Dear Diary,I hate it Diary! Kung kailan naiwan ko ang payong ko sa apartment saka naman biglang umulan ng malakas. Basang-sisiw tuloy ako ng makarating ako sa waiting shed sa harap ng school.
Err! Why so ulyanin kase self? Kung kailan kailangan ko yung payong ko, saka naman wala. Parang yung Ex ko lang yung payong Diary eh. Wala siya nung kailangan ko siya.
Asan siya nung mga panahong nahihirapan ako?? Asan siya nung mga panahong kailangan ko siya Diary?? Wala siya. WALA!
YOU KNOW WHY HE'S NOT THERE WHEN I NEED HIM?? KASE NGA NASA IBANG BABAE SIYA THAT TIME!Here I come again Diary. Reminiscing the past. Eh payong lang naman kase ang pinag-uusapan kanina eh. Kung bakit napunta na naman sa Ex ko. Ah alam ko na. Maybe I remembered him, kase umuulan nung hiniwalayan niya ako. Ganda talaga ng timing niya eh. Under the rain pa noong nakipag break ang gago. At ang back ground sound namin noon ay ang kulog with matching spot light pa through lightning. Oh diba? Ang bongga Diary. Buwis buhay talaga. At ang pinagpuputok ng buchii ko Diary eh yung bagong bili kong payong that time. Tinangay ng ex boyfriend ko after niyang makipagbreak noon. Walangya yun. Pati payong ko, pinatos at di na binalik. Basang-basa tuloy ako ng ulan noon Diary. Maybe that is the reason why there is a connection of my umbrella and my stupid ex.
15 minutes na akong naghihintay dito sa shed Diary pero hindi parin tumitila ang ulan. Yung ibang students ay nagsilabasan na rin and some of them ay basang-sisiw na rin at nagtatakbuhan sa gitna ng ulan para maka silong. Yung iba naman ay finifeel ang rain. Palibhasa may mga payong.
Ang useless naman kase ni Timmy eh. Isa ding walang payong, good for her dahil may boyfriend siyang naka kotse kaya hindi nabasa ang ate mo sa ulan, libre sasakyan pa siya. Tsss. Makikisakay sana ako kanina eh kaso ibang direction ang punta nila.
Poor me Diary. Unlike Timmy, I have no boyfriend here na magsusundo sa akin at magbibigay ng payong. Siguro ang choice ko nalang ngayon ay patilain ang ulan kasama ang mga students na wala ring payong na tulad ko. Buti nalang at iniwan ko ang ibang libro ko sa nook kanina dahil kung hindi ay malamang basa narin yun ngayon. Hayys.
"Achooo!" Mukhang sisipunin pa ako sa lagay na toh Diary. Pinupunasan ko ang mukha ko ng panyo Diary ng biglang may humintong black SUV sa tapat ko. Mukhang may taga-sundo na ang ibang students. Gara ng sasakyan ah. Rich kid siguro may ari neto. I continue wiping my face Diary ng biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon ang isang lalaki habang hawak-hawak ang payong na color sky blue. Hindi masyadong mahagilap ng mata ko ang itsura nito dahil nakaharang yung payong Diary. But base on my observation, this person looks familiar to me. Yung feature ng mukha niya. Kahit side view lang nakikita ko sa kanya eh parang nakita ko na talaga siya.
Akala ko, ako lang ang nakatingin sa lalaki Diary pero pati din pala mga kasama kong students ay nakatingin narin sa lalaking nakahawak ng payong. Yung iba ay inaabangan kung sino ang maswerteng taga sundo ng lalaki mula sa sasakyan.
Parang slow mo lang Diary nung tuluyan na siyang nakalabas ng sasakyan at pagkatapos niyang buksan ng maigi yung payong ay dun ko napagtanto na kilala ko nga ang lumabas.
It's Zachary, wearing his Police Uniform while holding the umbrella.
Slowmo din ang paghakbang niya papunta sa pwesto namin Diary. Anong-- I mean-- sinong sinusundo niya rito?? Sinong maswerteng nilalang ang pag-aalayan ni Zachary ng payong??
"Ang gwapo niyaaa!" rinig kong saad ng dalawang students sa tabi ko Diary. Mukhang nagsama na ang lamig at kilig nila sa katawan ng makita si Zachary.
Ang gwapo naman kasi niya Diary. Zachary walking under the rain with the umbrella and his Police Uniform. Ang hot tingnan Diary. Ang lakas ng dating niya.
Palapit na siya ng palapit sa direction namin Diary and I can't explain why my heart keep on beating so hard and fast. Anong drama ko?? Dito ba siya sa pwesto ko pupunta?? O baka sadyang assuming na naman ako. Baka naman nasa likod ko yung susunduin niya diba??
I can't help myself starring at him Diary habang ilang metro nalang ang lapit niya mula sa akin. And then he stop just in front of me. Sabay ng paghinto niya sa harapan ko Diary ay ang paghinto ng hininga ko at sa buong paligid ko.
Yung iba ay sa amin na nakatingin. What on earth is happening?? Bakit huminto si Zachary sa tapat ko Diary??? Bakit?? Sa akin ba niya iaalay ang payong niya??
Mas lalong sumikip ang dibdib ko Diary when he smiled at me at nagpakita pa talaga ang malalim niyang Dimples.
"Hi Teacher Kheyleen. Silong kana. Sabay na tayong umuwi. Pwede???"
And there it goes. Mas lalong hindi na ako nakahinga Diary. Is he asking me for a ride?? Owwmegesh. What will I going to answer? Am I the one whom he is talking right??? I can't believe this. Zachary offering an umbrella and a ride for me? For real???
Teacher mong Undecidable,
Kheyleen
BINABASA MO ANG
Diary Of A Broken Teacher
RomanceDear Diary, We broke up today. I mean he broke up with me in our 27monthsary. Honestly speaking Diary. Ang sakit. Mas masakit pa to compare nung nakakuha ako ng grade na 75. I can't sleep na din Diary. Ang pagiging broken hearted ko ngayon Diary ay...