Chapter 16 Mira ✔

95 32 4
                                    

Chapter 16 : Mira

MIRA NOELANI ADVA LANA



"Eldoris"



"Eldoris"



"Eldoris"



Maka-ilang beses ko iyang binibigkas habang naglalakad ako dito sa mahabang pasilyo papunta sa kwarto na nakalaan lamang sa mga Omega. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga sinabi sa akin nila Kailani at Viviane noong nagkaroon na ako ng malay.

Sinabi nila sa akin na isang ganap na miyembro na daw ako ng Omega. Noong una ay hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi kaya muli ko silang tinanong. Inulit lang naman nila ang kanilang sinabi na siyang ikinasabog ng puso ko dahil sa tuwa. Parang huminto ang pagtinok nito ng mapagtanto ko ang mga sinabi nila sa akin.

Natulala lang ako sa harap nila ng mga oras na yun. Hindi ko maipasok sa utak ko ang mga sinabi nila sa akin. Parang nitong paniwalaan ang mga sinabi nila. Hindi talaga ako makapaniwala.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng makitang kong tumayo si Kailani at lumabas na ng pinto. Naiwan naman kami ni Viviane sa loob ng kwarto. Pagtingin ko naman sa kanya ay ngiting ngiti ito sa akin kaya wala akong nagawa para ngitian din siya.

Nagpakilala pa ng siya sa akin dahil daw hindi pa siya nakakapagpakilala ng maayos. Nakipagkilala naman ako kahit na kilala ko na siya at nakipagkamay na din. Sinubukan pa nga niyang ipakilala ang mga kaibigan niya pero pinahinto ko na siya at sinabing kilala ko na sila.

Akala ko ay aalis na siya pero nginitian lang niya ako at saka siya nagkwento sa akin ng nagkwento. Nakinig lang naman ako sa kanya at hinayaan na rin siya sa kung ano ang gusto niya.

Kinwento din niya ang lahat sa akin pati narin ang pagsalakay ng mga Omicron sa amin. Pinaliwanag na din niya sa akin ang lahat subalit kagaya ko ay marami parin silang hindi nasasagot na mga tanong kagaya nalang ng pagbabago ng isang mata ko.

Bahagya akong napahinto at napapikit ng maalala ang mga nangyari sa akin noon. Noong mapansin ko ang pagbabago ng kulay ng aking mata ay nagsimula na rin ang mga bagay na kinatatakutan ko. Habang naalala ang mga imahe na iyon ay ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at tila muling nanlambot ang mga ito ng maalala ko ang nakita noon.

Nagpakawala ako ng buntong hiningan para kalmahin ang sarili ko. Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata para ma-relax naman ako kahit papano. Itinuon ko lang ang aking atensyon sa aking paghinga hanggang sa bumalik na rin ang lakas ko at magawa ko na ulit maglakad. Ilang saglit pa ay bumalik na ulit ako sa malalim na pag-iisip.

Ang sabi pa nila ay magbabago lamang daw ang kulay ng mata ng isang Atlantians kung naabot na nito ang pinakamataas na kapangyarihan na mayroon siya. Kaya daw nagtataka sila dahil ako palang ang Atlantians na nagbago ang isang mata lamang. Kaya laking pasasalamat ko ng paggising ko noong nakaraan ay bumalik na sa dating kulay ang mga mata ko.

Kulay kape na ulit ang mga mata ko kaya naman nakahinga narin ako ng  maluwag. Nagawa ko naring lumabas ng kwarto namin dahil ayos narin ang pakiramdam ko at ngayon ang huling araw ng paghahanda para sa Avonmora.

Bukas na bukas ay sisismulan na ang kasiyahan sa loob ng paaralang ito kaya naman puspusan ang mga estudyante sa paghahanda gayon din ang buong Omega. Ngayon nalang ang natitirang araw namin para paghandaan ang Eldoris. Nasabi na sa akin nila Viviane na maaring doon sumugod ang mga miyembro ng Omicron kaya kailangan naming maging handa.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon