Chapter 18 Caspian ✔

67 26 3
                                    

 

Chapter 18: Caspian

Viviane's P.O.V.

Rinig ko ang mahihinang mura ni kuya Caspian habang pinagmamasdan na palibutan kami ng kalaban. Hindi namin inakala na makukulong kami sa loob nito. Sobrang dami ang nakapalibot sa amin ngayon at lahat sila ay may dalang mga armas.

Napailing nalang ako ng mahina dahil nasa dilikadong kalagayan kami ngayon. Tanging kami lang ni ate Mira ang may kakayahang labanan ang mga nasa paligid namin dahil buhat buhat nila kuya Caspian at kuya Clifford sila ate Kailani at kuya Kai.

Inilabas ko ang aking bansi at saka ito ihinanda. Pinauna ko na sila kuya Caspian para makatakas na sila dito dahil baka mapahamak pa sila. Napatingin ako sa kanila ng makita ko ang pagtutol ni ate Mira.

Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Ayaw niyang iwan ako dahil alam ko na nag-aalala siya sa akin kahit na kakakilala lang namin.

Wala akong nagawa kundi ang kontrolin ang katawan ni Ate Mira para tumakbo na ito kasabay nila kuya Caspian dahil habang nagtatagal sila dito ay maslalo lang lumalaki ang posibilidad na mapahamak sila.

Aaminin kong mahihirapan akong kalaban ang lahat ng nakapalibot sa akin ngayon dahil sobrang dami nila at idagdag pa na lahat sila ay armado pero wala akong magagawa kundi ang kontrolin ang katawan ni ate Mira dahil ayokong mapahamak siya. Isa pang dahilan ay gusto ko rin na nandoon siya para siya ang magtanggol kila kuya Caspian at kuya Clifford kung sakali mang may makalaban sila.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata ng maramdaman ko na malayo na sila sa gawi namin. Itinapat ko naman ang bansi sa aking labi at inihanda ito ng maramdaman ko ang pagsugod nila sa akin.

Agad ko itong hinipan at mula doon ay lumabas ang mga bula na kumalat sa buong paligid kasabay niyon ay ang pagtalon ko ng malakas para ilagan ang isang palaso na paparating sa akin.

Rinig ko ang mga pagsabog sa aking paligid habang patuloy ko paring hinihipan ang aking bansi. Naramdaman ko na may paparating sa aking likod kaya agad akong yumuko at pinatid ang sinuman na nagtangkang umatake sa akin.

Ganoon lang ang ginawa ko habang nakikipaglaban sa kanila. Iniiligan ang bawat atake nila habang hinihipan ko ang aking bansi at patuloy ang paglabas ng bula mula doon.

Pero napahinto ako sa paggalaw dahil wala akong maramdamang kumikilos sa aking paligid pero hindi ko parin iminumulat ang aking mga mata. Tanging ang mga presensya lang nila nararamdaman ko pero walang nagtatangkang kumilos sa kanila.

Napatingin ako sa bandang kanan ko dahil may naramdaman akong paggalaw mula doon. Alam kong may nagtutok sa akin ng pana mula doon pero agad ding nabaling ang aking ulo sa bandang harapan ko dahil mula doon ay may nagtutok din sa akin ng pana hanggang sa dumami sila ng dumami.

Halos lahat ng nakapaligid sa akin ay nakatutok sa akin ang mga pana nila. Ang iba naman ay nakaharap sa akin at handang sumugod gamit ang mga espada nila. Alam kong simula ng tumigil silang lahat ay may kakaiba ng nangyari at ito ang pinakaayaw ko sa lahat.

Mukhang masama to. Kainis.

Kaya sa halip na muli kong hipan ang bansi ko ay binibaba ko na ito at saka iminulat ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin sa mga nasapaligid ko para lang makita ang mga walang buhay nilang mga mata. Pamilyar na pamilyar sa akin ang ganitong uri ng mata dahil ganito ang nangyayari kapag napapasailalim sila sa kapangyarihan ko. Dahil ngayon

Kontrolado silang lahat.

Binaling ko ang aking paningin sa isang deriksyon kung saan nakakaramdam ako ng paggalaw at mula doon ay nakita ko ang sarili ko.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon