Chapter 29 - Surprise Visit

120 7 5
                                    

Kaleigh's POV

Kinakabahan ako dahil sa mga pinagsasabi nito eh. Pero syempre hindi ako naniniwala, hindi naman kapani-paniwala yung sinabi ni Grey eh. Tsaka alam niya naman sigurong bawal kaming ma-fall diba? Haha!


"HAHAHAHA! Galing mag-joke ah! Tumingin ka nga sa kalsada, mababangga tayo eh kung titingin ka lang sa akin." I said. Seriously? Nakakabaliw 'tong sitwasyon namin eh! He's crazy and he is making me crazy! This is so frustrating! Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Ba't ang lakas ng tibok?" Tanong ko syempre! I just whisper it. Baka marinig pa ni Grey eh, assuming pa naman 'to.


"May pupuntahan tayo." At dun ko napansin na iba na yung rota ang dinadaanan namin. 


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.


"Magde-date." WTF! Ba't ba siya ganyan?


"Grey naman eh!"


"Haha kakain lang tayo, but I'll consider it as a date." Bwesit talaga 'to. I mean bwesit yung mga childish thoughts niya.

--

"Kunin mo naman yan Kaleigh!" Sigaw ni Grey sa likod ko. Nandito kasi kami sa WOF eh naglalaro. Nasa mall kasi kami eh. Tapos na rin kaming kumain.

Sabi ni Grey na iche-cheer niya daw ako eh. Andami niya ng nakuhang stuffs! Eh habang ako wala pa!!! Hindi ko rin alam eh kung chine-cheer ako ni Grey eh kasi parang inuutos niya po ako eh.


"Wag kang maingay! Malapit na 'to!" Sigaw ko pero naka-focus pa rin ako. Baka maubos ko na yung pera ko eh dahil sa larong 'to. Pero ayaw talagang makuha nung stufftoy na minion!!!


"Malapit na daw pero hindi naman nakuha." 


"Iniinsulto mo ba ako?!" Tanong ko sa kanya at naghulog nalang ulit ng token. Makukuha na 'to, swear!

Maglalaro na sana ulit ako ng bigla nalang nag-press ng button si Grey kaya ayun! Sayng yung token!


"Binubwesit mo talaga ako eh!" Sabi ko at pinaghahampas pa siya. Nakakagigil 'tong lalaking 'to! 


"Hahaha! Hindi ah!" Tumatawa lang talaga siya! Sayang yung token eh!!!! Tiningnan ko nalang ulit yung machine pero napatalon ako sa tuwa ng biglang naghulog ito ng stufftoy na minion. Sh**! Nakuha ko!!!!!!!! Nakuha ko!!!!!!!!!!!!!!!! "Tinulungan pa nga kita eh." Tss. 


"Minamaliit mo yung kakayahan ko eh. Hindi ko kailangan ng tulong galing sayo!" At naglibot-libot na ulit pero bigla niya lang hinila ang kamay ko pabalik sa kanya kaya ayun! Nabangga na naman ang ulo ko sa dibdib niya.


"Sayo na yan." At binigay niya hyung mga stufftoy na nakuha niya rin kanina. Hanep! Ako na pala taga-dala nito pero sabi niya akin na 'to so okay lang hehe!


"Thanks." Pero rude jerk pa rin siya. 

Napatitig ako sa mga dun naglalaro ng basketball. Woahhh ang dami nilang points, paniguradong marami silang ticket makukuha.


"You want to play?" Akala naman siguro nito matatalo niya ako. Tss. Hindi ako magpapatalo 'no. I'm Kaleigh mga par, I don't want to always lose.


"Kapag natalo kita may ipapagawa ako sayo." Sabi ko pero nakatitig pa rin dun sa mga naglalaro.


"Okay haha!" At naglaro na nga kami.

--

Nakauwi na kami ngayon sa condo at grabe! Tawang-tawa ako sa pinagawa ko sa kanya! Sumayaw ka ba naman sa public na walang music. But there are people around us na na-amaze pa talaga! Bulag ba sila? Para ngang baliw si Grey eh kasi sumasayaw na walang music. I don't know if they're deaf or blind.


"Lagot ka talaga kapag nalaman yun ng mga may gusto sa akin." Pananakot niya. Oo nga 'no. Baka mabugbog na naman ako. And maybe this time, masampal na talaga ako ni Leslie. Pero bahala na. 


"Do you really think that I'm scared of them? Hindi 'no." I said while opening the refrigerator. Sana naman may makakain man lang kami kahit mga delata nalang. Nakakapagod rin naman kasing mag-luto. Palagi nalang ako yung nagluluto sa amin ni Grey! Poret ako yung responsible. Dapat matuto rin siyang magluto!


"Bahala ka. Nakakapagod na bantayan ka sa hospital." Sabi niya at humiga sa sofa.


"Ikaw rin naman ah!" Sigaw ko galing dito sa kusina. Mukhang out of stock na ata kami ah. Lagi nalang kasi kumakain 'tong s Grey. Ako rin haha!


Napatingin kami pareho ni Grey nang may biglang kumatok sa pintuan.


"Papasukin mo." Sabi ko kay Grey. I'm not his maid, dzuh! Hindi naman pwedeng ako nalang lagi yung gagalaw. May paa rin naman at kamay rin siya eh.


"Ikaw na." Ang sarap batuhin nito ng plato.


"Ikaw na nga sabi eh! Ikaw yung malapit lang sa pintuan!" Sigaw ko sa kanya. Nakaka-bwesit talaga!


"Tsk." At padabog siyang pumunta sa pintuan at binuksan ito. May pa "tsk" pa siya. Tss padabog pa talagang pumunta dun! "Ahh tita! Pasok po kayo." Tita? Tita niya ba ya--


"Ate!!!" Napatingin ako sa batang sumigaw nun. Oh my!!! Si Kiara!!!


"Kiara!" At sinalubongan niya ako ng yakap. Nakakamiss 'tong batang 'to!!


"Na-miss kita!" Oh, I missed you, too lil sis.


"Na-miss rin naman kita ah. Hehe!" And I hug her as tight as I can. "Pero bakit kayo nandito?" At tumingin ito sa akin.


"You ask mommy about that." Tumayo naman ako at tumingin kay mommy.


"Mommy, ba't kayo nandito? Tsaka asan si daddy?" I noticed that sila lang dalawa eh. Wala si daddy. Baka naman busy na naman siya. Halos wala na siyang time ata sa akin ah. I guess, he don't want to see me. Tss. He broke his promise and now siya pa yung walang ganang Makita ako. 


"We just want to visit the two of you, since wala kaming magawa ng kapatid mo. And we missed you so bad, Kaleigh. We want to see you." Hindi niya na inabalng sagutin yung tanong ko about kay daddy. So I guess, tama ako. Ayaw niya akong Makita. 


"Ate, is that guy treating you right?" Oo sh**! Grabe! Tinuturing niyang maid dito eh! Kaya tama yun Tsk tsk.


"Kapag sasabihin kong hindi, anong gagawin mo?" Tanong kay Kiara.


"Anong hindi? Binabantayan nga kita lagi eh!" Tss. Hindi naman siya yung tinanong ng bata ah, ba't sumasabat siya?


"Ayyiiee! So you two are always together? Hehe! Ayyiiee!" Ang bata talagang 'to. May pa-ayyiiee ayyiiee ng nalalaman.


"Hindi kaya." Sabay naming nasabi ni Grey kaya nagkatinginan kami. Tss.


"Haha! You're so funny! Anyways, do you want to eat honey?" Tanong sa akin ni mommy. Ofcourse.


"Wala na po kaming makakain dito eh." Sagot ko sa kanya.


"Don't worry, I'll treat the three of you."

--

Nandito na kaming apat ngayon sa restaurant. I can still remember that this is the place where I discover that I'll have a fiancé. Sa labas naman nito, dun ako nabangga ni Grey. Haha!


"I wonder if nadakip na ba nung mga police yung bad guy na nakabangga sayo dun sa labas, ate." So hindi pala alam ni Kiara na si Grey yung nakabangga sa akin? Haha!

"Hindi naman siguro yun sinasadya eh." Sabat ni Grey na nasa tabi ko lang. Kaharap naming sina mommy at Kiara eh.


"Siguro nga." Sabi naman ni Kiara. Let me tell you something funny, Kiara.


"Nakatakas na siguro yun sa kulongan. I heard, baliw yun kaya ayun baka nakatakas na yun sa kulongan. Bad yun eh." Sabi ko na may patawa-tawa pa.


"Baliw pala yun? I forgot his face but I'm sure that he is gwapo and wala sa face niya yung pagiging bad." And base sa peripheral vision ko, nag-smile pa talaga si Grey.


"Or maybe, close na sila ng ate mo." And nag-evil smile pa talaga si mommy. Tsk tsk!


"Hindi ko yun magiging close 'no! Pangit nga nun eh." Sabi ko agad. 


"Ang gwapo kaya nun." -Grey


"Pangit."


"Bahala ka."


"Bahala ka rin." Nag-snob naman ako. Pinu-push niya pa talagang pogi siya. Pogi naman talaga siya ah! Pero pangit ng ugali kaya pangit na rin yang mukha niya!


"You know what, ate and kuya, you look bagay." Napatingin kami pareho ni Grey kay Kiara. Anong bagay?! Pangit nga nyan eh!


"Kiara is right. How's your relationship?" Tanong naman ni Mommy.


"Walang kami." Sabay naming sabi ni Grey. Kino-kopya niya talaga ang mga sasabihin ko eh!


"But I think, close na kayo. Nag-bunga yung plano mo Grey." Tss. Ang ibig sabihin nung plano ni Grey at yung nangyari noon! Siya yung nagplano na magsama kami sa isang condo eh, para lang talaga makuha niya yung loob ko. "Magsasama pa rin kayo hanggang sa mamatay kayo ah." WHAT?!


"Teka, tita, ang sabi ko naman po na magsasama lang kami hanggang sa makasal kami ah." Hinding-hindi ako papaya na magsasama talaga kami lagi hanggang sa mamatay ako! Magiging mid lang ako nito forever eh!!! Baka kapag 70 years old na ako, ako pa rin yung taga-linis ng bahay, taga-luto ng pagkain at taga-lab-- oo nga pala. Naalala kong pumupunta lang kami ng laundry shop hehe!


"Nagsasama naman talaga ang mag-asawa sa isang bubong ah. So it's okay and wait, since nasa iisang bubong lang kayo..." Parang biglang nag-glow ang mukha ni Mommy. "may nangyari na ba sa inyo?" 

Napa-ubo ako dahil sa tanong ni mommy at pati na rin si Grey. Wala and never! Hindi yan pwede at hinding-hindi yan mangyayari!


"Hindi yan mangyayari, mommy." Sabi ko at uminom ng tubig.


"What do you mean, mommy?" May bata nga pala kaming kasama. Tsk tsk!


--


Nakauwi na kaming apat dito sa condo and I guess, uuwi na rin sila mommy. But malalaim na yung gabi eh.


"Grey ito ba yung kwarto mo?" Tanong ni mommy na nakahawak pa sa doorknob at yung isang kamay naman at nakahawak kay Kiara. What is she planning?


"Yes po, tita." Magalang na sagot ni Grey. Parang kay mommy lang siya gumagalang ah! Hindi siya gumagalang sa mga prof. naming dun sa academy at tsaka hindi rin siya gumagalang sa mga seniors!


"Dito kami matutulog ni Kiara." At agad silang pumasok. What the heck?! 


"Ammn saan po ako matutulog, tita?!" Pasigaw na tanong ni Grey. No, please! Sana mali ang iniisip ko.


"Sa kwarto ni Kaleigh! Wag ka sa sala matulog kasi alam kong hindi ka komportable!" NO WAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!! TAMA NGA YUNG INIISIP KO!!!!!!!!!!!!!!!!!! BA'T BA GUSTO NI MOMMY NA MAGSAMA TALAGA KAMI?!!!!!!!!!!!!!!!! AYOKO!!!!!!!!!!!!!!!


"Tara na." At bigla nalang akong hinila ni Grey. No!!!! No!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakit kailangang sa kwarto ko pa??????Na-try ko ng makatulog na katabi si Grey but this one is different! Why? It's because noon, hindi namin binibigyan ng malisya but now!!!!!!!!! Mommy and mismong si Grey, iniisip na may malisya 'to!!!! Ayoko!!! 

Nakatulog ako na katabi si Grey nung ma-hospital siya dahil dun sa may pumokpok ng baseball bat sa ulo niya, nakatulog rin ako na katabi si Grey nung I accidentally sleep in the sala, magkatabi rin kami nung may lagnat siya pero alam kong may sakit lang nun si Grey! And nung na-stuck kami sa library, pinatulog ako ni Grey nun kasi alam niyang hindi ako komportable na nasa sahig natutulog. 

See that! It means may mga reasons kung bakit nakatabi ko sa pagtulog noon si Grey but now! Sinasadya na talaga ni mommy! Matutulog sila sa kwarto ni Grey? That reason is nonsense. 



Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now