Chapter 05 Mira's Adva ✔

177 65 10
                                    


Chapter 05: Mira's Adva

Mira's P. O. V

Minulat ko ang aking mga mata at agad naman akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa malaking chandilier sa itaas. Nilibot ko ang aking paningin at puro puti ang aking nakikita. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan subalit napadaing ako dahil sa sobrang sakit nito.

Inalala ko ang huling nangyari sa akin at na pailing nalang ako ng maalala iyon. Hindi na ako magtataka kung malulumpo na ako ikaw ba naman ang paglaruan ng isang malaking halimaw. Akala ko nga mamatay na ako pero nasan nga ba ako.

Muli kong nilibot ang aking paningin at nahinto ito sa pintuan na unti unting bumubukas. Pumasok si Assana ng nakabusangot at kasunod nito si Talya na malungkot din. Parehas silang nakayuko kaya hindi nila ako napapansin. Tinignan ko lang silang dalawa hanggang sa makaupo na sila sa sofa.

Tinignan ko lang silang dalawa habang naka upo doon. Naninibago ako dahil napakatahimik nila. Ang dating maiingay, makukulet at isip bata na Assana at Talya ay biglang naglaho.

"Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari kay Mira" si Talya ang bumasag sa katahimikan. Parang naiiyak na siya sa pananalita niya. Hindi naman ako nagsalita at nakinig lang sa kanilang dalawa.

"Ang dami nating na protektahan pero yung kaibigan mismo natin ay hindi natin na iligtas " saad naman ni Assana umiiyak na siya at panay ang punas niya sa mga luha niya. Parehas na silang umiiyak ni Talya kaya medyo bumigat ang pakiramdam ko pero hindi ko rin maiwasan na matuwa dahil para silang mga bata kung umiyak at kahit ilang araw palang kaming nag-kakakilala ay tinuturing na talaga nila akong tunay na kaibigan.

"Wala kayong kasalan sa nangyari " pahayag ko sa kanilang dalawa halata naman na nagulat silang dalawa kaya napatingin sila sa akin. Biglang umaliwalas ang mukha nila at napuno ito ng saya. Agad tumakbo si Assana papunta sa akin at yumakap.

Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa kapag kasama ko sila. Alam ko na hindi ako ganito. Hindi ako ganito sa dati kong paaralan. Hindi ako  ganito makitungo sa iba. Ako yung tipo ng tao na walang pakialam sa iba pero bakit? Bakit pagdating sa kanila ay nagbabago ako?

"A-Assana di ako maka-hinga" hirap na hirap na saad ko sa kanya. Agad naman siyang umalis sa pagkakayakap sa akin saka tumawa ng mahina. Nakatayo naman si Talya sa tabi ko at naka ngiti siya sa akin. Nginitian ko din siya at bumaling ulit kay Assana na umiiyak parin habang tumatawa.

"Paumanhin nabigla lang " saad niya sa akin at maslalo pang lumakas ang paghagulgul niya kaya naman bahagya akong natawa. Patuloy parin ito sa pag-iyak at kami naman ni Talya ay naiiling nalang sa kanya.

"Tama siya Mira. Ipagpaumanhin mo kung iniwan ka namin sa Nadah at hindi ka namin na iligtas " pahayag naman ni Talya. Napapakunot nalang ang aking noo dahil sa paraan ng pananalita nila. Sobrang lalim.

"Saan nga ba kayo pumunta at iniwan niyo nalang ako?" May halong inis na tanong ko. Bumalik sa dating walang emosyon ang aking mukha at tinignan sila. Hindi man lang nila sa akin nilinaw ang lahat. Iniwan nalang nila ako ng walang kaalam alam.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon