rin dalawa kundi Siyam at alam ko sa sarili ko na Napatumba ko na ang iba sa kanila. Lahat sila ay nakamaskara kaya hindi ko makilala ang mukha nila. Palipat lipat sila sa mga puno habang hinahabol ako at alam ko na ano mang oras ay maari nila akong maabutan.

Napatingin ako sa aking kamay na may hawak hawak na kulay asul na bato. Malakas itong umiilaw kaya napahinto ako hanggang sa hindi ko na kinaya at napapikit ako dahil sa sobrang liwanag na nilalabas nito.

Pagmulat ng mata ko ay nasa ibang lugar na ako.

Dugo.

Kahit saan ako tumingin ay puro dugo ang nakikita ko. Mga patay at mga taong patuloy paring naglalaban para iligtas ang mga sarili nila.

Nasa gitna ako ng isang digmaan.

Tubig,Bula, Yelo, kakaibang uri ng mga hayop. Kung ano ano ang nakikita ko. Mga taong nakaka kontrol ng tubig at yelo. Mga taong nakakapagpalabas ng Bula mula sa kamay nila. Mga Halimaw na walang awang pumapatay ng mga inusenteng tao.

Napatingin ako sa taas. Umuulan. Ang tila salamin na pumipigil sa tubig upang bumagsak ay unti unti ng nasisira.

At sa kalagitnaan ng lahat isang babaeng nakasuot ng kulay itim na itim na damit ang nakatingin sa akin habang nakatutok sa akin ang hawak niyang pana at sa dulo ng palaso niya ay nandoon ang bato na kanina lang ay hawak hawak ko.

Nagliliwanag din ito kagaya kanina. Wala akong nakagawa kundi ang panoorin itong lumipad papunta sa akin. Ang lahat ay tila huminto. At tanging ang papalapit na nagliliwanag na palaso lang aming atensyon.

"Mira!" Sigaw ng lahat subalit wala akong maaninag sa kanila. Hindi ko makilala ang kanilang mga mukha dahil napakalabo nito sa aking paningin. Hanggang sa tumama ang palaso sa aking dibdib kung saan nandodoon ang aking puso.........

★★★

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng may malalim na paghinga. Agad akong tumayo sa aking higaan at humarap sa salamin. Pinunasan ko ng likod ng aking palad ang pawisang noo ko. Napailing nalang ako dahil ilang gabi na akong ginugulo ng panaginip kong iyon.

Sunod sunod na gabi at iisang panaginip lang.

Malakas akong bumuntong hininga at nag-ayos para maligo pero napahinto ng makita kong nakabukas ang aking bintana kaya lumapit ako dito. Lubhang pagtataka ko dahil naisarado ko naman ito bago ako matulog pero pinagsawalang bahala ko nalang ito at isasara ko na sana ng may mapansin ako.

Sa labas ng bakod ng bahay namin isang nakamaskarang lalaki ang nakatayo sa gilid ng poste ng kuryente. Kahit na malayo ay kita ko ang mga mata nito kulay............asul at puno ng galit.

*******

-Fantasystic-

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon