Chapter 23 - Stuck

115 8 0
                                    

Grey's POV


Ewan ko lang kung anong nangyari kagabi ah! Pero hanep! Magic ata eh! Nawala kaagad ang lagnat ko. Pogi ko talaga!


"Kaleigh! Bilisan mo naman! Male-late na tayo!" Sabi ko habang kumakatok pa sa pintuan niya. Oo! Male-late na talaga kami! Eh late na kaming nagising eh! Tapos ang sakit pa rin nung mukha ko dahil binugbog niya ako kanina.


--FLASHBACK--


"ARGGHH!" Nagising ako dahil sa ingay at... hampas. "Tang**a! May ginawa ka ba sa akin kagabi?! ARRGGHH! Bakit nakatulog ako?!!!" Pinaghahampas pa rin ako sa mukha ko, sa balikat, sa kung saan saan. Bwesit! Ang sakit mang-hampas nito! Akala mo naman ako yung may kasalanan! Eh wala nga akong maaalala kagabi eh na pinatabi ko siya!!!


"Hoy babae! Tigilan mo nga yan! Baka ikaw pa yung may ginawa sa akin kagabi eh!!!" Sabi ko habang pinoprotektahan ang sarili ko. Ang sakit na eh!

Napatigil naman siya pero... "Ano?! Anong ako?! Ikaw nga yung humila sa akin eh!!!" Tapos kinuha niya ang unan at pinaghahampas na naman ito sa akin. P**a akala ko tapos na eh! Pero ito pa rin ako! Pinoprotektahan ang sarili ko!


"Tumigil ka nga! Male-late tayo dahil sa ginagawa mo eh!" And with that bigla kaming napatigil. Speaking of--


Pareho kaming napatingin sa sarili naming relos. "Late na tayo!!!" Sigaw ng babaeng nakatabi ko sa pagtulog!!!


"Maghanda ka na!" 


"Teka, okay ka na ba?" At napatingin sa akin. Kita mo 'to! Akala mo kanina hindi ako inaaway eh! Ngayon naman para siyang naging anghel!


"Oo! Kaya pumunta ka na sa kwarto mo!" 

--END OF FLASHBACK--


"Teka lang!" Sigaw niya galing sa loob. "Hindi ka naman makapag-hintay." Sabi niya nang makalabas niya. TALAGA! Eh male-late na kami eh! At hindi! Mukhang late na talaga!


"Ang bagal bagal mong kumilos eh!" Sabi ko habang naglalakad na kami palabras ng condo. 


"Anong mabagal?!" Linakihan niya pa talaga ang mga mata niya. Nakakatakot magalit 'tong babaeng 'to. 


"Y--yung pagong! Oo! Mabagal yung pagong!" At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

--


Nandito na kami ngayon sa Vidallon Academy at shet! Wala ng masyadong students ang gumagala. Pero mabuti na yun 'no! Walang asungot sa daan. Nakakapagod rin naman aksi yung palagi mo nalang maririnig yung pangalan mo. Pogi ko talaga!


"Grey, late na talaga tayo." Malamang! Eh ang tagal naming gumising eh! Ayysshhh! Naalala ko na naman! Natulog pa talaga siya sa kama ko!!!


"Pumunta ka na sa building niyo!" Sabi ko sa kanya.


"Hindi mo ako ihahatid?" Tanong niya. Ahh oo nga pala!


"Sige sige! Hali ka n--"


"Mr. Vidallon!" Napatingin kami ni Kaleigh sa likod nang may tumawag sa akin. Sh**! Ito yung sinasabi ko eh! "You two are late!" And meet the most terror professor here in Vidallon Academy. I know I can use power, Lalo na at apo ako ng dean! Pero grabe! Nakakaawa naman si Kaleigh kung iiwan ko siya. Pwede niya rin naming gamitin yung pagiging mayaman niya eh pero sh**! Hindi ganun si Mrs. Fuentabella! Kailangan may relative siya na Vidallon-- wait! fiancé niya ako! Pwede ko nama-- ahh oo nga pala! Bawal kong sabihin na engage kami. Tsk tsk!


"We'll explain po--" -Kaleigh


"No explainations! You're still late!" Sabi ko sa inyo eh! Napaka-maldita talaga ni Mrs. Fuentabella.


"Ano yung punishments?" Tanong ko agad para madali na. Tuka pa siya ng tuka eh!!! Sobrang late na kami eh!


"Wag kayong umuwi mamaya! Kayo ang maga-arrange ng mga libro sa library mamayang hapon!" I-aarrange lang naman pala yung mga libr--


"ANO?!" Sabay naming nasabi ni Kaleigh. Na-realize ko eh! Ang hirap kaya! Ang bigat naman ng punishment na yan ah! 


"Wag kayong mag-alala, sa library lang naman ng mga college students eh! In fact, you should be thankful kasi yun lang ang punishment niyo! But the next time that you two are late, hindi ko na papalampasin!" Hindi pa pala niya pinapalampasan yung ganito ha! P**a! Nakakaawa yung mga na-late na ng marami! Ang bigat ng punishment naming kahit ngayon pa lang kami na-late! Paano na kaya yung na-late na ng 2x, 3x, 4x, 5x! "Go to your rooms now!" Disappointed yung mga mukha naming naglakad. Hinatid ko pa rin si Kaleigh sa building niya. Mahirap na 'no! Baka pagalitan pa siya ng prof. niya. Mas mabuting Makita ako ng prof. niya para hindi siya pagalitan.


--


"Grabe! Parang dragon yung prof. na yun eh! Sino ba yun? Nakakahiya talaga eh!" Sabi ni Kaleigh na kumakain ng Balsamic Italian Oven-Fried Chicken. Sosyal ng pangalan pero ang totoo nyan, fried chicken pa rin yan hahaha!


"Si Mrs. Fuentabella yun, nakooo! Naaalala ko talaga yung punishment niya sa amin noon ni Thunder!" Sabi naman ni Hephaestus. Nandito si Hephaestus, Thunder, Zero, ako at Kaleigh sa canteen eh. 


"Naalala mo pa pala yun? Laptrip yun eh haha!" Sabi ko agad at tumawa rin si Zero. Nakakatawa talaga kasi eh! 


"Oo nga bebs! Ang tagal na nun!" -Zero.


"Ano ba yung punishment?" Tanong naman ni Kaleigh.


"Basahin yung lo--" Sasabihin ko na sana eh! Kaso tinakpan ni Thunde rang bibig ko! Nahihiya talaga siya sa tuwing naaalala niya yun hahaha! Basta! High school pa kami noon eh nung nangyari yun! Ito kasi ang nangyari... May ibibigay sanang love letter si Hephaestus sa isang college student eh, sinamahan siya ni Thunder noon eh, 4th year highschool noon sina Hephaestus at Thunder nung mangyari yun eh tapos 1st year college naman yung nagustuhan ni Hephaestus! P**a! Eh nakita sila nitong Mrs. Fuentabella eh kaya ayun! Yung punishment, basahin yung love letter sa harapan ng mga classmates ni Hephaestus. Grabe! Ang daming studyante ang pumalibot sa classroom nila Hephaestus noon eh! Para lang Makita siyang bumabasa ng love letter! HAHAHAHA!


"Shut up! You're making us embarrass!" Sabi naman ni Thunder.


"Yan ka na naman bebs! Nasa Pinas ka kaya mag-tagalog ka!" -Zero.


"Porket nasa Pinas, dapat talagang mag-tagalog. Bawal na ba ngayon ang mag-English?" Singit naman ni Kaleigh.


"Hindi naman sa ganun, bebs pero nakaka-nose bleed eh." Sabi naman ni Zero, at nagpatuloy lang kami sa pag-uusap.


--


"Nakakapagod 'to ah!" Reklamo ni Kaleigh nang hindi niya maiabot sa taas yung dalawang libro na hawak niya. HAHA! Nandito na kami ni Kaleigh kaninang mga 5PM pa eh, pero magdadalawang oras na ata, nandito pa rin kami at ina-arrange pa rin ang mga libro. Basta 4PM kasi, wala ng masyadong students eh kasi kapag 4PM na, kasi tapos na yung mga class. Pero napagdisisyonan naming 5PM nalang kami pumunta dito. Minsan meron pang class kapag 4PM pero hindi naman marami. Ang laki rin kasi ng library eh!!! Nakakapagod tuloy!


"Hindi ka ba natutulog kaya hindi ka na tumangkad?" Pang-aasar ko sa kanya. Hahaha! Nag-glare naman siya sa akin. Kaya bago niya pa ako bugbugin ulit tulad nung kanina, tinulongan ko na siya. Baka mabugbog na naman ako eh!


"Porket matangkad ka, iniinsulto muna ako? Nahiya ako sh**!" Aba aba! Linalakasan niya ang boses niya porket wala ang librarian!


"Sinisigawan mo ba ako?" Pananakot ko sa kanya at lumapit pa kaya napaatras talaga siya!


"H--hindi." At umiwas pa ng tingin. Bakit siya nauutal? Tsaka umiwas pa ng tingin? Wala naman akong ginagawa sa kanya! Teka, ayaw niya ba ng position na 'to? HAHAHA!


"Mabuti naman." At nag-smile ako sa kanya at lumayo na. Ang lakas ng tibok ng puso ko eh! Parang aatakihin ako! Nyeta! May sakit na ata ako sa pus--

Biglang napakapit sa akin si Kaleigh nang bigla nalang namatay yung ilaw dito sa library. Brownout ba?  O ano? Bakit pinatay ang ilaw?


"Lumabas muna tayo." Sabi ko pero kinuha ko muna ang cellphone ko para may ilaw bago ko siya hilahin.


Kaleigh's POV

"Lumabas muna tayo." Kinuha niya ang cellphone niya at in-on niya ang flashilight nito at hinila na naman ako. I guess, it's already his hobby. Yung hilahin ako!


Ako na mismo yung pumihit sa doorknob pero hindi--


"Sh**" Bulong ni Grey. Bakit? May problema ba? Pinihit ko nalang ulit ang doorknob per-- "Naka-lock na ang pintuan. Maglo-lock na eh kapag 7PM na." ANO?!!!! Naka-lock na?!!!! No!!!! Hindi pwede!!!!!


"Wag mo nga akong takutin!" Sabi ko at pinihit na ulit ang doorknob pero ayaw talagang um-open nung pintuan.


"Naka-lock na yan sa labas, Kaleigh." Tinatakot niya talaga ako!!! Bwesit!!!! Don't tell em na na-stuck kami dito? "Yes." Napatingin ako sa kanya. Is he a mind reader? "We are fu**ing stuck here." FUDGE!!!! HINDI PWEDE!!!!


"Dapat makalabas tayo dito, Grey!!!" Sabi ko at pilit pa ring pinihit ang doorknob. Pero ayaw talagang ma-open! "Bwesit!" Nasabi ko nalang at pinatid yung pintuan. "Anong oras na ba ha?" Tanong ko sa kanya at tiningnan niya ang cell... pho--


"7:0--"


"TAMA! GREY!!!! CELLPHONE!!!!!! Mag-text ka!!!!! At waiiitttt!" Kinuha ko yung cellph-- 


"There's no signal here." What the-- wahhhhhh!!!!!!!!!!! 


"Bwesit!!!!" Sabi ko na parang naiiyak na. Gusto ko talagang sumigaw!!!!!!!!!! 


"Galit ka ba?" Tanong niya. OO! Galit na galit! Ayokong ma-stuck dito!!!!!!! Ayokong ma-stuck dito!!! Lalo na at kasama ko si Grey!!! Ayysshh! This jerk!!!!


"Dahil 'to sayo eh! Kung sana hindi mo ako hinila kagabi, hindi sana ako makakatulog dun sa kwarto mo! At kung hindi sana ako nakatulog dun sa kwarto mo, magigising sana ako ng maaga dahil may alarm clock ako dun sa kwarto ko! ARRGGHHH! Bwesit ka talaga eh!!!" Sabi ko at pinag-hahampas siya. Eh nanggigigil ako eh!!!


"T--tama na nga Kaleigh!" Tumigil naman ako. Ayoko sa mga ganito eh. Yung nastu-stuck sa mga lugar na madilim. "T--teka, umiiyak ka ba?" Tanong niya. Kaya umiling agad ako. "I--I'm sorry." Bakit ngayon nagso-sorry siya? 


Napatingin naman ako sa kanya. "Ba't ka nagso-sorry?" Tanong ko sa kanya.


"Sabi mo, dahil sa akin eh kaya nangyari 'to." Nagso-sorry siya pero parang hindi naman concern. Tss. Silly. "Concern ako." Wait what? Nababasa niya ba ang isipan ko? Does he have superpowers? "I'm not a mind reader." What the-- But hod did he-- "Masasabi ko kung ano ang iniisip mo dahil sa facial expressions mo." Napatawa naman ako. I thought he's a mindreader. Kanina kasi nabasa niya yung iniisip ko, ngayon rin. He really is amazing. "Ngayon naman tumatawa ka. Baliw ka talaga!" Binabawi ko na. He's not amazing!


"Bahala ka dyan!" Sabi ko nalang at pumunta sa may couch dito sa library. Aside from study desks, study tables,  there is also couches here in the library, ang tawag naman sa part na 'to ay casual reading area.


"Gusto mong matulog dyan?" Ofcourse I do. I nod. Kahit papaano may ilaw naman dahil yung may malaking bintana na naman na nasa side lang nitong couches dito. Habang itong couch naman, nasa harap ng librarian's desk. And because there is a huge window here, kitang-kita ang buwan. That's why there is atleast little light. "Wag kang matulog dyan." AT BAKIT?!!! "Bukas, agad ka nilang makikita kapag nag-open na ang library. So don't sleep there." Oo nga 'no. Grey is right. Baka ma-punish pa kami ulit.


"Saan ba pwedeng matulog?" Tanong ko. Sana yung komportable ako.


"Follow me." Kaya sinundan ko naman siya.


"Dito ako matutulog?" Tanong ko. Pambihira!


"Nope. Hindi lang ikaw yung matutulog dito 'no. Ako rin!" Sabi niya at umupo na sa sahig. Grabe! Nakaupo kaming matutulog?


"Grabe! Ang sakit sa likod niyan Grey!!!"


"Hindi ko naman sinabing nakaupo kang matutulog eh."


"Ano?"


"You sleep in my lap." Wait what? Is this his order? Bakit hindi "YOU CAN SLEEP IN MY LAP."?!!! Is this an order from him? Let me predict it! Gagamitin niya ang pangalan niya-- "I'm a Vidallon, Kaleigh. Wait! I'm not using my family name for you to follow me. What I want to say is that I'm a Vidallon so you can trust me." Ows?


"Can I even trust you?" 


"Bahala ka." Sabi niya at pumikit na ang mga mata. Bwesit! I have no choice! Hindi ko naman kayang matulog na naka-upo eh!!! AYYSSHHH! 


Padabog akong naglakad patungo sa kanya and sh**! "Wala 'tong malisya, Grey! Matulog ka lang dyan!" Sabi ko at humiga na.



Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now