Chapter 17 Viviane ✔

87 33 5
                                    


Chapter 17: Viviane

MIRA NOELANI ADVA LANA

posibleng mamatay si Mira

posibleng mamatay si Mira

posibleng mamatay si Mira

Bigla akong nanghina ng magpa-ulit ulit sa aking isipan ang mga sinabi ni Kailani kanina. Para itong sirang plaka na ng papaulit-ulit sa aking isipan at kahit pigilan ko ay wala akong magawa. Wala na rin akong marinig sa kung ano sa paligid ko na tila ba ay nabingi na ako.

Katahimikan ang namamayani dito ngayon sa loob ng kwartong na kinaroroonan namin. Matapos ng mga sinabi kanina ni Kailani ay wala na muling nagtangkang magsalita pa. Hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras na kaming nananahimik at ang lahat ng naririto ay tila nahulog sa malalim na pag-iisip

Hinawakan ko ang aking tuhod ng magsimula itong manginig. Malakas din ang bawat pagkabog ng aking dibdib na akala mo ay gusto na nitong lumabas mula sa kinalalagyan niya. Matindi din ang papipigil ko dahil ayaw kong pumatak ang aking mga luha. Kahit natatakot na baka magkatotoo ang mga sinabi ni Kailani ay maspinili ko paring huwag dito ibuhos ang bigat ng aking dibdib.

"Ahh!  Lani diba may paraan pa naman kung paano maiiwasan ni Mira ang mga sinabi mo!  " nagulat kaming lahat ng biglang magsalita si Kai ang kakambal ni Kailani. Parang nabuhayan siya sa kanyang naisip dahil napakalakas ng pagkakasabi nito.

Kahit ako ay medyo nabuhayan din sa mga sinabi niya. Kung kanina ay matamlay ang mukha ni Kai, ngayon kakakitaan na ito ng ngiti. Halatang masaya siya sa naisip niyang iyon.

Ngayon ay natuon naman ang atensyon naming lahat kay Kailani. Ganun parin ang kanyang itsura. Seryoso parin siya katulad ni leader nila. Tinignan muna siya sa leader nila at saka nagpakawala ng isang buntong hininga. Humarap siya sa amin at saka bahagyang ngumiti. Ngiting hindi ko inaasahan na makita. Hindi ito isang ngiting matamis kundi isang ngiting mapait.

Hindi ko alam pero base sa itsura ni Kailani ay nagdadalawang isip itong sabihin kung ano ang nilalaman ng kanyang isipan. Maslalong nawala ang ngiti sa aming mga labi ng yumuko ito. Ang kaninang pag-asa na nabuo sa aming isipan ay nawala din ng parang bula. Pero kapansin pansin ang hindi mawala walang ngiti sa mga labi ni Kai. Mukhang hindi ito nawawalan ng pag-asa at hindi katulad namin ay maaliwalas pa din ang kanyang mukha.

"A-ahh sa ka-"

"Ensayo ang kailangan ibayong lakas ang puhunan kapangyarihan ang kalaban buhay ang nakalaan. Mabubuhay ka Mira. Mabubuhay ka." hindi na natapos ni Kailani ang kanyang sasabihin ng magsalita pa ang leader nila. Pagkatapos niyon ay naglakad siya sa kabilang bahagi ng kwarto at may kung ano ano ang pinindot.

Aaminin kong lahat kami na naririto ay nabuhayan sa mga sinabi niya. Ang kaninang mabigat na paligid ay tila gumaan dahil sa iilang salita na kanyang binitawan .Parang natanggalan kami ng bara at nakahinga na ng maayos.

At parang tila nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi ang mga makahulugang bagay na sinabi niya ang nakapagpatayo ng mga balahibo ko kung hindi ay ang pagbanggit niya sa aking pangalan.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang kauna-unahang beses na tawagin niya ako sa aking pangalan. Hindi ko alam pero parang may kakaiba mula doon. Nabalik lang ako sa huwisyo ng muli siyang magsalita.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon