Dear Diary,I'm here at Zachary's apartment. After ng mala-emote kong scenario because of my Ex sa grocery kanina Diary ay hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari. I am so down last time.
I woke up when someone was tapping my face softly and I saw Zachary at nakatulog pala ako sa biyahe. We decided na dito na sa apartment niya tumungo dahil nga magluluto pa siya gaya nga ng sabi niya kanina. That's why I'm here. Sayang naman ang Chicken Soup noh! Baka sakaling matikman ko yun Diary ay humupa na ang sakit at bigat na nararamdaman ko.
"Can I help you here??" I asked Zachary. Kasalukuyan niya ngayong hinuhugasan yung karne.
"Thankyou but I can handle this. And beside, you are my visitor kaya umupo kana lang doon." Nagtaas baba pa ang mga kilay niya Diary habang tinuturo ang sofa.
"Eh tutulong nalang ako. Pleaseeee. Ako na maghihiwa nitong onions." I volunteered myself at agad ko ng kinuha ang knife at sibuyas.
"Err. There is no way to stop you hah.. So be it. Just be careful." saad nito sa akin.
"Yes sir." I answered at sumaludo pa ako sa kanya saka sinimulan na ang pagbabalat ng sibuyas. Nakakahiya naman kung panood nood lang ako sa sala noh.
Pagkatapos kong balatan ang sibuyas Diary ay hinugasan ko ito at saka sinimulan ng mag slice.
Napahinto ako sa ginagawa ko Diary ng sumulpot nalang bigla sa likod ko si Zachary at may hawak na pink apron. Ang lapit nito sa akin Diary kaya hindi ako agad nakagalaw dahil wala na akong aatrasan. "Wear this apron. Para hindi madumihan yang uniform mo." sinuot sa akin ni Zachary yung Apron. Nakasuot din pala siya nito, yun nga lang color blue yung kanya pero the same design na puro mga picture ng gulay.
"T-thankyou" shock ko paring sabi dahil hindi parin ako makaget-over dahil sa ginawa ni Zachary na pagsuot ng apron sa akin.
Nagpatuloy na ako sa pag slice ng onions Diary at napunta ang tingin ko sa direksiyon ni Zachary sa harap ng stove at busy'ng nagkikiwal. Jusko po! Bakit ang hot niyang tingnan sa apron niyang suot.
Eto talaga yun Diary eh. Si Zachary talaga ang perfect boyfriend material because aside from his perfect features and godly looks mas nakakaturn on pa ang galing niya sa pagluluto and that is a bonus for him dahil bihira lang ang lalaking marunong at magaling magluto dahil yung iba magaling lang sa panloloko. And there, naalala ko na naman yung Ex--
"Ouuucccchh" I scream when I saw my pinky finger na may pulang liquid na lumalabas mula rito. Ang sakit Diary. Ang sakit mahiwa ng kutsilyo.
"Hey. Are you-- oh ghad!!" Agad lumapit sa akin si Zachary Diary at halata sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Inakay niya ako sa kitchen sink Diary at saka niya hinugasan ang sugat ko sa hinliliit. Napapapikit nalang ako dahil sa hapdi. Ang tanga kasi nung kutsilyo. Gravee!
"Sit here, okay. Kukunin ko lang yung medical kit." Pagkasabi nun ni Zachary ay agad na din naman akong umupo at tiningnan ang sugat ko. How can I write on the board tomorrow kung ganito ang daliri ko. Poor hand!
"Give me your hand." utos sa akin ni Zachary Diary. Umupo siya sa tapat ko saka niya pinatong ang med. Kit sa lamesa. I gave him my hand. Hinawakan niya ito and he started to pour the alcohol in it sanhi ng pagsigaw ko ng "araaay".
Gossh! Nakakahiya ang kaingayan ko Diary pero ang hapdi. Ikaw kaya masugatan ng kamay tapos lalagyan ng alcohol.
"Look. I'm so sorry. Dadahanin ko na." Zachary look at me with his sorry look at dahan-dahan na ang pagdampi niya ng bulak na may betadine sa sugat ko. "Mahapdi parin ba?" Tanong nito sa akin habang hinihipan niya ito.
"Medyo." I gave him a smile para maniwala siya. He's still holding my hand and I can't help but to smile. Ang lambot ng kamay niya. Yung feeling na ayaw mo ng bumitaw Diary.
Ghad! Ang landi!
"Next time mag-iingat ka hah?" He reminded me.
"Yup" mag-iingat ako para sayo. Ayieeh! Binitawan na niya ang kamay ko.
Tss. Why did you let go? I'm just enjoying your hand you know??
