Chapter 09 Alpha ✔

164 54 26
                                    

Chapter 09: Alpha

Mira's P. O. V

Kasaysayan

Great Seven Atlantians

Atlantis

Great Seven Atlantians

Kasaysayan

paulit-ulit kong bigkas sa aking isipan habang naghahanap ng mga aklat na maaring makatulong sa akin para malaman ko ang nangyari noong nagkaroon ng digmaan dito sa Atlantis

Mag iilang oras na din ako dito sa library kakahanap ng aklat na maaring makatulong sa akin. Pero wala akong malaman kundi lang yung mga sinabi sa amin ni Miss Mikasa noong huli naming klase.

Sa katunayan kasi simula noong matapos ang klase namin kay Miss Mikasa ay lagi na ako dito sa silid aklatan nila. Dito ko na ginugugul ang mga oras ko. Pero wala naman akong malamang iba. Sinubukan ko na ring magtanong kila Assana pero wala naman daw silang alam sa digmaan na iyon kundi yung mga sinabi lang ni Miss Mikasa.

Hindi lang naman talaga ang digmaan ang gusto kong malaman kundi paano ito nagtapos sa kamay ng mga tinatawag nilang Great Seven Atlantians. Ewan ko ba simula noong marinig ko ang mga katagang iyon ay naging intrisado na ako sa kanila.

Gusto kong malaman ang bawat ditalye na meron sila. Ang mga pangalan nila, kung buhay pa ba sila ngayon, kung nagka-anak ba sila. Maraming bagay akong gustong malaman sa kanila. Wierd pero iyon talaga ang gusto kong malaman sa kanila.

Pero bigla akong napatigil sa pag-iisip ng mahagip ng mga mata ko ang isang aklat sa pinakatas ng bookshelves makapal ito at may kalumaan na. Kakaiba din ang desenyo nito kaysa sa ibang aklat na nandidito. Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko itong inabot pero putik hindi ko abot.

Kainis. Hirap ng maliit.

Hindi naman talaga ako maliit sadyang mataas lang ang bookshelve na to kaya hindi ko abot.

Nahahawakan ko naman ito pero nahihirapan akong kunin ito. Baka kapag pinilit ko ay matumba pa ang bookshelve na ito. Mahirap na baka kapag natumba pa ito ay mag-ala domino ang mga bookshelves dito at matumba lahat. Hindi ko naman kayang ibalik yan ng mag-isa kaya walang gana ko itong tinigilan.

Hindi ko na ito inaabot pero nasa harap parin ako nito. Tinitignan ko lang ito na para bang bata na hindi makuha ang gusto niyang laruan. Mag iilang saglit pa ay may narinig akong nagsalita sa di kalayuan ko.

"Tsk. Ang lakas mong sumuntok pero para iyan lang hindi mo makuha" saad ng isang lalaking nagbabasa ng aklat sa dikalayuan sa akin. Nakatayo ito at nakasandal sa lamesa medyo naka side view siya sa akin kaya kitang kitang ko ang mukha niyang mukhang sardinas.

Hindi ko alam pero agad na kumulo ang dugo ko ng makita ko ang pagmumukha niya. Anong gusto niyang iparating sa akin ngayon? na maliit ako? Tsk!

Para patunayan sa kanya na hindi ako maliit sinubukan ko ulit abutin yung libro pero hanep naman ohh! hindi ko talaga kaya. Hindi ako sumuko ay pinilit ko talaga siyang kuhain hanggang sa may isang kamay ang huwak din dito.

Pero hindi naman siya sa aklat na kahawak ehh sa KAMAY ko. Dahil sa inis ay tinignan ko kung sinong lapastangan ang humawak sa maganda kong kamay.

Pero isang pagkakamali ang aking nagawa dahil pagharap ko dito tumambad sa akin ang kanyang mukha. Nakatingin lang ito sa taas kung saan naroon ang aklat. Tila na estatwa ako sa aking nakita dahil halos isang pulgada nalang at mahahalikan ko na siya.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon