Chapter 31 - Wish

114 9 1
                                    

Kaleigh's POV


Nandito kami ngayon sa isang coffee shop ni Grey kasi makikipag-meet up yung mommy ni Grey at mommy ko eh. I don't know why but I really have a bad feeling about this. Pero mukhang wala naming masama ang mangyayari eh. 


"Matagal pa ba sila?" Again, the impatient guy, GREY. 


"Maghintay ka nga. Mga 10 minutes pa lang tayo dito." Sabi ko. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit mga mommy naming ang pupunta. I don't know why but I think may malaki talaga silang sasabihin. Pero ano??? Ano yung sasabihin nila? Bakit nila kami pinapunta dito?


"There they are!" Napatayo ako nang sabihin yun ni Grey and yeah right, nandito na nga sila. Nakipag-beso ako kay mommy at sa mommy ni Grey. Akala ko ba lagging busy 'tong mga magulang ni Grey? Pero bakit nandito kaya yung mommy niya


"Ija! You always look gorgeous, why is that?" Sabi nung mommy ni Grey kaay nag-smile naman ako. Ayokong magsalita, baka kasi kung anu-ano na ang masabi ko. "Nagkaka-wrinkles na ako, how to stay gorgeous?" 


"Busy ka kasing tao eh. Kaya you look so stress." Sabi naman ni Mommy.


"Okay, let's get to the point mom, tita." Kahit kailan talaga, hindi marunong rumespeto si Grey. 


"Okay fine, you're too impatient, honey..." -Mrs. Vidallon.


"Haha! Are you excited to spend your time with Kaleigh? -Mommy.


"Ofcourse." And Grey smirked. Wtf?!


"Oww... So I guess I need to discuss it right now... You two are going to plan for your wedding." At bigla nalang akong napanganga dahil sa sinabi ng mommy ni Grey. Sa lahat ng ayaw ko, ito pa talaga eh! AYOKO!!!


"Don't worry, kami na ang bahala sa birthday party mo." Jusko. Ayoko talagang makasal!!! Pero tama si mommy, hindi dapat ako mag-alala kasi meron pa naman yung sinasabing kontrata ni Grey eh. "Here's the list." At may biglang binigay na papel si mommy. Ano naman 'to? "Yan yung pupuntahan niyo para sa mga preparations." WTFFFFFFFFFFFFFFFF


"Kayo na bahala kailan kayo pupunta pero dapat maaga yang matapos ah?" Sabi ng mommy ni Grey. Is this a nightmare? Or what? Is this an illusion or nightmare that isn't a nightmare?


"I can't do this." I whisper. Madedepress ata ako dahil dito. 


"Sure. Matatapos 'to pagkatapos ng new year." I sigh. Mukhang kumakampi si Grey sa mommy niya at mommy ko.


"What's with the sigh, dear? Hindi ka ba excited?"-Mommy.


"It's just that..."


"Alam mo naman sigurong kailangan niyo 'tong gawin, diba?" -Mrs. Vidallon.


"Don't worry." Napatingin naman ako kay Grey na nagsabi nun. Binigyan niya ako ng isang ngiti. That smile makes me uneasy. Malakas na naman yung tibok ng puso ko.


"So ano na? Maiwan na naming kayo?" -Mrs. Vidallon.


"Sige po Mrs. Vidallon." Sabi ko nalang.


"Don't call me Mrs. Vidallon, honey. You can call me 'mom' since magiging parte ka naman ng family." Oo nga, magiging Vidal-- hindi! Kasi may paraan si Grey para mapa-walang bias yung kontrata. Masasayang lang lahat ng preparations na gagawin namin and mapapagod pa talaga kami. Pero ayos lang.


"O--okay..." At hindi naman nagtagal at lumabas na sila pero nanatili pa rin akong nakatayo. Pero bigla nalang ako hinila ni Grey papalabas ng coffee shop at pinasakay ako sa kotse niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang pinaandar niya ang kotse niya. 


"Basta." At bigla nalang siya nag-smile. Yung square na naman niyang smile. Ayoko talagang Makita siyang nagsmi-smile ng ganyan eh. Ewan ko ba kung bakit! Pero parang nanghihina ako kapag ngumingiti siya ng ganyan!!! "You can sleep. Malayu-layo yung pupuntahan natin." Baka dalhin pa ako nito sa isang malayong lugar para ibenta yung mga lamang-loob ko, o di naman kaya ay baka I-rape ako nito. But how come I did really sleep.


--


"Kapag ayaw mong bumangon dyan, hahalikan kita." Nagising ako dahil sa ingay. Pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko dahil ang sarap pa ng tulog ko eh. "Ayaw mo talaga? Bahala ka. Hahalikan na kita." Napamulat ako dahil sa narinig ko pero pag-mulat ko, isang pulgada nalang ata ang layo ni Grey sa akin. I can feel him breathing. "Buti gumising ka na, hahalikan na sana kita eh." His mouth smells good, his perfume, too. 


"U--umalis ka nga." Bakit ako nauutal? I shouldn't be! Pero imbis na umalis siya mas lumapit pa siya sa akin. Sh**! Kunting galaw lang at mahahalikan ko na talaga siya. Wag na wag kang gagalaw Kaleigh. Hindi na ako humihinga. Paano ako makakahinga dahil dito? Parang mamamatay ata ako sa nerbyos.

Pero may bigla akong narinig. 


"Tinanggal ko lang ang seatbelt mo." At lumayo na siya. Huminga naman ako ng malalim. Mukhang mamamatay na ata ako kanina ah. Tiningnan ko naman ang seatbelt ko. Tama nga siya, tinanggal niya lang. Pero bakit ganun pa kalapit dapat? He's making me suffer! "Lumabas ka na." At lumabas naman ako. But I was surprised when I saw where we were. Wait... Hindi pa ba ako nagigising? Baka nanaginip pa rin ako? 


"Where are we?" Tanong ko kay Grey na nasa tabi ko na. Sobrang ganda nitong lugar na 'to!


"Field 'to ng pamilya ko. Wala masyadong nakakaalam nito." He said. "Ikaw yung pangalawang babae ang dinala ko dito." He brought Rose here. I knew it. This field is full of different colors of roses. This is so nice! I smile. "Pinangako ko sa sarili kong dadalhin ko yung babaeng gusto ko makasama dito." Napatingin ako sa kanya. He's serious. "Lagi ko siya dinadala dito but you know haha! She died. One year na ata akong hindi pumupunta dito eh." His laugh is fake. He's trying to be alright but he is not. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang ilabas ang nararamdaman niya eh. "I like you so I bring you here." So he like me that bad? Bakit ba gusto niya ako?


"Why do you like me?" I ask him.


"Because I like you." Eh? 


"Ang drama mo." Tumawa ako dahil sa sinabi ko. Ba't ba ako natatawa? 


"Tae hahaha! Hindi kaya." Naglakad na ako.


"Infairness, maganda dito." Sabi ko habang pinipicturan yung mga rose. May pink, red, orange and purple rose dito eh. Nakagrupo sila. Parang nananaginip ako dahil sa mga nakikita ko eh. Parang nasa ibang bansa ako dahil dito. 


"Ofcourse." Pero may narinig akong nag-click kaya napatingin ako sa kung saan galing yun. Wtf?


"Are you taking pictures of me?" Nakakunot noo kong tanong.


"Hindi." Umiling pa siya at tinago yung cellphone niya sa likod niya.


"I-delete mo yun, Grey!" Sabi ko sa kanya while giving him glares. 


"Haha! Ang cute mo!" At bigla niya nalang ako pinicturan ulit. WTF!


"Bwesit ka talaga!" Pero bigla nalang siyang tumakbo kaya hinabol ko ito. Pero habang hinahabol ko siya nagte-take din siya ng picture sa akin. Ang pangit ko sa pictures na yan! "You comeback!" Sigaw ko pero hindi pa talaga siya tumitigil.


"Tumigil ka muna." Kaya tumigil nalang ako at lumapit naman siya but still! I'm still giving him glares. "Picture muna tayong dalawa." Sabi niya pero hindi ako nakikinig kasi nakatingin pa rin ako sa kanya na may death glare. At may bigla nalang nagclick na sound kaya napatingin ako bigla sa cellphone niya na nasa harapan lang namin. Oh sh** did he just-- "Kasalanan mo na yun kung bakit titig ka ng titig ka sa akin." At tumakbo ulit siya. Bwesit ka talaga Grey!!!


--

"Sakto na ba yan ija?" Tanong ni Lola. Nandito kami ngayon sa isang bahay na malapit lang dun sa field eh. Yung nakatira daw dito ay yung nagbabantay at nag-aalaga nung field. Sabi ko kay Grey na wag na kaming pumunta dito eh but he insist. Pwede naman daw kami magpahinga dito eh. Tsaka dapat daw dito muna kami kasi may titingnan pa kami dun sa field mamayang gabi. 


"Ahh opo, salamat po sa pagkain." Hindi naman ako mapili eh. Yung nakahain lang dito ay sabaw na may malunggay na may squash pang kasama at hindi ko na alam ano pa yung kasama nito but it looks delicious. And then may piniritong isda din na parang perfect match pa ata nitong sabaw.


"Sure kang kakain ka nyan?" Tanong sa akin ni Grey. Nandidiri ba 'tong kumag na 'to?


"Bakit? Ayaw mo sa pagkain mo?" Tanong ko sa kanya na nilakasan ko para marinig ng matanda. I did it for purpose. Dapat sabihin ni Grey na masarap yung pagkain 'no. Nakakahiya naman kung insult yung sasabihin niya. ANg sarap kaya nito.


"H--hindi. Masarap nga ata 'to eh. Masarap mag-luto si Lola Natasia eh." At nag-smile pa ito. Kung pwede lang tumawa ng malakas, ginawa ko na eh HAHAHA! Pero totoo naman talaga, masarap ang mga ganitong pagkain.

Kumain nalang ako. Anyway, wala dito yung asawa ni Lola Natasia kasi nandun sa field kasama yung lalaking anak nila.


"Ijo, ang tagal mong nakabalik dito. Pero nasan na yung palagi mong kasamang babae?" Tanong ni Lola Natasia na liniligpit ang pinagkainan namin. Tinutulungan ko rin siyang nagligpit nitong pinagkainan namin.


"Ahh..." Hindi makasagot si Grey dahil sa tanong ni Lola. Looks like hindi alam ni Lola yung nangyari.


"Nasa ibang bansa pa po siya, Lola. Matagal pa ata yun makakauwi eh." Ako nalang yung sumagot. Mahirap na baka umiyak pa 'tong si Grey eh. Joke lang pero yun na nga, ako nalang yung sumagot, baka kasi magdrama na naman siya. Ayaw pa naman nito na kaawaan siya.


"Ahh, ganun ba? Sana bumalik yun dito." Sana nga pero mukhang hindi na. "Magka-anu ano naman kayo, ija?" Napatingin ako kay Lola dahil sa tanong niya.


"Kai--"


"Mag-asawa po kami." What the-- 

Pinutol ni Grey ang dapat kong sasabihin at sinabi niyang "mag-asawa" kami. Wow! Kailan ko pa siya naging asawa?!!


"Hin--" Magsasalita na sana ako eh pero biglang nag-salita si Lola Natasia.


"Ganun ba? Nako! Ang bata niyo pa! Pero naiiintindihan ko kung bakit kayo nagpakasal ng maaga. Ganuon rin kami ng asawa ko eh hahaha!" Hindi!!! Gusto kong umiyak huhu! Hindi pa naman kami kasal eh. "Mahal niyo talaga isa't-isa, ano? Sana magtagal kayo. Wag na wag muna kayo gagawa ng bata kasi ang babata niyo pa." Hindi po namin mahal ang isa't-isa!!!! Hindi rin yan sumagi sa utak ko na magka-anak!!! Tsaka hindi po kami kasal!!!!


"Hehe! Opo." Sagot ni Grey. Bwesit ka talaga T_T "Kaleigh, bumalik na tayo sa field." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. May gana pa talaga siyang makipag-usap sa akin! Bahala ka dyan! "Hoy! Punta na tayo dun." Pero hindi pa rin ako sumasagot. "Tsk tsk." Bigla niya nalang ako hinila. "Babalik po kami dito. Salamt po sa pagkain." Hinila niya na ako papalabas ng bahay.


"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya nang makarating kami sa field. "Bwesit ka talaga eh! Kailan pa tayo kinasal huh?! Tsaka ako yung tinanong! Hindi ikaw! Tsaka pwede ba, wag mo kong hilahin ng basta-basta! Ang sakit talaga ng kamay ko dahil sa kakahila mo sa akin eh! Kapag hinila mo uli ak--"


"Shh." Napatigil ako. "Tumingin ka sa kalangitan."


"Ayoko." Sabi ko.


"Bahala ka, hindi mo makikita ang mangyayari." Tumingin nalang ako sa kalangitan. Ano ba kasing mangyayari? "3... 2... 1..." O.O

I was surprised again! Because of what I'm watching right now.


"Sabi ni Thunder na meron dawng meteor shower ngayon. Kaya ayan, meron nga." Napa-nganga ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako akakita ng meteor shower. Noon kasi, isang falling star lang ang nakikita ko. But now, this is a meteor shower!


"This is beautiful!" Nasabi ko nalang. "Did you already wish?" Tanong ko sa kanya.


"Oo." 


"Ano yung wish mo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan.


"Na sana tumigil ang oras ngayon." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Me too, Grey. Gusto kong tumigil ang oras ngayon.

Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now