2-Move On??

3 0 0
                                    


Chapter 2

Dear Diary,

   Natapos ang klase ko na paos ang boses Diary. Paano ba naman kasi, sunud-sunod ang klase ko kaya walang tigil din ang bunganga ko kadadada sa bawat discussion na pare-pareho lang din naman ang topic na Figurative language. Mygahd Diary! I can't even. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ba guro ang kinuha ko??

Buti nalang Diary at breaktime na namin kaya agad na akong dumiretso sa canteen to take my lunch. Solo flight ako ngayon Diary, bukod sa iniwan na nga niya ako mag-isa.... wala pa ang best buddy teacher ko na si Timmy dahil may klase pa siya ng 12-1:30. What a sad reality.

Pagkarating ko sa Canteen Diary ay agad akong tumungo sa counter para mag-order ng pagkain saka ako umupo sa favorite place ko, ang bandang dulo na table malapit sa glass window kung saan tanaw ko ang mga students at teachers na busy sa mga ginagawa. May mangilan-ilan din students ang bumabati sa akin Diary.. and as usual ngiti lang pabalik ay sapat na.

Habang hinihintay ko ang order ko Diary ay pinagmamasdan ko ang bawat taong nakikita ko. Naagaw ng atensiyon ko ang dalawang students sa side ko. Mukhang couples pa sila dahil sa sweetness na nakikita ko. Sinusubuan ng babae ng fries yung lalaki habang pinupunasan naman ng lalaki ang ice cream sa gilid ng labi ng babae. How sweet Diary :)

Bakit ganun?? Naalala ko sa kanila ang moment namin noon?? Nakaka-inggit na nakakamiss Diary. Pero wala Diary. Hindi na yun kailan man mangyayari. Mag momove on na talaga ako.

"Ma'am Fries!" alok nilang dalawa sa akin. Napansin ata nila Diary na pinagmamasdan ko sila. At talagang inalok pa nila ako Diary. At mismong sa harapan ko pa sila nagsubuan. Nakaka-iyak. Nananadya ba ang mga batang to?

"Sige lang. Eat well." sagot ko sa kanila at nagpatuloy na sila sa kanilang ginagawa. Sakto namang dumating yung order ko Diary kaya lumamon na ako agad. Hayyss. Nakakagutom magturo diary.

I need stress reliever right now! Kaya kumain na agad ako. Pagkatapos kong kumain Diary ay sakto namang tumayo na ang dalawang students na naglalambingan kanina. Magkahawak pa sila ng kamay Diary na pawang walang paki alam kung marami man ang taong nakakakita sa sobrang sweetness nila.

Sana Diary, hawak-hawak ko parin ang kamay niya ngayon :(
Kung hindi lang kasi siya bumitaw agad.

Teacher Mong Nagdradrama,
KHEYLEEN😭

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon