Dear Diary,
Nalate akong pumasok ngayon dahil nalate din ang alarmclock ko.. I mean na late ako sa pag gising. Paano ba naman kase, after kong magshare ng past ko kay Zachary ay pulos iyak na naman ako. Saka lang niya ako hinatid nung tumahan na ako sa pag-iyak. May patake out pa siyang ChickenSoup na rineheat ko kaninang umaga at iyon ang kinain ko. Hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi Diary sa kakaisip ng mga sinabi sa akin ni Zachary. And I don't know why I keep thinking those words that he said. Late na tuloy ako natulog kaya late din nagising ang lola niyo.
Buti nalang at naunahan ko yung principal namin sa pagpasok sa school kaya ligtas na naman ako sa sermon.
I saw Timmy na kasalukuyang nakatayo sa likod ng mga students na nakapila. Malapit na din kasi ang flag ceremony kaya lumapit na din ako sa tabi niya.
"Goodmorning cher!" (Cher short for Teacher) I greeted her with a wide smile pasted on my face para kunware maganda gising ko.
"Goodmorning too cher! Mukhang maganda ang gising mo ah!" Hyper na hyper na saad nito Diary.
Kung alam mo lang Timmy. Kinulang ako ng tulog kaya hindi maganda ang gising ko. Acting ko lang to day!
"HAHA! talaga ba bessy?? Maganda padin ako?? Maaga kase ako nagbeauty rest kagabi." Pagsisinungaling ko.
"Mukha nga eh. LAKI NG EYEBAGS OH! Natulog nga ng maayos." saad ni Timmy Diary at idiniin pa talaga niya ang word na Eyebags. Mukhang mahirap talaga magsinungaling sa babaeng to.
"So, tell me the reason behind those big blacky eyebags there all over your face."
How can I explain this to her?? Na nakita ko na naman yung Ex ko na masaya na sa iba. At ako nag-iiyak na naman ang bagsak.
"Nothing." I answered her shortly saka nagconcentrate na dahil national anthem na ang kinakanta.
"Paniguradong yang EX mo na naman yan. Hayys Khey! Move on na." Pinandilatan pa ako nito.
MOVE ON!
Yes it is easy to say but it is hard to do. I don't know when to start and how can I overcome the pain. Paano nga ba Diary??? Mawawala pa ba tong sakit?
After the Flag Ceremony Diary ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming advisory class. Literature ang ituturo ko today. And as usual Diary, story teller na naman ang drama ko for 1 hour and 30 minutes. After my other class ay may sumunod pa akong klase.
At exactly 12 Diary ay tapos na ang klase ko kaya diretso na ako sa nook namin for lunch. Wala na akong time magluto kanina ng baon ko kaya sa canteen na naman ang bagsak ko.
"Hoy babae, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Timmy ng makasalubong ko siya sa pinto na may bitbit pang libro. Katatapos lang siguro ng klase niya. Lakas din maka overtime to eh.
"Bibili ng lunch."
"Wait! Sama ako." Saad nito at agad pinatong ang libro sa table niya saka narin lumapit sa akin. "Himala! Hindi ka nagbaon ngayon! Anong meron ateng?" Pag-iintriga nito sa akin habang naglalakad kami papuntang canteen. Nasanay na kasi siyang nagbabaon ako at minsan, siya pa mas nakakarami ng kain sa binaon ko.
"Wala na nga akong time kanina mars."
"At bakit? Kelan ka pa nawalan ng time?"
"Bastaa." Tipid kong saad Diary. Kukulitin na naman ako nitong babaeng toh eh.
She gave me a death glare Diary. "Bahala ka kung ayaw mong magshare. And by the way, nasa akin pala yung invitation mo para sa reunion natin nung high school. Bigay ko sayo mamaya."
Tumango lang ako Diary at expected na na Grand Reunion na naman ang magaganap. Per year yun at hindi lang basta-basta reunion yun kundi parang isang bonggang gathering kung saan pabonggahan talaga ang suot. Marami din sari-saring activities, contests at kung anu-ano pa. Parang prom din ang dating nito dahil may pipiliin pang best couple, star of the night etc.
Naalala ko nga dati Diary, palaging si Nicolo ang partner ko tuwing may reunion na nagaganap sa school namin nung highschool. Mula nung magkaibigan palang kami hanggang sa nanligaw siya at naging kami, siya palagi ang kasama ko Diary. Ka batch ko din kasi siya. Siya din ang naghahatid sundo sa akin at naging couple of the night din kami noon at halos lahat ng kaklase ko noon at mga co teachers namin ay tinutukso kami at hinihintay nalang kung kailan daw kami ikakasal dahil umaasa sila na kami parin sa dulo.
