7- Pain Strike

1 0 0
                                    

Dear Diary,

I don't know what is happenning to me pero namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaupo katabi si Zachary sa loob ng sasakyan habang patuloy ang pagbubos ng malakas na ulan mula sa labas.

Yes Diary! Pumayag nga ako sa alok ng gwapo kong kapit-bahay na sumabay na sa kanya sa pag-uwi. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga students na kasabayan ko at ang iba ay kinakantsawan pa ako ng may kasamang pilyong ngiti mula sa kanilang mga labi.

"Uyy si Ma'am may bago ng lablayp"

"Ma'am sakay kana."

"Oo nga ma'am! Wag mo paghintayin si kuya gwapo baka i break ka niyan."

At bago pa may masabing kung anu-ano ang mga students na kasama ko diary ay nakisilong na ako at sumakay sa sasakyan ni Zachary. Desperada na kung desperada diary pero all I want right now is to go home and scape this heavy rain. Pakapalan na ng mukha Diary, WHO CARES! Wala Diary! Walang may pake! Tulad ng EX kong nawalan na ng PAKE sakin nung nakahanap na siya ng bago.

Eto na naman Diary eh. Dradrama na naman ang teacher mo. Kasama ko na gwapo oh?? Why thinking of my stupid ex again??? Huh??

Tumingin ako sa direksiyon ni Zachary Diary na busy sa pagmamaneho. Mabagal lang ang takbo ng sasakyan at mukhang ingat na ingat siya.

Medyo basa na din ang buhok niya. Maybe it's my fault dahil kaninang pinayungan niya ako ay mas occupy ko yung buong payong at konting part lang ang nakasilong sa kanya. Nakokonsensya tuloy ako diary dahil baka ako pa ang dahilan ng pagkakasakit niya. Pero in all fairness, mas gwapo pala siya pag wet look habang nagmamaneho!!

Ahh! Ano na naman bang pagnanasa ang nasa isip ko Diary?? Oo na! Si Zachary na ang gwapo sa wet look. Tss. Pero realtalk diary! Nilalamig na ako. Kung bakit kase pati Jacket ko nakalimutan ko eh hindi lang pala payong. Bakit ko ba nakakalimutan ang mga importanteng bagay? BAKIT DI NALANG KASE YUNG EX KO ANG MAKALIMUTAN KO?? TUTAL HINDI NAMAN NA SIYA IMPORTANTE SAKIN MAGMULA NUNG NAGLOKO SIYA.

OH! ISANG DRAMA PA TALAGA! NAKUUU! JACKET LANG KASI KANINA EH. At yun na nga Diary mangingisay na ata ako sa lamig.

Bago pa ako mamatay sa lamig diary, Zachary suddenly stop the car. Isinarado nito ang aircon ng sasakyan. Thanks! Sa wakas! But my feeling is the same! Nanlalamig parin ako. Jusme! Is this pulmonia already? Di naman sa OA noh.

"Wear this, para dika lamigin." Zachary put his Leather Jacket on me and gave me a smile. "Dadaan tayo sa grocery mamaya and let's buy some ingredients for chicken soup." And then he continue driving.

"Treat mo??" I asked. Medyo nabuhayan ang mga alaga ko sa tiyan nung marinig ang "Chicken Soup" Its been a long time since I ate that kind of food. Noong nakaraang taon pa ata nung umuwi ako sa amin. Tag-ulan kasi noon and kuya cooked that for us because specialty niya yun and I can say that the taste is perfect.

Mom and I tried to cook that, pero hindi talaga namin makuha or let me say magaya yung luto ni kuya. Yung luto ni kuya malinamnam ang lasa pero yung luto namin ni mom noon, maalat na maasim na parang panis ang lasa na sabi nga ni Dad eh pwede ng pagtiyagaan pero hindi din naman kinain dahil hindi katiyaga tiyaga ang lasa.

"Yeahp. It is my treat, mukhang pagod ka sa school ah?" Tanong nito sa akin Diary. Minsan ay tumitingin siya sa dako ko at mapupunta na sa daan ang atensiyon ng mga mata niya habang kami ay nag-uusap.

"Sort of.  Pero okay lang sanay naman na ako. Bakit ka pala napadaan sa school?"  Curious kong tanong kasi nga diba, police siya eh. Dapat dun siya sa headquarters ng mga police malapit sa Plaza na sa katotohanan ay malayong-malayo ang agwat nito mula dito sa school. Kaya how come naman na dadaan siya dito sa school without any reason, right?? Huwag niyang sabihing nagjojoyride siya under the rain. Aba! Bago yun Diary. Lakas maka aksaya ng gasolina si kiyaah!

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon