Chapter 23 Maze
MIRA NOELANI ADVA LANA
"Iwan mo na ako! Kailangan ka ng Omega!" galit na sigaw ko sa kanya dahil hindi pwedeng maalis siya sa laro. Malaki ang magiging epekto nito sa amin lalo na at siya ang lider ng Omega.
"Kailangan ako ng Omega.......pero kailangan kita" nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sagot niya. Hindi ko inaasahan ang sinasabi niya. "Kailangan ka namin" dagdag pa niya kaya naman napakunot ang noo ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Mamaya na ako magpapaliwanag, kailangan muna nating makaalis dito" sagot niya sa'kin at naramdaman ko nalang ang unti unting paglamig ng paligid. Doon ko lang napansin na gawa na pala sa yelo ang inaapakan namin at pati sa likuran namin ay may pader na gawa na sa yelo.
Itinutok niya ang isang kamay niya sa pader na nasa likuran namin at ang isa naman ay sa nagsasarado ng pintuan 'di kalayuan sa amin. Nabalot iyon ng yelo na siyang naging dahilan para mahinto ang pagsasara nito.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang malakas na pagtama ng tubig sa pader na yelo sa likuran namin. Iyon rin ang naging dahilan ng pag-usad namin papunta sa pinto.
Dahil sa malakas na pagtama ng tubig sa likudan namin ay nagkaroon iyon ng malaking bitak kaya maslalo pa niya itong pinakapal habang pinipigilan parin ang pagsasara ng pintuan.
Napatingin ako sa kanya at kita ko ang butil butil na pawis sa noo niya. Pansin ko rin na tila nahihirapan siyang panatilihin ang paggamit ng Adva niya.
Agad akong napalingon sa likuran ng marinig ang malakas na pagbitak ng yelo. Mukhang hindi na niya kakayanin na panatilihin ito dahil pati ang yelong pumipigil sa pagsarado ng pinto sa 'di kalayuan sa amin ay nasisira narin.
"V-Viviane" muli, ay napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Ramdam ko rin ang pagbabago ng enerhiyang nilalabas ng katawan niya. Mas naging maayos din ang itsura niya at pati na rin ang malalaking bitak ng yelo ay unti unti ng nawawala.
"Viviane" mahinang bulong ko sa sarili habang nililibot ang paningin.
Si Viviane, may kakayahan siyang palakasin ang Adva na dumadaloy sa katawan ng isang Atlantians at sa tingin ko ay iyon ang ginagawa niya ngayon sa lider ng Omega.
Napatingin ako sa pintuang ilang dipa nalang ang layo samin ng marinig ko ang tila isang musika na nagmumula doon. Sigurado ako na si Viviane ang may gawa nun, nagmumula iyon sa bansi na lagi niyang ginagamit.
Napaayos ako ng pagkakatayo at inihanda ang sarili dahil ilang segundo nalang ay tatama na kami sa pintuan na nababalot ng yelo.
Sa isang iglap, nawala ang yelong bumabalot sa pintuan kaya nagsimula nanaman itong sumara pero sapat na iyon para makapasok kami at maitulak ng tubig.
Pero dahil hindi parin tuluyang sumasara ang pintuan ay patuloy parin ang pagpasok ng tubig kaya halos mapadaing ako ng tangayin ako nito at tumama sa isang pader.
Sinubukan kong lumangoy pero dahil sa sobrang lakas ng agos ng tubig ay bigo ako at idagdag pa ang sugat ko sa binti. Kahit na anong gawin ko ay walang nangyayari hanggang sa lumubog na ako. Ilang beses din na tumama ang katawan ko sa pader na maslalong nakapagpawala ng hangin na iniipon ko.
BINABASA MO ANG
Amphitrite University: The Sea Princess
FantasyItsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga taong nabiyayaan ng kakaibang talento. Kakaibang lakas,liksi,bilis,talino, talas ng pakiramdam, at nagtataglay ng iba't ibang uri ng kapang...