But sad to say Diary, mag-isa nalang siguro akong aattend sa reunion namin, wala ng maghahatid sundo sa akin. Wala na siguro akong matatanggap na couple of the night na award dahil wala naman na akong ka partner at wala nading aasahang Nicolo na maglalakad papunta sa stage. At higit sa lahat Diary wala ng aasahan pa ang mga classmates and co teachers ko na kami talaga hanggang sa huli. We ended that way at sa malamang sa malamang hindi na ang kamay ko ang hawak ni Nicolo habang naglalakad sa grand entrance kundi ang babaeng pumalit na sa akin sa puso niya.
"Hoy! Bes. Natulala kana diyan!" saad ni Timmy na ikinabalik ng ulirat ko. Leche! Naglakbay na naman ang utak ko.
"Timmy naman eh! Makatabig wagas!" Suway ko sa kanya saka tinanggal ang tissue na nakabalot sa kutsara at tinidor. Nandito na kami sa canteen at kasalukuyang naka-upo.
"Haleer! Kanina ka pa kaya tulala diyan. Naka order na nga tayo at nakarating nadin dito sa upuan pero yung utak mo lumilipad."
Napatingin nalang tuloy ako sa pinggan ko na may lamang kanin at ulam Diary. Mukhang lutang nga ako dahil hindi ko man lang namalayan na napunta na kami dito.
"Iniisip ko kase yung grand reunion mars!" Nasabi ko nalang.
"Ahhh. Kaya pala. Siguro iniisip mo kung sino ang pupulutin mong escort noh." Paghuhula nito Diary at nakataas pa ang hawak niyang kutsara.
Umiling ako. "Hindi noh! I don't need escort. I can go alone."
"Asuus! Hoy babae! Wag mo nga akong lokohin, wala na yung escort mong ex. Okay? And wait, aattend din pala si Nicolo sa reunion naten. Gosh! Paano pag nagkita kayo??" Mahabang saad nito at nanlalaki pa ang singkit niyang mata.
Kaibigan ko talaga to dahil mukhang nabasa niya nga ang nasa utak ko. Paano nga pala pag ganun.
Si Nicolo kasama ang pinalit niya sa akin tapos naglalakad sila papasok sa venue na nakangiti at mukhang inlab na inlab sa isa't-isa. Tapos ako? Solo flight? Emo ganun? Mag-isang naglalakad sa red carpet at mukhang wasted. Mukhang hindi pa nakamove on at bitter kung makatingin sa ex niya at sa pinalit sa kanya. Ganun ba Diary??
Oh no!! This can't be.
"Paano nga pala pag ganun Timmy??" Sumubo ako sa ulam ko habang nakatingin kay Timmy Diary.
Umiling-iling lang siya saka tumingin sa taas na parang nag-iisip. "Alam mo mars, dapat may escort ka din eh. Dapat ipakita mo sa kanyang naka move on kana at may nahanap na iba. Ganun! Para magmukhang hindi ikaw ang napag-iwanan sa lagay na yun. Diba?? Perfeeect!"
Kinuha ko ang tissue paper saka binato sa kanya.
"Sira! Saan naman ako pupulot ng mag-eescort sa akin aber? And what do you want me to do?? Magrerenta ng boylet and pretending that we are in a relationship and acting that we are so inlab with each other, ganon??"
She shrugged. "Exactly Mars. In that case mapapanatag ang loob mo. Plusss iwas kana sa chismis sa school why you two broke up and.. maipapakita mo din sa ex mong "it's over" na talaga ang relationship niyo."
"Ewan ko sayo Timmy. Parang sa sinabi mo eh mukhang desperada parin akong hindi matanggap na wala na kami, at kailangan pa talagang may magpretend na lalaking sweet sa akin. Jusmee."
"Wag kang Kj! Just for one day lang naman. And after that. Wala na. Bahala ka diyan."
What the! It was very complicated Diary. Sino naman ang pupulutin kong lalaki pag nagkataon??
Why Timmy's idea is unpredictable!!!
BINABASA MO ANG
Diary Of A Broken Teacher
عاطفيةDear Diary, We broke up today. I mean he broke up with me in our 27monthsary. Honestly speaking Diary. Ang sakit. Mas masakit pa to compare nung nakakuha ako ng grade na 75. I can't sleep na din Diary. Ang pagiging broken hearted ko ngayon Diary ay...