Chapter01 : Birthday party
Napatingin ako sa kalendaryong nakalagay hindi kalayuan sa akin. May 16, bukas ay gaganapin namin ang ika-labing walong kaarawan ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Ito ang kauna-unahang beses na magce-celebrate ako ng birthday ko kasama ang mga kaklase ko. Madalas kasi ay si mama at papa lang ang kasama ko at kung minsan naman ay kasama namin si Chelsea na kumakain sa labas.
Hindi ko rin naman kase masyadong ka close ang mga kaklase ko dahil madalas ay iniiwasan nila ako. Ako rin naman ang may kasalanan dahil madalas ay sinusungitan ko lang sila at sinisigawan.
Ayokong may mga lumalapit sa akin at masgugustuhin ko pa na mag-isa kesa sa sumama sa kanila at tumawa na para bang wala ng bukas.
Hindi ko alam pero parang wala na akong dahilan pa para tumawa. Para bang may malaking parte ng pagkatao ko ang nawala sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko mahanap.
Tanging si Chelsea lang nakakalapit sa akin at kinakausap ko. Siya lang tinuturing kong kaibigan sa school. Kontento na akong kasama siya kahit na madalas ay napaka ingay niya.
Napabuntong hininga nalang ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Kinakabahan ako para bukas dahil parang may hindi magandang mangyayari kahit nakaayos na ang lahat ng gagamitin namin bukas.
Idagdag pa ang panaginip ko nitong nagdaang gabi. Nagtataka na rin ako kung bakit paulit ulit lang ito at wala rin akong maintindihan.
Saka ang lalaking nakita ko salabas ng bintana ko noong isang gabi. Wala namang nangyaring masama noon pero masama ang kutob ko sa kanya. Hindi narin ako nag-abalang sabihin kay mama at papa ang mga nakita ko at napapanaginipan ko dahil gusto ko nalang itong kalimutan.
Umayos nalang ako ng pagkakahiga at masbinalot pa ang sarili sa makapal kung kumot. Nakajacket na ako at balot na balot ng kumot pero nararamdaman ko parin yung lamig.
Nakasarado naman na yung bintana sa kuwarto ko pero nilalamig parin ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong lamig kaya hindi ako makatulog kaya mula sa pagkakahiga ay umupo nalang ako at sumandal sa head board ng kama.
Muli kong binalot ng kumot ang katawan ko at sakto namang bumukas at pinto at pumasok si mama.
"Ohh anak! bakit hindi kapa matulog malapit na mag 12 o clock ah? " tanong niya sa akin kaya naman bahagay akong nagulat at agad kong tinignan yung orasan ko malapit na nga mag 12 o clock tapos gising pa ako.Dati rati 9:00 tulog na ako tapos ngayon malapit na mag 12 tapos gising pa din ako.
"Ma hindi lang ako makatulog " saad ko sa kanya kaya naman napangiti siya habang naka tingin sa akin.
"Excited ka na ba anak para bukas kaya hindi kana makatulog " saad niya habang naka ngiti ng malaki sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ko alam ma, pero ewan ko ba kinakabahan ako para kasing may hindi mangyayaring maganda bukas " saad ko saka at naka ngusong tumingin sa kanya nagulat naman si mama sa sinabi ko nagbago ang reaksyon niya pero saglit lang yun dahil ngumiti naman ulit siya
"Wag ka mag-alala anak naka ayos na ang lahat sigurado ako dyan, yung invitation ba ibinigay mo na sa mga kaklase mo?" Tanong niya kaya tumango at ngumiti ako sa kanya "oh siya sige matulog kana at baka pumangit ka pa bukas sa party mo " biro niya saka tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan "Good night anak "
"Good night mama love you " sabi ko bago niya sinarado ang pinto ng kuwarto. Humiga naman ako ulit at saka pinilit na makatulog kahit na nanginginig ako sa lamig.
BINABASA MO ANG
Amphitrite University: The Sea Princess
FantasyItsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga taong nabiyayaan ng kakaibang talento. Kakaibang lakas,liksi,bilis,talino, talas ng pakiramdam, at nagtataglay ng iba't ibang uri ng kapang...