Liniligpit na niya ngayon yung mga ginamit namin. Hindi na ako umangal dahil hindi ko naman pag-aari yung kamay niya.
" I'm so sorry Zach." nahihiya kong saad Diary. Naabala ko tuloy yung ginagawa niya.
"Don't say that. I should be the one saying sorry, okay. Sana hindi nalang kita pinayagan sa pag slice ng onions edi sana hindi ka nasugatan." mahabang wika nito habang linalagay yung band aid sa daliri ko.
He's holding my hand again pero nilagay lang pala niya yung band-aid.
"No. It's my fault. Kung hindi sana ako nagpumilit, hindi mangyayari toh. But it's okay malayo naman to sa bituka. Thankyou by the way."
"You're welcome. Wait me here and I'll finish the soup so that we can eat." saad nito at tumungo na siya sa harap ng kalan.
Umupo nalang ako sa sofa Diary saka nagbukingking ng mga magazines. Bigla akong nagutom ng maamoy ko ang aroma ng chicken soup na linuluto ni Zachary. Ang bango Diary. I'm so excited to eat.
"Done. So let's eat." yaya niya sa akin kaya agad na akong tumungo sa kitchen. Di naman excited kumain noh??
Inakay niya ako papunta sa pwesto ko saka niya inusog yung upuan para makaupo ako ng maayos. Eh sa gentleman pala tong si kuya police eh.
"And this is A Lutong Bahay Chicken Soup: Zachary's Version." Umupo na ito sa tapat ko.
"Wow. Looks like the taste is good, itsura palang nakakatakam na." Komento ko Diary dahil nagniningning na ang mata ko dahil nasa harapan ko na ang chicken soup na matagal ko ng gustong kainin. Isama mo pa yung amoy niya na mas lalong nagpacrave sa buong kalamnan ko.
"Want to taste it?" tanong sa akin ni Zachary.
"Sure!" Walang patumpik-tumpik kong sagot saka kinuha ang kutsara ko at kukutsarahin ko na sana yung soup ng biglang sumingit yung nakaabang na kutsara na may lamang chicken soup sa harapan ng bibig ko.
"Here." Saad ni Zachary habang hawak parin yung kutsara. Susubuan ba niya ako Diary??
"H-ha???" nalang ang tanging nabigkas ko dahil my aftershock pa ako sa kutsarang hawak niya.
"Say "ahhh" and taste it. Tell me what's the taste, pleaseee." Nag puppy eyes pa ito na ikinatawa ko dahil para siyang bata na nagmamakaawa na bilhan ng laruan. Ang cuteee!
"Okay fine." Agad ko ng sinubo yung chicken soup Diary at tinikman ang lasa. Sheemms! Mas masarap pa tong luto niya compared to kuya. Ansabe ng Zachary's Chicken Soup diba???
Agad ulit akong sumubo ng chicken soup at sumubo pa ulit.
"This is the best chicken soup eveeer!" Wika ko kay Zachary saka na naman ako ulit kumain. Pag nasa bahay ako nito, malamang kaagaw ko na sina mom and dad dito sa pagkain. Thanks God! Dahil solo ko lang tong malaking bowl ng chicken soup.
"Ang gana mong kumain. Dahan-dahan lang baka mabulunan ka diyan." Remind nito sa akin. Naconscious tuloy ako sa sarili ko Diary dahil narealize ko na parang ang takaw-takaw ko sa lagay na toh. Kaya dinahan-dahan ko na lang ang pagsubo pero puno ng soup yung kutsara ko.
Konting pa demure para naman hindi halatang patay gutom.
"So tell me what is the reason why are you crying last time??" biglaang tanong nito kaya bigla nalang akong nabulunan kaya sunod-sunod na ang pag-ubo ko.
Gosh! I can't breathe.
"Water Drink it." Zachary gave me a glass of water kaya ininom ko ito at after a minute ay nawala na din ang nakabara sa lalamunan ko. Mukhang tama nga si Zachary. Nabulunan ako. Eh bakit kasi tinatanong niya yung reason kung bakit ako umiiyak kanina..?? Curious ba siya?? Diary.. what can you say about this? Tell me your insights.
Si Zachary.. curious sa akin??? Huwee.. Do I need to tell him what is all about that scenario last time??
Teacher mong nakasurvive sa pagkabulon,
Kheyleen♡
BINABASA MO ANG
Diary Of A Broken Teacher
RomanceDear Diary, We broke up today. I mean he broke up with me in our 27monthsary. Honestly speaking Diary. Ang sakit. Mas masakit pa to compare nung nakakuha ako ng grade na 75. I can't sleep na din Diary. Ang pagiging broken hearted ko ngayon Diary ay...