Chapter 24 - Huling araw ng Eldoris

22 5 0
                                    


Chapter 24 — Huling araw ng Eldoris

MIRA NOELANI ADVA LANA

Walang nangtangkang magsalita sa aming dalawa habang naglalakad kami papunta sa sentro. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas pero pansin ko na ang pagliwanag ng paligid. Katulad kanina ay puro pader parin ang nakikita namin at hanggang ngayon ay hindi parin namin makita ang daan palabas.

Hindi ko naman maiwasang maalala ang nangyari kanina ng makita ko sa gilid ng aking mata ang lalaking kasabay kong naglalakad. Napailing nalang ako ng bahagya sa naisip ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa kung ano ang kinahantungan ko ngayon, pero laking pasasalamat ko rin dahil nakatakas kami sa tatlong lalaking humahabol sa akin kanina.

Hindi ko alam kung papaano dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko na hila-hila at kasamang tumakbo ng lider ng Omega. Balot parin ng gulat ang buong sistema ko habang nagpapadala sa paghila niya.

Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanila, kung natakasan ba namin sila o kinalaban sila ng lider ng Omega. Basta ang tangi ko lang alam ay ang malamig niyang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko at hinihila ako para tumakbo.

Muli akong napatingin sa kanya at naalala ang nangyari kahapon. Kahit na gusto kong magtanong sa kanya ng katotohanan  tungkol sa narinig ko ay hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa sarili ko na malaman kung siya nga ba talaga ang kababata ko, kung siya nga ba si Niel Hurley.

Siguro ay hindi pa ako handang tanggapin sa sarili ko kapag nalaman ko kung iisa nga lang silang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko o kaya ko nga bang tanggapin.

Pero alam ko na may malaking parte sa sarili ko na umaasang hindi siya si Hurley, na ang lider ng Omega at si Hurley ay magkaiba.

Kung magkaiba naman silang dalawa ay ano ang koneksyon niya dito? Bakit siya tinawag ng lalaking nakaharap namin kahapon sa pangalang Hurley? At bakit galit na galit siya ng tawagin siya nito sa ganoong pangalan?

Sobrang daming tanong sa isipan ko pero kahit na isa ay walang lumabas sa bibig ko. Ramdam ko rin kasi na kapag nagtanong ako sa kanya ay hindi rin niya sasagutin, dahil kung gusto niya ay dapat na kanina pa siya nagpaliwanag pero maspinili niyang manahimik.

Marahas kong pinikit ang aking mga mata at saka pilit na inalis sa isipan ko ang lahat ng iyon. Ayoko munang mag-isip ng patungkol doon, ang mahalaga ngayon ay makapunta kami sa sentro at matapos ang laro.

Napahinto ako sa paglalakad at pansin kong ganun din siya ng marinig namin ang napakapamilyar na tunog ng isang instrumento. Agad na hinanap ng mga mata ko ang pinagmumulan noon pero wala akong nakita.

Napatingin naman ako sa harapan ko ng muli ako nitong hilahin at tumakbo papunta sa kung saan. Ilang daanan pa pinasok namin at ilang liko pa ang ginawa namin bago namin makita si Viviane na pinalilibutan ng limang Atlantians.

Tatlong lalaki at dalawang babae. Hindi sila mga pamilyar sa akin pero sa tingin ko ay mga estudyante sila ng paaralan pero pansin ko na mukhang dalawang grupo sila. Ang dalawa sa likod ni Viviane  ay mula sa isa sa mga bayan ng Atlantis, pero hindi ko alam kung saan ito at Isa lang nasisiguro ko ngayon, hindi sila basta basta mga Atlantians.

Napatingin sa gawi namin si Viviane at bahagya itong ngumiti ng makita ako, gumanti naman ako ng ngiti sa kanya at saka na niya pinikit ang kanyang mga mata habang itinatapat ang bansi sa kanyang bibig.

Naging alerto ang limang Atlantians na nakapalibot sa kanya at naghanda sa kung ano mang atake ang gawin ni Viviane. Pati ako nabahala kaya naman agad akong lumapit sa kanila pero nahinto iyon ng may pumigil sa akin.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon