9- If I were HIM

4 0 0
                                    

Dear Diary,

" So tell me what is the reason why are you crying last time??" 

Hindi ko alam Diary kung sasagutin ko ba ang tanong ni Zachary o hindi. I gave him a blank look. Importante bang malaman niya?? Yes! We are friends but kahapon lang yun nung nagsimula yung friendship namin eh, and aside from that hindi ko pa toh nasasabi kay Timmy. Malamang pag kwinento ko sa kanya eh babahain na naman niya ang Ex ko ng mga trashtalks na hindi man lang niya namamalayan.

Pero as they said: It is better to share your problems to stranger. Pero hindi naman na stranger si Zach eh.

Sige na! Sasabihin ko na.

"Kase ano eh---"

"It's okay kung ayaw mo munang pag-usapan." Pagpuputol nito sa sinasabi ko. Nagliligpit na siya ng pinagkainan namin kaya tumayo na ako at tinulungan ko na siya.

"I cried because of my Ex." Diretso kong sagot. Napasandal siya sa kitchen sink kaya nabigla ako sa pagsunod sa kanya. 3 inches nalang tuloy ang gap ng mga mukha namin sa isa't-isa kaya napaatras nalang ako sa sobrang bigla. Muntik na yun.

"Then, how about your Ex??"

"I saw him last time at the grocery with his new girlfriend." simula ko saka na ako nagkwento ng past sa kanya. Kung paano kami nagkakilala ni Nico, kung paano niya ako linigawan at kung paano kami naging dalawa. Tanda ko pa, umuulan noong sinagot ko siya sa parke. At ang masakit, umuulan din nung naghiwalay kami.

"All I thought his love is real until one day, I decided to have a surprise visit for him in his condo. Pero ako yung nasurprise because I saw him with another girl kissing." Pagpapatuloy ko. Ang sakit parin pala Diary. Sariwa pa sa ala-ala ko ang mga panahong iyon.

Nag-effort pa naman akong gumawa ng apple pie na favorite niya. Pagod na pagod pa ako ng araw na iyon dahil after ko magturo ay nagdiretso na ako sa condo niya. And there, I saw them.

"Pinagpili ko siya kung ako ba o yung babaeng kasama niya, and he choosed that girl over me and he told me that he only used me para lang pagselosin yung babae. Nagtagumpay nga siya sa plano niyang panggagamit sa akin because he get already the girl she truly love.

"Then, makalipas ang isang araw, he texted me na magkita daw kami sa park kung saan ko siya sinagot. Akala ko magsosorry siya sa akin. Akala ko babawiin niya yung sinabi niyang ginamit lang niya ako. Ako naman si tanga, pumayag. Kase I'm still hoping na maayos pa namin. But I'm wrong. Yung akala ko, eh akala ko lang talaga because that day, he broke up with me officially and I have no choice to accept it. That's why I end up broken and dump by someone I love but he doesn't love me back." Sheemmss! Why am I crying of that thought again??

"He's an asshole!" May galit sa boses na saad ni Zachary.

"Yes, he is. He is a jerk!" Pagpapatuloy ko.

"He is so dumb of choosing that girl over you. He doesn't deserve your love. So stop crying please." Paki-usap nito sa akin Diary saka niya pinunasan ang luha ko for the second time.

"Siguro nga tama ka. Pero masakit pa din eh. Masakit pa din dito." Tinuro ko ang parte kung nasaan ang puso ko at nagpatuloy na naman sa pag-iyak.

"Sa una lang masakit. Don't think of a person who doesn't deserve your tears Kheyleen. Madami pang iba diyan." Saad nito. Then he hug me.

"Tama! Madami pang iba diyan." Pagsang-ayon ko sa kanya. "Pero ang tanga ko Zach dahil nagpaloko ako. Ang tanga-tanga ko!"

"Don't say that. Hindi ikaw ang tanga. Siya ang tanga because he doesn't see your worth and love. If I were him, mamahalin kita at hindi na papakawalan pa Kheyleen. Hindi ko gagawin ang mga ginawa niya sayo because you are different. You are a gem that a man needs to treasure." Mahabang saad ni Zachary Diary.

Honestly speaking, hindi ma digest ng utak ko yung mga sinabi niya. Advice ba yun Diary?? Bakit mukhang Double-meaning ang dating sa akin ng bawat salitang binitiwan ni Zach??

Naprapraning ba ako or what??

Baka naman sinabi lang niya yun, pampalubag ng loob, right Diary???

Ahmm. Mukhang ganun nga.

Teacher mong Dinadigest ang utak,

Kheyleen 😠

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon