11- Be my escort??

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Tahimik akong pumasok sa apartment ko Diary pagkarating ko. Natapos ang maghapong klase ko na bumabagabag parin sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Timmy kanina.

Iniisip ko parin talaga ang mga posibleng outcome ng gagawin ko pag nagkataon. I can't decide Diary. Mas mahirap pa ata toh kesa sa kung anong ilalagay kong lesson objectives sa LP ko.

"Lord! Help me! Why do I need to experience these things?? Sino ba ang lalaking pupulutin ko??"

Hindi naman madaling maghanap ng lalaking willing magpanggap noh! And for sure, baka may bayad din yun pag rinentahan ko.

Upahan lang ang drama Diary.

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko Diary ng marinig ko ang doorbell sa labas. Napatayo tuloy ako bigla. Sino naman kaya iyon? Sa pagkaka-alam ko ay wala naman akong bisita ngayon. Agad akong tumungo sa gate Diary ng magdoorbell na naman sa labas.

"Sandali lang..." sigaw ko. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang itsura ni Zachary mula sa labas ng gate.

"Zach???"

A-anong ginagawa niya rito Diary???

Unti-unting sumilay ang malawak niyang ngiti sa akin Diary  "Hi Kheyleen!" Bati nito.

"H-hi Zach" kandautal kong bati. " Pasok ka muna." Yaya ko sa kanya at lumabas na ako ng pinto para buksan yung gate sa labas.

"Nakapasyal ka? Tapos na work mo?" I ask him.

Pinakita niya sa akin ang hawak niyang paperbag na ikinakunot naman ng noo ko.

Ano kaya ang laman ng bag Diary???

"Ah..ano yan??"

"I brought lasagna for you. Gusto ko sanang matikman mo din." wika nito saka linabas ang tupperware mula sa paperbag.

Nakakatakam ang itsura ni Zach--- I mean yung lasagna Diary.. Ang sarap kainin... nakakatakam. YUNG LASAGNA! OKAY?? HINDI SI ZACH!!

"ANG HALAY MAG-ISIP EH!"

"Gawa mo??" Medyo pag-usisa ko sa kanya.

"Yup. Gusto ko sanang tikman mo din." Saad ni Zach Diary at nakangiti parin sa akin.

Inaya ko siya sa kUsina Diary para dun na namin kainin yung dala niyang lasagna. Napapansin ko lang na puro pagkain ang inaalok sa akin ni Zach Diary. Nung una Chicken soup, pangalawa itong lasagna. Ano naman kaya ang susunod??

Ghad! Umaasa ba ako Diary na may susunod pa???

"Here. Taste it." Inabot sa akin ni Zach ang plate Diary na may laman ng lasagna. Nahiya tuloy ako dahil siya pa ang naghain sa akin gayong siya na ang nagluto at bisita ko pa siya.

"Thanks." Tipid kong saad Diary saka linantakan na ang lasagna.

"Hmmmm. Sarap ah! Your lasagna is the best!" Compliment ko sa kanya Diary dahil ibang klase talaga ang luto niyang pagkain. Yung feeling na gusto mo tuloy-tuloy ka lang sa pagkain without thinking the word 'diet'.

"Talaga? No joke??" Tanong nito sa akin.

"Yeahp" I answered and I continue eating.

Napatigil lang ako sandali sa pagsubo Diary ng mapansin kong nakatitig lang sa akin si Zach habang nakangiti. Naconscious tuloy ako.

Gosh! Bakit ganyan siya makatingin Diary, it gives me goosebump!

"Oyy! Kain kana din oh!" baling ko sa kanya Diary at linapit ang platito na may lasagnang hindi pa nababawasan.

"I prefer watching you eating." Sagot niya na ikinatigil ko sa pagnguya.

Bakit ba siya bumabanat ng bigla-bigla Diary?? Natatameme tuloy ako! Ghad!

"Kumain kana nga lang!" suway ko sa kanya saka ako nagpatuloy sa pagkain. Pero hindi talaga nagpatinag si Zach Diary dahil nanatili lang siyang nakatitig. Na conscious tuloy ako kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa kung saan just to avoid his gaze. Napunta tuloy ang tingin ko sa invitation na nasa ibabaw ng lamesa at naalala ko na naman kung sino ang kukunin kong date!

Ghad!! Napatingin tuloy ako kay Zach. Paano kung siya nalang kaya ayain ko Diary?

Pero nahihiya ako! Wow hah?? Mahihiya pa ba ako Diary????

I have no choice nah. Si Zach nalang kaya?? Gosh! Sana pumayag siya Diary!

"Zach----" bwelo kong saad. He gave me a smile.

"Yes??"

"Ano--" Myghad Diary! Kelan pa ako kinabahan ng ganito?? Aayain ko lang naman si Zach na samahan ako sa reunion diba?? Mahirap ba yun?

Hell! Mahirap nga ata!

"Busy ka ba sa Saturday??" Mabilis kong tanong Diary without hesitation.

"Hindi naman basta ikaw, why?" He answered back. May banat na naman Diary! Jusko! Nakalimutan ko tuloy kung ano ang susunod kong sasabihin.

"AHMMM. Can you be my escort in attending our school reunion??" Lakas loob kong saad Diary. Nanginginig pa ako na ewan dahil baka i-reject niya. Nakakahiya.

Nabigla lang ako ng sumagot agad si Zach ng "Sure." Na ikinangiti ko.

"Thank you! Thankyou very much!" saad ko sa kanya and he gave me thumbs up kaya nag thumbs up na din ako saka ulit sumubo ng lasagna.

Finally Diary! I have my escort now. Thanks to Zach!

Teacher mong nakahanap na ng Escort for grandreunion,

Kheyleen ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon