Chapter 07 The Omega
Mira's P.O.V.
Tila bumagal ang bawat segundong nagdadaan habang nakaharap ako sa pintuan kasama ang lahat ng miyembro Omega.
Wala akong ibang naririnig kung hindi ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Gusto ko itong hawakan para patigilin dahil baka naririnig na nila ang tibok nito pero alam kong hindi ko iyon magagawa.
Itinuon ko na lang ang aking paningin sa pintuan na ngayon ay unti unti ng bumubukas.
Agad naman na sumalubong sa akin ang kadiliman. Kung kanina ay determinado ako sa aking gagawin ngayon ay tila nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba ito.
Biglang nanghina ang aking mga tuhod at tila hindi na nito kayang suportahan ang pagtayo ko sa harap ng pintuan.
Tila nakalimutan ko narin kung pano lumakad dahil ako nalang ang natitira dito sa labas. Lahat sila ay nakapasok na at para bang gusto ko nalang na umatras hanggang hindi sila nakatingin sa akin.
Pero alam ko na ang lahat ng mata ngayon ng mga estudyante ay nakatingin sa aking likuran. Tinitignan kung tutuloy ba ako sa aking gagawin at inaalam kung makakaya ko ba.
Makakaya ko nga ba?
Makakaya ko nga bang labanan ang pinaka malalakas na estudyante ng paaralang ito?
Makakaya ko bang lumaban sa lima gayong nag-iisa lamang ako?
Idadag pa ang katotohanan na ilang araw palang akong nagpapraktis ng paggamit ko mg aking adva.
Napahawak naman ako ng mahigpit sa dalawang boomerang ko na nasa tagkabilang kamay ko. Alam kong hindi ako mapoprotektahan nito pero ito lang ang tanging meron ako ngayon kaya wala na akong magagawa kung hindi ang umasa dito at sa kakayahan ko.
Huminga ako ng malalim at saka sinimulan ang paglalakad patungo sa loob. Pagkapasok ko ay siyang pagsara naman ng pintuan na para bang nagsasabi na wala na itong atrasan, na hindi na ako pwedeng bumalik pa.
Tumambad sa akin ang kulay puting pader ng kwarto. Walang ibang makikita ditong gamit maliban sa mga ilaw sa taas na siyang nagbibigay liwanag sa amin.
"Maari kapang umatras kung naduduwag kana" naputol lang ang aking pag-iisip ng marinig ko na magsalita si Kai. Tinignan ko siya pansin ko ang pagngisi niya sa akin.
Bigla naman akong napa-isip sa kanyang mga sinabi. Para tuloy gusto ko ng patulan ang mga sinabi niya at umatras na lang pero hindi ko ginawa dahil ayaw kong patunayan sa kanila na naduduwag na nga ako.
At sa halip na ipakita sa kanya ang aking pangamba ay muli, bumuntong hinga ako at kasabay niyon ay ang pagbalik ng dating ako.
Ang walang emosyong ako.
Tinignan ko si Kai na ngayon ay nakangisi padin. Tinignan ko ang kanyang mga mata ng walang takot hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya o kahit kanino man sa kanila. Hindi nagtagal ay unti unting nawala ang ngisi sa kanyang mga labi at naging seryoso na ang kanyang mukha.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto na at kinabisa ang bawat sulok nito. Hindi pwede na matalo ako sa laban na ito. Alam kong mahihirapan ako at suntok sa buwan na matalo ko silang lahat.
Simula pagkabata ay pinag-aaralan na nila kung pano kontrolin ang kanilang kapangyarihan at kung papaano ito palakasin kumpara sa akin na ilang araw ko palang itong pinag-aaralan.
Noong nagpapahinga ako sa kwarto namin nila Assana at Talya ay lagi akong mag-isa kaya wala akong magawa kundi pag-aralan ang lahat na makakaya ko.
BINABASA MO ANG
Amphitrite University: The Sea Princess
FantasyItsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga taong nabiyayaan ng kakaibang talento. Kakaibang lakas,liksi,bilis,talino, talas ng pakiramdam, at nagtataglay ng iba't ibang uri ng kapang...