3-Where is Toffee?

3 0 0
                                    

Chapter 3

Dear Diary,

Pag-uwi ko ng apartment galing school ay agad na akong humilata Diary. Kanina pa hinahanap ng katawan ko ang malambot kong kama. Ang sarap humiga Diary. Yung feeling na wala na akong balak bumangon dahil sa sobrang pagod. Pipikit na sana ako Diary ng maalala ko si Toffee!

Oo nga pala. Hindi pa yun kumakain ng lunch. My poor Toffee. Agad akong bumangon Diary para tingnan si Toffee sa baba pero pagkarating ko doon ay tanging tali nalang niya ang nandoon at wala na siya.

Oh! My! Nawawala si Toffee Diary. Nawawala ang aso ko. Saan ba yun nagpunta? Hinanap ko siya sa buong apartment Diary baka sakaling nandoon lang siya sa tabi-tabi. Pero kung minamalas ka naman eh hindi ko talaga siya mahanap.

Ano yun?? Nagtampo kaya siya kasi hindi ko siya napakain ng lunch?? Saan na ba kasi ang asong yun Diary? Siya na nga lang ang meron sa akin eh, pati ba naman si Toffee iiwan na ako. Nahawa na ba siya sa EX kong nang-iiwan Diary?  Yung EX kong andali nalang sumuko at hindi man lang ako pinaglaban :'(

Teka! Bakit ba napunta sa punyeta kong EX Diary? Si Toffee ang pinag-uusapan dito! Hindi ang punyeta kong EX! Naman oh!

Bago pa mapadpad kung saan ang pag-iisip ko Diary ay lumabas na ako ng apartment para hanapin si Toffee sa mga kapit-bahay ko. Malawak ang sakop ng kinatatayuan ng mga apartment dito Diary. Parang subdivision lang din ang style niya kaya mahihirapan talaga akong maghanap kay Toffee kung hindi ko pa sisimulan ngayon.

Nagpalakad-lakad ako sa kalsada baka naroon lang ang aso ko pero wala, kaya naman napadpad ako sa katapat kong apartment Diary. Mukhang bakante pa ito at walang nakatira dahil sa tahimik nitong lagay. Lumingon lingon ako sa loob Diary at nakita ko doon ang pasyadora kong aso na si Toffee na nakikipaglaro sa kapwa niya aso.

"Toffeeeee!" Tawag ko sa aso ko Diary, pero tinahulan niya lang ako saka siya nagpatuloy sa pakikipaglampungan sa bago niyang kaibigan.

Ang taray ni Toffee Diary! Inisnob niya ang beauty ko. Pagkatapos ko siyang hanapin sa kung saan, tatahol-taholan na lang niya ako ng ganun-ganon lang??

Papasok na sana ako sa gate ng kapit-bahay ko Diary para kunin si Toffee pero naka lock ang gate. What the eff! Diary! How can I enter that house? Kailangan kong makuha si Toffee baka kung saan-saan siya magpupupunta pag hinayaan ko siya. Ayaw kong matulad siya sa EX kong napunta na ata sa IBA.

Ano daw!? Nevermind Diary. All I need to do right now is to find ways on how to get Toffee out of this apartment.

Iisa nalang ang choice ko Diary para makuha si Toffee. OO Diary, I have only one choice to get my dog... unlike my EX and I... there was no choice for us to get back together. :(

Tiningnan ko ang medyo may kataasang bakod ng apartment Diary at ang punong katabi nito. Kailangan kong akyatin ang puno Diary na may 7 feet naman siguro ang taas. Ang puno Diary kung saan malapit sa bakod na tutungtungan ko para makapasok sa katapat kong apartment. Napansin ko kasi Diary na may ladder na nakatungtong dito kaya mas mapapabilis ang pagbaba ko para kunin si Toffee.

Dahil sa desidido na talaga ako Diary, ay dali-dali ko ng inakyat ang puno at sa kabutihang palad ay successful naman ang pag akyat ko at nakatuntong agad ako sa bakod. All I need to do right now ay ang pagbaba gamit ang ladder.

Owwemmgee Diary. I didn't expect na ang taas pala ng inakyat ko. Dahan-dahan akong tumapak sa ladder Diary, pero sa sobrang dahan-dahan ko ay biglang nabali ang isang tapakan nito at na out of balance pa ako kaya ko nabitawan ang hawakan nito. What the hell Diary. Mahuhulog na ba ako?? No!

Parang slow mo lang Diary, dahil nakikita ko na unti-unti na ang pagbagsak ng katawan ko sa matigas na semento. Goodbye Earth na ba?? Pinikit ko nalang ang mata ko Diary at hinihintay ang semento na sasalo sa akin. I hate this Diary! I hate Toffee also. Kung hindi dahil sa chossy kong aso. Hindi sana ako aakyat sa mataas na bakod na to at hindi ako mahuhulog.

At pabagsak na nga ako Diary, pero ng dumapo ang katawan ko sa semento Diary ay parang hindi naman ako nasaktan! Teka! Semento ba ang binagsakan ko? Bakit parang medyo --- muscles naman!!

Muscles ba kamo Diary??? Dahan-dahan kong binuksan ang nakapikit kong mata Diary at bumungad sa akin ang mukha ng isang mala-anghel na awra ng lalaki dahil nasisinagan pa ito ng araw kaya kumikinang sa aking paningin. Hindi kaya??? Sinalo niya ako Diary? Ramdam ko kasi ang mga bisig niya na nakahawak sa likod ko. Am I safe now? And this stranger saved me from danger. Seryoso siyang nakatingin sa akin Diary at magkasalubong pa ang mga maiitim niyang kilay. But when I look to his other side ay may part din naman na nagwoworry siya?? I'm not sure of that word "Worry" Diary. Pero ewan ko lang. Baka sadyang feeling lang ang lola mo. Epekto siguro toh ng pagkahulog ko Diary.. kase for the second time, may sumalo sa akin. Pero gaya ng Ex ko Diary, sasaluhin niya ako pero pag nagtagal, I-le-LET GO din niya ako.

Oh! Why so Drama Diary??

"Miss are you alright?" Rinig kong tanong ng lalaki Diary, pero bago pa ako makasagot  ay nagdilim na ang paningin ko and I don't know what happen next.

Please Diary, kung hindi na ako magising, paki update naman ako kung anong ginawa ni Kuyang Stranger sa sexy body ko.

Teacher mong mawawalan  na ng malay,
Kheyleen♡

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon